CHAPTER TEN | An ex-lover's tale

12 3 1
                                    

GIO

Simula noong nakita ko ulit si Arianne, parang may kakaibang nangyari sa'kin. Ilang buwan na ang lumipas simula noong nagkahiwalay kami ay bigla ko na lamang siyang inaalala kahit may iba akong girlfriend nang mga panahong iyon. Nagbago man ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit ang kanyang pagmumukha ay hindi pa rin dala siguro ng laging pagpapakita ng mukha niya na naglalaro sa'king utak.

Wala.

Umaasa pa rin ako.

Umaasa pa rin ako na sana, magkabalikan kaming dalawa pero anong nangyari?

Nang dahil sa'kin, nasira na lahat ng pangarap na nabuo naming dalawa. Gumuho na ang lahat ng alaala namin nang dahil sa isang pagkakamali — isang pagkakamali na kung maibabalik ko lamang ang panahon, dapat ngayon pa lang ay pinagsisihan ko na kaagad ang nangyari… ngunit wala na akong magawa dahil huli na ang lahat ng nasa amin.

Kung ako, si Gio Franco Floriano, ay kaagad naramdaman ang pagmamahal na pinaramdam ni Jade sa'kin, paano pa kaya kapag sa sariling magulang ko pa? Kahit pa ang mismong tahanan na pinanggalingan ko, hindi ko lubos maisip na mawawala na lamang bigla ang pagmamahal na pinaparamdam nila sa'kin… dati.

Nag-iisang anak ako na nanggaling sa isang marangyang pamilya. May tinatakbong negosyo ang aking mga magulang subalit mas inuna nila yung mga iyon kaysa sa'kin. Kapag pagod sa trabaho ay binabati ko sila ng "good morning" o "good evening," pero ni bati pabalik e wala man lang silang pasabi. ‘Yung mga kamag-anak ko nasa malayo, ang iba naman ay nasa abroad para mag-trabaho at tumira roon it's either pansamantala o panghabambuhay.


Magmula noong elementary, wala akong naging mga kaibigan ni isa. May mga oras na kinukutya nila ako at sinasabi ng kung anu-ano, na higit pa sa pagmamahal ang kaya nilang ibigay, at iyon ay ang trabaho pati ang yaman.

Wala e, they're used to it. And so am I.

Pagkatapos ng mahabang panahon, nagsimula akong mapabarkada. Minsan sumasabak ako sa mga gulo laban sa iba ko pang mga estudyante kaya ang ending pinapa-guidance nila ako sabay patawag ng mga magulang ko at sa huli ay manenermon na naman sila sa'kin sa bahay. Papasok sa utak, lalabas sa tainga, ika nga.

Another thing that I didn't mention is the next day, I didn’t have the chance to attend classes. Umabot ito ng ilang linggo bago nila napagalaman na kaya hindi ako pumasok ay dahil sa maglalakwatsa kami ng mga kaibigan ko, magyo-yosi o kung anuman.

Wala.

Naimpluwensya na ako.

Madami akong ginawang mga kalokohan sa loob at labas ng school katulad ng cutting class, iinom tapos papasok ng lasing… hanggang sa dumating ang araw na pinatalsik ng school kasi marami na akong mga nilabag na rules and regulations at mga records na naisulat ng mga teachers that time.

Isang gabi, nagtalo kami ng pamilya ko at nang napuno na ako ay umalis na ng bahay dahil sa mga kinikilos at sinasabi nila sa’kin. Paglabas habang bitbit ko ang iba pang mga gamit ay bumuhos ang luha sa aking mga mata, kasabay nito ay ang biglang pagdagundong ng malakas na ulan na naging hudyat upang sabihin ang gusto kong sabihin.

Na kung bakit ako nagsisisi.

Akala ko kasi noon, habambuhay ko silang mamahalin… pero hindi pala. Kasi ni minsan sa buhay ko, hindi na nila naramdaman ang pagmamahal na binigay nila sa'kin. Hindi rin nila ako sinusuportahan sa pag-aaral ko, tingin nila kasi ng mga magulang ko sa’kin,  tamad na tao lang ako.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon