CHAPTER NINETEEN | Aurora

6 0 0
                                    

tw: mentions of self-harm

***

ARIANNE

"Arianne! Over here!" 

Lahat kami ay nagulat nang narinig namin ang boses ng isang babae sa isang di-kalayuan. Pagkatapos naming sumakay ng eroplano ay kasama namin sina Martin, Kuya Benj at ang buong pamilya nila dahil makikibakasyon sila sa'min sa Aurora at isa pa, nandoon rin ang mga kamag-anak niya roon sa Baler.

Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Ate Trina, isang babaeng nakasuot ng grey na shirt, black na maong, apricot na sling bag at red boat shoes. Katabi niya rin ang ate niyang si Monique na may dala siyang pasalubong para sa'ming tatlo.

"Ate Trina!" masigabo kong bati sa kanya, mabilis akong naglakad kasama ang maleta ko bago namin niyakap ang isa't isa. Ngumiti kami sa isa't isa at sumama na si Ate Monique sa yakapan, maging sina Kenzo at Marco.

"Hoy, Kenzo! Marco! Hindi naman ako makakahinga sa yakapan niyo!" wika ni Ate Trina na nagpahagikgik sa'ming apat. "Pero, hi! Ang tagal na nating 'di nagkita ah!"

"Oo nga," dagdag ni Ate Monique. "It has been 2 years since you paid the last visit right?"

Tumango naman kami bilang sagot bago ako nagsalita, "Namimiss ko po kasi kayo, e. Lalo na po noong huli tayong nagkausap sa phone noong New Year."

May mga times na nag-uusap kami via call at paminsan ay ginagawa namin ito kapag hindi masyadong busy sina Ate Trina at Ate Monique. Parehas kasi silang may trabaho sa Maynila at kahit maliit o malaki man ang sinusweldo nila ay iniipon nila iyon para may maipadala sa mga magulang nila kung kinakailangan, lalo na sa mga gamutan. 

Paminsan-minsan pumupunta sila ng Aurora para rin bisitahin ang mga magulang nila at kung minsan ay kasama ang ex ni Ate Trina na si Eli. Yes, it's been years since they broke up, leaving her desprate and full of gloom; pero paunti-unti ay nakakarecover naman siya sa sakit na naranasan niya.

"At eto pa, naaalala niyo ba ang ginawa ni Kuya habang nagkakausap tayo?" pabirong saad ni Marco, "sumasayaw tapos nagpakita ng ab—" 

My older cousin cut off what he said saka ko siya kinotongan sa batok, "Hoy Brent Marco kahit kailan pinaalala mo pa langya ka!" 

Napahagikhik sa tawanan ang dalawa bago tumingin si Ate Monique sa likuran at sinilip ang dalawang lalaking nag-uusap sa 'di kalayuan. 

"Arianne, sino iyang dalawang lalaking kasama mo?" tanong niya sa'kin.

Tinuro ko ang dalawa, "Sina Martin at Kuya Benj, taga-St. Bernadette High tapos po mga kaibigan ko sila. Actually po, matagal na po naming kilala si Benj bago si Martin sa SBNHS kaya…"

Tinawag ko silang dalawa bago niya sinenyasan ang dalawa. Lumapit sila papunta sa kanya at kumaway sa dalawa kong pinsan.

"Hello po, ako po si Karl Benjamin, 'eto naman po ang kapatid kong si Jan Martin. Pero pwede niyo po kaming tawaging Benj tsaka Martin kung gusto niyo. Nice meeting you po!"

"Hello!" Ate Trina greeted the two of them at ganoon na din sila. 

Tinignan niya ang oras sa relo niya, "3:26 na pala ng hapon, baka hinihintay na tayo ng van, tara na?" 

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon