CHAPTER SEVENTEEN | Collision

12 1 0
                                    

tw: suicide ideation, mentions of death, mild abuse and self-harm

***

ARIANNE

"Ano nga?" tanong ko sa harapan ni Martin bago ko sipatin ang buong paligid ng room. Tinignan nito ang paligid kung may CCTV sa detention room, mukhang wala pa naman. Luckily, may kurtina ang nasabing lugar kung kaya't noon ay wala pa sa unang sulyap niya pa lang. Tumayo siya't nilingon niya ako sa'king kinauupuan bago isarado ang kurtina dahil sa mga sumusunod: una, sa nasisisilayan kami, at pangalawa...

He left a sigh before lowering his head while muttered something. Naglakad siya bago ito bumalik sa'king tabi, at gamit ang kanyang kanang kamay ay pinakiramdaman niya ang aking mala-porselana kong pisngi pagkatapos.

"Arianne, patawad... sadyang hindi ko na talaga kasi mapigilan itong nararamdaman ko para sa'yo," paghingi niya ng tawad sa'kin subalit bago niya abutin ang aking ulo ay hinawakan ko ang malambot niyang kamay na siyang hudyat upang mapalingon siya sa'kin.

Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya, agad pumintig ang aking puso sapagkat hindi ko agad naisip na mukhang pareho kami ng nararamdaman...

...or so we thought.

Suddenly, he lifted up his head to mine, and as I deeply closed my eyes, his soft lips started to crash in collision. It was soft and tender, but as it got mild and deeper, an unexpected memory captured my brain's attention, causing myself to flash a single tear that streamed into my cheeks before pulling myself away from him...

"Arianne, please, pasensya na," panimulang saad ni Gio, nagmamakaawa sa'king harapan at pinakiramdaman ang pait na dinulot nito sa'kin. "Pasensya ka na sa mga nagawa kong mali sa'yo. Sana tanggapin mo ulit ako, kahit... kahit pansamantala lang."

Hinawakan niya ulit ang braso ko pero kaagad ko itong binitawan dala ng may galit at poot na naramdaman sa'king puso pagkatapos ng hiwalayan namin. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha sa'king mga mata dahil imbes na awa ang naramdaman ko ay galit ang nagparamdam sa'kin.

Ang galit na noong una ay kinikimkim ko iyon hanggang sa ito'y hindi kinaya nang bumalik siya sa piling ko.

Tumawa ako nang napakahina habang sumasabay sa agos ang mga luhang pilit na kumakawala papunta sa'king pisngi, "Sa tingin mo ba mapapatawad pa rin kita, kung paulit-ulit mo akong niloko at sinasaktan? Lalo na 'yung pride, ego at ugali mo?"

Natahimik si Gio sa kawalan habang sinasabmit ko ang bawat linyang binabato niya sa'kin, "O ano? Hindi ka makasagot? Sige, ipapaliwanag ko na sa'yo. Kasi noong sinabi ng kaibigan mo sa'kin na magkakaanak na kayo ng Trisha na iyon, umiiyak pa rin ako. Bakit? Tsaka eto pa, hindi lang ako ang sinaktan mo emotionally, pati si TJ!

"Si TJ na pati yung physical pati mental health niya nadadamay na rin. Alam mo kung bakit? Kasi nang dahil diyan sa ugali mo! Sinaktan mo siya, e. Tinrato ka niya bilang kaibigan tapos ito pa ang igaganti niya sa'yo? Bugbog? Sipa? Walang hiya ka talaga!"

Yes, I finally spilled the beans. Nasambit ko na lahat ng mga itinago at mga di pa niya nasasabi sa'kin subalit 'di pa rin umimik ang loko.

"Sorry. Pero alam mo, nakakgago na kasi. Kasi noong naghiwalay tayo, nagsimula na akong umasa. Umaasa na sana magkabalikan tayo. Na sana, sana babalik ka rin sa'kin. Pero wala eh, huli na. Huli na ang lahat," malungkot pero nagagalit kong saad sa kanya. Aaminin ko, mula noong naghiwalay kami, noon pa lang nagsimula na ako maging ganito. Pinilit kong labanan ang relasyon namin, naging marupok ako, pero sa huli... tuluyan na akong napagod.

I lost the fight.

The fight of love na meron kami.

"Alam kong mahirap para sa'kin ang pagsabayin kayo pero—"

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon