ARIANNE
Jan Martin:
Good morning Arianne!
Nasa school ka na?Ito ang naging bungad sa cellphone ko habang naglalakad papunta sa bukana ng St. Bernadette High. I'm wearing a black backpack, dark blue PE Uniform, same with my jogging pants and pink rubber shoes, my hair styled as bun with my intention to left some tiny strands of hair which making myself looking nice while waltzing down to canteen.
Arianne Jade:
Nandito na ako, Martin
Susunod pa sila Marco mamaya, tsaka hindi pa ako nakakakain ng agahan kasi late ako nagisingJan Martin:
Ayos langTinawag ko ang tindera na siyang taga-ayos ng mga bote na ipapatong sa tabi nito, "The usual po."
"Tapsilog?" tanong niya bago siya tumango sa harapan niya. Pumunta muna ako sa upuan at kinuha ang kanyang notebook para i-double check ang kanyang mga sagot nang biglang dumating si Andrea na naglalakad at tila may hinahanap.
"Andeng?" tawag niya na siyang ikinagulat ng dalaga sabay hawak sa puso nito.
"Grabe ka naman kung makagulat, Arianne Jade! Kita mo namang nagbabasa ako tapos ganyan ka pa?" anito na sa tono pa lang ng boses niya ay tila naiinis siya sa ginawa ko sa kanya.
Tinago ko ang notebook sa bag, "Sorry naman!"
Nilakaran ko siya papunta sa tabi niya, hanggang sa mga oras na ito ay nagbabasa pa rin siya ng eBook sa phone niya na hindi ko alam kung kailan siya matatapos sa ganito. Matagal ko na talagang kilala ang kaibigan ko simula noong unang kita sa pre-school. Bata pa lamang siya ay nahihilig na siyang magbasa ng libro kung kaya't ito ang tangi niyang paraan para takasan ang realidad na kanyang kinagisnan. Iniwan siya nito ng kanyang ama dahil naghanap ng iba at ang kanyang ina ay nahihilig na sa sugal, pero maswerte siya sapagkat ang tita niya ang siyang nag-asikaso sa kanya at tinuringan siya nito bilang kanyang mga magulang.
"Ano iyang binabasa mo—" napatigil ako nang biglang may nahagip akong mga salita na… malaswa sa pandinig ko. "Hoy, bawal iyan, a! Bakit mo pa rin binabasa?"
"Bakit ba? Saka love story naman ang binabasa ko kaya huwag mo akong ganyanin, okay?"
Na-speechless ako sa sinabi ni Andrea sa'kin nang biglang tumunog ang notification sa phone ko.
Jan Martin:
Papunta na kami ni Kuya.Arianne Jade:
Sige langHabang hinihintay ko si Martin ay dumating na ang in-order kong tapsilog bago ako pumunta sa pwesto ko para kumain. Sinundan naman ako ni Andeng bago siya umupo sa harapan ko at pinagpatuloy ang pagbabasa gamit ang cellphone niya. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng isang malalim pero maaliwalas na boses na siyang nagpatigil sa'king kinakainan ngayon, panigurado si Martin na iyon.
Halos napangiti ako nang marinig ko ang boses ng isang transferee sa kauna-unahang pagkakataon, na kahit nasa malayo ay naririnig ko pa rin ang tinig niya hanggang sa mapalayo ito sa 8-2. I know that we're in a getting to know situation, but why does my heart drummed all of a sudden?
What's wrong with me?
Isinantabi ko na lang ang pag-iisip kong iyon at pinagpatuloy ko ang pagkain ng agahan hanggang sa makarating ito sa huling subo. Agad kong pinuntahan ang tindera para isauli ang plato't mga kubyertos, subalit nang binigay ko sa kanya ang plato ay napalingon ako sa likuran ko — si Martin!
Nagulat ako sa kanyang paramdam na siyang hudyat upang mahulog ang kutsara't tinidor sa sahig.
"Akong bahala, Martin," ani ko sa kanya habang hinahanda ko ang kamay ko para kunin iyon. "Kaya ko ang sarili ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/212167396-288-k731044.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...