CHAPTER ONE | Arianne

157 11 18
                                    

This version that you're reading is different from the original version — now with new chapter titles. Hope you enjoy. :>

***

ARIANNE

"Arianne, may assignment ka ba sa English?" Tyler Jude said as he entered the classroom habang tinatanggal ang muta sa kanyang mga mata. As usual, lagi niyang tinatanong sa’kin kung may assignment ba ako sa lahat ng mga subjects or wala, habang ako naman ay inaayos ko ang mga gamit ko para sa klase mamaya.

Gwapo itong lalaking 'to, gamer, nagpapakopya kapag may assignments, magaling kumanta at hinahangaan ng mga kababaihan sa school na pinapasukan namin — ang St. Bernadette National High School. Siya kasi, katamtaman ang payat nito. Mas matangkad ng onti sa'kin, bilugan ang mata, pango ang ilong at higit sa lahat, medyo makapal pero mapula ang labi nito.

Lumingon ako sa kanya. "Meron. Bakit? Mangongopya ka na naman?"

Then he nods. Binigay ko ang English book ko sa kanya saka siya nagsimulang kopyahin ang mga sagot ko. 

Well, to be honest, we're friends with him. Mula pagkabata ay close kami sa isa't-isa, lagi kaming nag-aasaran, nagtutulungan kami sa lahat ng bagay, including Math. Sadyang malakas talaga ang trip ng lalaking ‘to, lalo na sa amin ng kaibigan kong si Andrea. 

Habang may ginagawa ako ay sa wakas, pumasok na siya. Siya si Maria Andrea Francisco. Maganda, may hubog ang pangangatawan, matalino, mapang-asar, at magaling sumayaw. Normal ang kanyang katawan, medium length ang buhok pero kapansin-pansin nito ang kanyang bangs na nakatago sa kaniyang noo. Matangos ang ilong, mapungay ang kanyang mga mata, medyo makapal ang bibig niya ngunit tinataglay nito ang kanyang cremang balat na naaayon sa kanya.

Parehong-pareho sila ng pinsan kong si Kenzo Luis Umali, na kahit anong parte ng sayaw, mapa-interpretative man o hip hop, yakang-yaka niyang gawin. Iyon nga lang, paminsan ay tahimik ang datingan niya na parang may kung anuman ang meron sa kanya. 

"Kayong dalawa lang ang nandito?" tanong niya sa aming dalawa na ngayon ay nasa right side ng table namin. 

"Oo. Actually nagpapakopya si TJ sa assignment ko, tapos ako, gumagawa ako ng reviewer para sa quiz mamaya.”

“Oh, I see.” Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nagbabasa sa kanyang cellphone, pero kahit na ganoon ay kaibigan namin siya at nagkakasundo kami sa isang bagay, mapa-K-pop man or kung ano pang mga hilig na gusto namin.

Wala pa ang dalawang minuto ay tinapos na ni TJ ang assignment niya. "Tapos na 'ko, Arianne," aniya bago niya ibigay ang libro ko mula sa kanya. Si Andrea naman ay mukhang tinapos ang isang chapter ng binabasa niya kaya nilagay niya muna ang phone sa bulsa ng palda niya bago siya pumunta sa’min. 

"TJ, Arianne, remember when Mrs. Cordova said yesterday?” she asks bago kami napalingon sa kanya. "Na may bagong transfer sa campus natin?" 

“Yes, anong meron?” She gasped. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"Mukhang gwapo ang magiging transferee sa section natin!" At tumili pa nga ang mokong. Sabagay, namimingwit iyan ng pogi itong si Andeng, pero slight. While me?

I just rolled my eyes off.

Nagtaka at nagkatinginan kami ni TJ, "Sumama kayo sa baba!" Wala na lang kaming ibang magawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Bumaba na kami ng campus then nakita naming tatlo na iilang mga babae — maski mga lalaki — ang nagbubulung-bulungan at tila may chinichismis tungkol sa kanya.

Gwapo, medyo makapal ang kanyang kilay, payat, makinis ang pangangatawan at medyo seryoso ang mukha niya. Maunat ang buhok nito at normal din ang kanyang pangangatawan. Medyo tindig lang ng konti pero ayos na rin.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon