ARIANNE
"Nakahanda na ba 'yung mga gamit mo?"
Iyan ang tanong na ibinigay sa'kin ni Ate Monique dala-dala ang kulay lila kong maleta dahil ngayon ay ang huling araw na makikita ko silang dalawa bago kami bumalik ng Maynila.
Napatango ako sa tanong ni Ate Monique, pero iba ang attire ko ngayon kumpara kagabi. Ilang oras nang mugto ang mga mata ko sa nangyari pero pipilitin ko pa ring maging excited para sa pagbabalik namin roon.
"Wow, mukhang gumagwapo kayo ngayon!" pabirong sabi ni Ate Trina na halos mapailing na lamang ang dalawa sa kanilang pagbabalik, habang ako ay binilog ko na lang ang aking mga mata dahil sa kanila.
"Heto na naman po si Ate Arianne, hanggang ngayon po ba hindi niyo po ba papaniwalain na gwapo kaming dalawa?" pagsisingit ni Marco habang inaadjust ang strap ng bag niya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa pakikipag-usap ko kina Andrea at TJ. Sinabi ko rin na mga bandang hapon ay magkikita kami dahil ganitong oras din ang boarding time ng Manila.Nang walang kaanu-ano'y biglang nag-text si TJ sa cellphone ko:
TJ:
Hoy bakla! Musta na kayo ni Martin diyan sa Aurora?
Spill the beans naman oh!Di ko alam kung anong nakain netong si Moreno at pinapatanong kung kamusta na raw ba kami.
Arianne:
ayos naman kami
iyon nga lang, si martin mage-extend muna sila bago mag-nye kaya pinapauna niya kami
pero 'yung sa side ko...TJ:
What happened?Instead of spilling him the truth, I chose to lie. Oo, magkaibigan rin kami ni TJ pero ayokong pag-usapan muna sa ngayon ang nangyari sa pagitan nina Mama at Papa dahilan para maikalma ko muna ang mood ko mula sa dalawa.
"Jade, bakit ka napatahimik?" Ate Trina asked me. Napatigil ako kakaisip kasi sa totoo lang, I need to keep my promise to to my mom. Kailangan naming panghawakan ang pangakong binitawan namin noon na kahit anong mangyari, kahit masaktan man ako, nandyan si Mama para sa'kin at ganoon din ako. Magtutulungan kami dahil hanggang sa dulo, siya lang ang tanging babaeng kinakapitan ko simula pagkabata.
I sighed. Malumanay kong sinagot ang tanong niya at tila sa tono ko'y halata naman na hindi pa ako okay.
"Wala po 'to, may iniisip lang. Excuse me for a while." Umalis muna ako sa kanila at pinabantay ko kay Marco ang maleta.
Marahan akong naglakad bago ako umakyat ng itaas diretso sa rooftop. Kaso habang umaakyat ako ay umaagos na naman ang luha ko na maaga pa lamang ay nagparamdam na naman siya. Agad kong itong pinunasan bago ako makarating sa rooftop for my last visit.
Umupo ako at pinagmamasdan ang ulap, araw at ang view ng siyudad. Nagmunimuni muna ako, ngunit na-distract ako nang sumagi sa isipan ko ang sagutan namin ni Papa kagabi, lalo na si Mama.
"Sa dinarami-daming tao na hinahangaan ko simula pagkabata bakit ikaw pa?"
"Anong pakikiusapan ko? Na balang araw magsasama tayong tatlo sa iisang bubong? At haharapin na naman ni Arianne ang trauma na dinaranas ko noon?"
Habang inaalala ko iyon ay bigla na lang akong napapaiyak. Nararamdaman ko rin na ganito ako — na para akong sinaksak nang patalikod nang malaman ko ang rason kung bakit niya kami iniwan noon. Taimtim akong umiiyak at ang masakit ay pilit pang inaalala sa utak ko ang mga nangyari simula pagkabata.
"Ate Arianne, andito na yung van!" rinig kong sigaw ni Marco. Sinubukan kong magsalita sa normal na pamamaraan at habang bumababa ako ay pinupunasan ko pa rin ang aking luha para hindi mapansin ng pamilya ko na okay ako.
Na maayos ako.
***
Hindi ko pala namamalayan na nakatulog na pala ako sa isang oras ng biyahe namin. Tatlong oras na lang at mararating na rin namin ang airport kaya may oras na rin ako na tumulala at magmunimuni sa daanan. Iyon nga lang, habang nagpapatugtog ako ay kusa na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Paskong-pasko na, pero bakit ngayon pa lang ay hindi ko kaagad na maramdaman ang araw na iyon?
I silently cried, thinking and reflecting about what I did. Ito talaga ang pinakamalaking hamon para sa'ming magkakapamilya. Bakit ba kailangang guluhin ni Papa ang buhay namin kung sa simula pa lang, magulo na talaga kami?
Kaya mas pinili ko noon na lumayo ako sa kanya upang hindi na siya masaktan pa pero kitang-kita ko sa mga mata niya kagabi kung gaano siya nasasaktan sa tuwing sinasabi niya ang mga binitawan niyang salita sa'kin. Hindi lang siya ang nahihirapan sa sitwasyong ito, kundi kami ni Mama. Napagod na siya sa kakatawad sa kanyang asawa kaya sa dulo ay pinigilan niya na lang upang matapos na ang lahat.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko nang biglang nagsalita si Kuya Kenzo. Tinanggal ko muna ang earphones ko bago niya sinambit ang katagang, "Ayos ka lang ba?"
I immediately wiped my tears, pretending like nothing happened. Instead sumagot ako nang hindi ako nakatingin sa kanya.
"I'm okay, insan. Ayos lang ho ako," I spoke, trying to say it in a normal tune. Pero kilala ako nitong lalaking 'to. Ifi-figure out niya kung anong tono ang naririnig niya habang nagsasalita ako, knowing that it sounds like a person who always feels down and is exhausted.
He sighed, thinking and remembering about what happened, "Arianne, sa tono ng boses mo mukhang alam ko na lahat kagabi pa."
Lumingon ako ng kaunti sa kanya bago ko siya titigan, at tama naman sila. Kahit nakangiti at tumatawa ka, hindi mo maiiwasan na maging malungkot, magkaroon ng pagdududa at syempre, umiyak nang umiyak.
Iyon nga lang, walang sikreto ang hindi nabubunyag.
At ganito ang nangyari sa pagitan naming tatlo kung kaya't mas pinili ko na lang na kalimutan iyon kaysa mauwi ang lahat sa wala.
Mula sa tabi ko ay niyakap ako ni Marco bago niya ako bigyan ng payo galing sa kanya, "Ate Arianne, your feelings are valid. Makailang beses na po kayong nasaktan sa pag-ibig kaya panahon niyo na po upang itaas ang puting bandera at nang makapag-concede kayo mula sa nakaraan, pero hindi po magiging madali. Ang dapat niyo po munang gawin sa ngayon ay pagpahingahin mo muna ang puso mo para pagdating ng takdang panahon, saka mo mare-realize lahat ng mga lessons galing sa past self mo."
"Tama si Marco," singit naman ni Kuya Kenzo. "You need to rest your heart. You need to focus on other things that you like. Wala namang masama roon, hindi ba? Tsaka, stop fantasizing about being in love or whatsoever. Face the reality. Mapapagod ka lang kapag ininuloy mo pa ang bagay na iyon, kaya ka nasasaktan, e."
Parang isang malaking bloke ang tumama sa'king isipan nang mapakinggan ko ang payo ni Kuya Kenzo sa'kin. Tama na para sa'kin na minsan akong nasaktan ng ganito nang dahil lamang sa isang tao. Tama lang sa ngayon na pigilan ko muna ang emosyong nararamdaman ko magmula nang mapadalas ang bawat pagkikita namin ni Martin dahil kapag nagpadala ako sa nararamdaman ko, babagsak at babagsak pa rin ako hanggang sa dulo.
Dalawang beses na akong nasaktan, paano na lang kaya pag naging kami ni Martin in the future?
Tinapik-tapik niya ang balikat ko bago niya ako bigyan ng isang malapad na ngiti, "Harsh man, pero sabi nila, 'It is what it is.' Kaya mo iyan. We got you covered."
***
Base sa word count calculations and even the chapters itself, we only have few more chapters before Arianne and Martin starts to end... once again.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts And Lost Souls
Teen FictionChasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised herself not to fall in love again until she met a person who'll surely protected from her chained an...