CHAPTER EIGHTEEN | Hindi maamin

12 0 0
                                    

THIRD PERSON

"Sorry kung napatawag ako sa'yo habang may ginagawa ka."

Ganito ang pahayag ni Martin nang sagutin mula sa kabilang linya ang kanyang tawag pagkatapos itong patunugin kanina lamang. Alas-sais na ng gabi at kasalukuyang bumababa ang sikat na araw mula umaga, at tanaw mula sa kanyang mga mata ni Arianne ang lila at rosas na kaulapan na umuugnay galing sa langit. 

"Ayos lang iyon," sagot niya pabalik — ngayon ay nagbabalot ng regalo na siyang gagamitin sa Christmas Party sa makalawa. Huminto muna ang dalaga at inutusan ang kanyang kapatid na si Marco na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa at pumunta sa labas upang doon ituloy ang pag-uusap nilang dalawa. 

Umupo muna siya sa kulay itim at tinanong ang binata, "Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba sa Christmas Party, 'yung decorations—"

"Hindi ito ang gusto kong mapag-usapan." Napahinto si Martin sa kanyang sinabi, kasabay nito ay ang saglit na katahimikan maging sa paligid ng dalaga. Ang tangi niyang nararamdaman ay ang pagkaluskos ng tape sa loob ng bahay, simoy ng hangin na umuusob sa labasan at ang buntong-hininga ni Martin na naririnig sa tabing linya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Sa kabilang banda ay madaraanan si Martin na nag-iisip kung ano ang kanyang sasabihin gayong tila nabibigatan ang kanyang katawan habang ginagawa ang isang bagay na hindi pa sumasagi sa kanyang isipan — ang pag-amin nito sa kaibigan niyang si Arianne Jade.

Napailing na lamang ang binata sa kanyang sabihin bago siya magsalita nang buong tapang, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Arianne Jade, gusto kita, matagal na."

Samantala, tikom ang bibig ni Arianne habang sinasabi ni Martin ang anim na salitang magpapabago sa ihip nitong hangin. Sapagkat pagkatapos ng nangyaring halikan sa kanilang dalawa sa Detention Room ay bigla siyang nagulat nang sinabi ng binata ngayong gabi na may lihim siyang pagtingin sa dalaga. 

"'Yun lang?"

"Meron pa. Mula noong tumagal ang pagkakaibigan nating dalawa ay saka ko napagtanto na iba na ang nararamdaman ko dahil sa'yo. Even on my first day at SBNHS, I got struck by your senses and your cheerfulness. Kaya lang…"

Sa kabilang banda, siya'y napatigil sa kanyang sinabi, "Kaya lang naisip ko, infatuation na ba itong nararamdaman ko? Kasi kung oo, 'di dapat pala itinigil ko na ito, pero wala. Sabi sa kanta, 'Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.' Hayun, sa'yo at sa'yo nga talaga ang bagsak ko." 

Huminga siya ng malalim bago siya napayuko, iniisip kung may dapat ba siyang sabihin para sa kanya subalit, ito na.

Nasabi na niya. 

Gustong-gusto na talaga ni Martin si Arianne. 

Nothing more, nothing less.

"I'm sorry," paghingi nito sa kanya. Sa tono ng kanyang boses ay nakaramdam ito ng lungkot kasi pagkatapos ng ilang buwan ay saka siya umamin nang deretsahan.

Nang silang dalawa lang.

Gayundin ang nangyari kay Arianne, na ngayon ay unti-unting namumuo ang patak ng luha sa kanyang mga mata, kasabay nito ay ang pagbalik sa kanyang mga alaala noong kaarawan ni Benj pagkatapos umamin ni Martin sa kauna-unahang pagkakataon.

"Hindi mo ba alam na anti-romantic ako? Oo, alam mo ang tungkol sa nakaraan ko, pero hindi ibig sabihin nito ay pwede mo akong mahalin muli. Martin, are you out of your mind? Sariwa pa rin sa'kin ang break-up namin ni Gio kung kaya't hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, even my parents!"

 "I'm sorry if I say those feelings for you once again. Yes, I know your struggles, but honestly, I don't know… those feelings for you keeps bugging me. Sinantabi ko siya noong una pero bumalik iyon noong birthday mo kaya… I'm sorry. And, I do apologize as well because of one mistake — I kissed you for the first time."

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon