CHAPTER TWENTY-FIVE | A poem titled you

10 0 0
                                    

ARIANNE

"Teka, parang namumukhaan kita ah," panimulang wika niya sa'kin, "hindi ba ikaw yung babaeng hinatid ko kasama ng dalawa mong pinsan papuntang St. Bernadette? Ikaw 'yung Arianne Jade, tama ba?"

Saglit, kilala ako ni Manong Driver? Nadala na siguro ako sa emosyong natatabunan ko na kahit sa loob ay dala-dala ko pa rin ito.

Tumango naman ako, "Aba'y jusko, bakit ka umiiyak? Ilang hikbi lang ang naririnig ko at halos bumuhos ang emosyon mo. May problema ba?" 

Ni isang salita ay hindi ko mailabas sa bibig ko pagkatapos niya akong tanungin. Not until my tears flowed from my eyes down to those trailing cheeks before caressing my back afterwards.

"Tahan na... huwag ka nang umiyak. Alam mo, nararamdaman kita habang naririnig ko na umiiyak ko. Naalala ko kasi ang asawa ko."

Napalingon ako sa kabila ng poot na namumuo sa'king mukha, "Teka, ano po bang nangyari sa inyo ng asawa niyo?"

"Halika, sa tindahan tayo mag-usap."

Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago pumunta ng tindahan at kwento niya sa'kin lahat ng nangyari. Rito ko napag-alaman na katulad ko, hiwalay na sila ng asawa niya dahil nalaman niya na may mahal na siyang iba, pero ang mas masaklap ay nagawa pa niya itong hiwalayan dahil wala na siyang nararamdaman sa asawa ni Manong Driver.

Sa tono ng boses niya ay ramdam ko ang lungkot mula sa mata niya at ang konting patak ng luha pero pinigilan niya iyon habang kinukwento niya sa harapan ko ang nangyari, "Masakit sa'kin iyon dahil mas mahal pala ang bago niya kaysa sa'kin. Aba, nauna ako eh. Lagi niya akong niyayakap noon. Iyon nga lang, kasama niya ako, pero hanap niya iba. Kailangan ko siya, pero siya? Hindi."

Sa tuwing sinasabi niya iyon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Naaalala ko kasi si Gio, at sa pananaw ko  ay parang may pinapahiwatig sa'kin — na ako ang kailangan, pero hindi ang mahal. 

Napatingin ako sa kawalan bago ako magsalita. "Manong, ramdam na ramdam ko po kayo," paiyak kong banggit. "Kasi ako, katulad ko po kayo. Sumugal ako, pinaglaban ko pa rin siya hanggang sa napagod na siya sa'kin. Pinilit ko ang sarili ko noon na maging matapang pero ang totoo, naging lantang gulay ako kasi… hiwalay na po kami. 'Yung summer ko po noon, naging malungkot na dahil sa nangyari. 

"Kaya ang ginawa ko po, hayun," tumigil muna ako bago huminga nang malalim. "Pinalaya ko na po siya. Pinili ko noon na patawarin siya at ipaubaya kasi sa dami ng mga kasalanang nagawa niya sa'kin pakiramdam ko, nagsisisi na siya."

Tumango-tango siya hanggang sa lumapit ang tindera sa'kin at binigyan ng tubig pagkatapos. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya magsalita, "Arianne, mabuti nang pinatawad mo siya. Kasi kapag ginawa mo iyon, tiyak makakalaya ka na sa rehas ng iyong nakaraan. Magiging masaya ka sa kanya, diba?"

Tumango naman ako bago dumagdag si Manong Driver, "At ako, mas pinili ko noon na gayahin ang ginawa ni Arianne kaysa ipaglaban ko ang relasyon namin ng asawa ko kahit ayaw niya talaga. Tsaka teka, ilang taon ka na ba?"

"16 po."

"Aba'y bata ka pa pala, Arianne. Iyang pangyayaring iyan ang magsisilbing aral para sa'yo. Pakatandaan mo iyan," sambit niya. 

"Isa pa, mas maigi na tuparin mo lahat ng pangarap mo sa buhay. Isantabi mo muna ang pag-asang magmahal ka ulit, unahin mo muna ang kapakanan ng iyong pamilya at piliin mong maging masaya. Ako, pinili ko noon na kumayod sa pamamasada ng traysikel para sa pamilya ko. Apat ang anak namin at mag-isa kong tinataguyod iyon. Pero kahit papaano ay ginagabayan ako ng mga mahal sa buhay, mga pamilya ko at syempre, kay Bathala na nasa itaas. 48 ako ngayon pero masaya pa rin ako, ngunit mas sumasaya ako kapag nakikita kong lumalaki na ang mga anak ko.

Broken Hearts And Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon