Chapter Y

3.1K 49 1
                                    

Chapter 23: Almost there

"Congratulations guys!" nagsigawan silang lahat ng marinig ang balita ng dalawa, si Alliyah at Shawn, at hanggang ngayon ay nag-aasaran pa rin sila. Napag-desisyunan nilang dalawa na sabihin ang magandang balita sa kanila pagkatapos nilang magswimming sa dagat.

Ngayon nga ay kumakain sila sa isang pabilog na mesa na naka-set malapit sa tabing dagat. Maraming uri ng pagkain ang nakahain rito. Karamihan ay mga lamang dagat pero meron di naman na inihaw na liempo. Nakakamay silang kumain ngayon at nagkukwentuhan.

"Naunahan nyo pa kami!" Sabi ni Kathy. Sya lang ang hindi masyadong nakapag-enjoy sa kanilang lahat dahil dapat syang mag ingat. Habang nagsisilangoy silang lahat ay naka upo si Andre at sya sa isang bangka. Pero hindi naman nya naramdaman ang inggit sa mga kaibigan dahil katabi nya ang lalaking mahal nya na oras-oras pinapaalala kung gaano sya nito kamahal. "Pag lumabas 'tong anak ko nako, kasal agad kami ni Andre sa simbahan."

"Myloves, wag ka magalala kapag nanganak ka na, idederetso kita sa simbahan." sabi ni Andre sa asawa. Kinasal sila sa west dahil hindi sila masyadong nakapaghanda. Noong nalaman kasi na buntis si Kathy ay sya na mismo ang nagprisinta na ikasal sila sa lalong madaling panahon para tuluyan ng mapasakanya si Kathy at para na rin makasigurado ang mga magulang nito.

Kinantyawan pa nila si Andre at tinawanan. "Baka masundan agad yan nako," naiiling pa na sabi ni Aldren habang pinaghihimay ng isda si Lorena.

"Eh kayo ni Lorena kelan?" Tanong ni Rhianne. Napatango naman ang iba pa nilang kasama at tinanong ang dalawa ng sunud-sunod. Nagkatinginan lang si Lorena at Aldren tsaka nagiwas rin. 'Kelan nga ba?' -- tanong ni Lorena sa sarili

"Kelan ba ang kasal?" tanong ni Joshua na agad binatukan ni Rhianne.

"Yung iba dyan ang tanga! Wala pa ngang engagement na nagaganap eh." mataray na sagot ni Riri. Natawa nalang si Joshua at saka ninakawan ng halik sa pisngi si Rhianne.

"Yak kadiri!" sigaw ni Rhianne at gigil na pinunasan ang pisngi.

Lumakas lalo ang tawanan ng ginaya ni Joshua si Riri. "Bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Riri. "Pero, congrats Alli, at hoy ikaw Shawn, wag mo paiyakin yan kung hindi babalatan ko ilong mo!" Dagdag pa nya habang dinu-duro duro si Shawn.

"Syempre, sa gabi lang.." sabi ni Shawn. Nung una ay hindi na-gets ni Alliyah ang sinabi ni Shawn pero ng naunawaan nya na ay agad na kinurot ito sa tagiliran.

"Yowwwwwwn!" sigaw nilang lahat kaya lalong nanahimik si Alliyah at tawa lang ng tawa si Shawn.

"So may plano na ba kayo sa kasal ninyo?" tanong ni Aldren. Saglit na natahimik ang magkakaibigan. Nagkatinginan ang bawat isa at saka biglang tumawa.

"What?" iritang tanong ni Aldren. Patuloy pa rin silang tumawa hanggang sa nahawa na rin sya kakatawa. "What-hahaha--oh my--hahaha what's fu--funny?"

Dahan-dahang huminto sila sa pagtawa tsaka nagsi-ilingan at nagsitaasan ng balikat.

"I don't know." sagot ni Alliyah na medyo nagpupunas pa ng luha. Inakbayan nito ang kapatid at ganun rin ang ginawa ni Aldren. Maya maya ay may nagflash at nagclick.

Nagpunas ng kamay si Alliyah at tsaka Kinuha yung camera at tinignan yung picture. "Ang cuteee! Lorena tignan mo si kuya! Wahaha." Pinicturan nila ang mga pagkain at ang bawat couples. Nang natapos sila kumain ay nagpasuyo sila sa isang napadaan na servant.

"Okay ma'am sir, 1.."

Sabay-sabay silang nagngitian ng marinig ang pagbilang ni ate.

"Closer." sabi nung servant at mas nag-gitgitan pa sila.. Umatras si ate servant at saka nagbilang ulit.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon