SC 1

2.8K 44 3
                                    

"Nat, ikaw na bahala sa ibang papers.mkailangan ko na talaga umuwi." sabi ni Shawn habang inaayos yung gamit nya at tumingin sa phone. "Si Alliyah na kay Tristan daw sya."

"Sige boss, paki-kamusta ako sa asawa ninyo! Hehe." sabi ni Jonathan at tinanguan lang sya ni Shawn na nagmadaling lumabas ng opisina.

Nang makalabas si Shawn ay umupo si Jonathan sa swivel chair ni Shawn. Marahan nyang pinatong ang paa sa table at nilagay ang kamay sa likod ng ulo. "Jonathan, kunin mo yon, Nat, tawagan mo sya, jonathan, jonathan!"

Agad naman syang napaayos ng upo ng bumukas ang pinto.

"Sorry, umalis na ba si Shawn?" tanong ng isang lalaki. Namumukhaan nya ito.

"Kilala kita..Sir Steven?" dahan dahang napatayo si Jonathan atmedyo naglakad papunta dito.

"Yes. Nakaalis na ba sya?" tanong nito ulit.

"O-Opo, actually kaka-alis lang." sagot nito. Napatango naman si Steven. Kinuha nito ang phone at may tinext.

"Okay, tara na."

"Po?" tanong agad ni Jonathan. "May gagawin pa po ako eh.."

"Sasama ka o hindi?" tanong ni Steven. Hindi nakasagot si Jonathan. Napangiti lang si Steven at lumabas.

"T-Teka, sasama ako!" pahabol ni Jonathan at mabilis na sinundan si Steve.

———

—Part1

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon