Fifteen * E

6.3K 130 4
                                    

Chapter 15: Party and Gifts

Alliyah POV

Good morning.

Nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tyan ko kaya bumangon na ako para magluto ng agahan. Bumangon na ako at saka inat-inat. Dumiretso ako sa lababo at naghugas ng mukha. Nakasanayan ko na rin naman eh. Tapos nagpunas ng mukha at binalikan ko sa kwarto yung salamin na binili ko kahapon.

Binuksan ko yung ref. Wala na akong ibang nakita kung hindi yung lulutuin ko para kay Prince Aldren. Buti nalang may itlog at bacon sa freezer. Papasama na lang ulit ako mamili ng pang-imbak ko sa ref. Grabehan na no? Gusto ko kasi bumili ng maraming pagkain eh. Lalo na't bakasyon ngayon.

Hinanda ko na yung kawali at binuksan yung kalan. Hinintay ko muna 'to uminit bago ilagay yung mantika. Kinuha ko yung itlog na nasa tabi lang ng kalan at isinalang para maluto.

Ngayon na pala ang ball. Mamayang gabi. Magustuhan kaya ng mga Royalties yung ginawa namin? Si Queen Sofia kaya? OW! Si Emperor Shawn? May nakuha kaya syang magpeperform?

Napatigil ako sa pagiisip nang natalsikan ako ng mantika. Hininaan ko na yung apoy at saka nung naluto yung itlog, nilagay ko naman yung bacon. Nagsaing na din ako gusto ko heavy breakfast ngayong umaga. Pakiramdam ko kasi hindi kami makakapaglunch. . .

toktok...

"Alliyah!" narinig ko si Kathy na sumigaw pagkapasok. Sa tining at sigla pa lang ng boses alam mo na kung sino.

"Bakit Duchess?" tanong ko. Iniwan ko muna yung bacon at naghugas ng kamay. "Kain tayo?"

Alok ko sa kanya. Pagdating nya sa kusina ay nginitian nya ako at tumakbo palapit sa akin.

"Oh yes, please! Bacon and eggs, favorite yan ng holders!" sabi ni Kathy.

"Coffee?"

"Ugh. Baka dito na ako mag-breakfast lagi." sabi nya kaya natwa naman ako at napailing. "You don't use that coffee maker, no?" tanong nya na agad kong inilingan.

Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa habang sya ang nagluluto ng bacon. "Actually, food is better here than the cafeteria."

"Hindi rin. Mas sosyal dun." sabi ko.

"Whatever."

Naghain na ako at nagsimula kaming kumain. "Kinda wish that Lorena lives nextdoor."

"And Rhianne?" tanong ko. Tinitigan nya lang ako bago nagsalita uli.

"Yeah, Riri too. Can't believe you're in good terms with her. That dethronement really hit her head hard."

Patuloy ako sa pagnguya at nilunok ko muna ito bago nagsalita. Mabait naman si Rhianne. . .

"Duchess. . . She's. . . mabait naman si Rhianne." tinignan nya lang ako.

"Yeah, right."

Awkward.

"Good morning pala and thank you very very much sa breakfast!" magiliw na sabi ni Kathy. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang sagot. "Call me by my name."

I smiled again. Little does she know I call her Kathy in my head.

"Pretty much everyone."

"I'll. . .t-try." she smiled. She's angelic on the outside and very feisty on the inside.

"Anyways, I came here for a reason." sabi nya. Tumango-tango ako habang kumakain. "Hindi ako nakabili ng regalo kahapon para sa nabunot ko."

"Oh. Akala ko ba meron na? Sabi mo kahapon. . ." Very true. "Sino ba nabunot mo, Duchess Kathy?"

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon