Forty-Six

3.6K 72 3
                                    

Chapter 46: Palengke Invasion

Alliyah POV

Gumising talaga ako ng maaga para makapag-handa at para na rin makabili ng mga sariwang baboy at isda. Haaaaay. Nag-tsinelas lang ako tapos tokong at sandong blue tapos may jacket na black. Palengke lang naman pupuntahan ko eh. Nagdala ako ng bag na cash, yung credit card at panyo lang ang laman. Excited na talaga ako!

Lumabas na ako. Tulog na tulog pa siguro sila Kathy. Hmmmmmm, Si Habagat kaya?

*tok tok tok*

Ilang katok pa ay bumukas na yung pinto. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa suot nya. 

"AHAHAHA! A-Anong.. S-Saan ka-pffft! Saan ka.. pupunta? HAHAHA!"

"S-Sa palengke. Sus. Ang tanga mo naman! Diba dun tayo pupunta?"Sabi nya. Asar na asar 'to o! Hahahah.

Biruin mo? Mag-papalengke naka-slacks at long-sleeves polo na nakatupi hanggang siko nya tapos black leather shoes? At May shades pa. 

Ginalaw ko yung shades nya. "Ano yan? Ba't may ganyan? Pffffft."

"Bakit? Mainit at maaraw dun no."

"Di ka pa nakakarating ng palengke? Hahah."

"Tsssss. Wala namang tamang damit dun no!"

"Meron. Isipin mo, pag may nagchopchop dun tatalsikan ka diba? Sayang ang longsleeve polo mo. Madulas yung sahig at malansa pa. Paano kung madulas ka dun? Sus ka. Mag T'shirt ka nalang at short tapos tsinelas! Dami mong arte."

"O-Okay? Sige. Hintayin mo ako. Umupo ka muna dun."Sabi nya at tumakbo sa kwarto nya. Hahah.

--

Kahit ano talagang isuot ni Habagat, gwapo pa rin eh. Naka-Vneck blu tshirt sya tapos short at tsinelas. Babayaran ko daw yun kapag nadumihan kasi nike daw. Sus. Islander ipalit ko dyan! Hahahahah.

"Ano? saang palengke kaba magpapahatid?"

"Urur. Magmamagarang kotse ka sa PALENGKE? Common sense habagat!"

"Ano? Edi lalakarin natin yun?"Tignan mo'to. Nakakaasar naman! Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit may mga alien na nag-invade sa RYU? Haaay!

"JEEP!"

"Anong Jeep?"

"Wala sa bundok?"Tanong ko naman sa kanya. Seriously? Hindi pa sya nakakasakay sa Jeep? Potek! "Saang planeta ka ba galing? Tsssss."

"Ano ba yun? Alangang i-search ko pa sa google yun?"

"I-SEARCH MO PARA MADAGDAGAN NAMAN YANG KAALAMAN MO!"Palibhasa kasi mayaman at kotse lang ang alam. 

"Sasakyan ba yun?"Tumango nalang ako kasi nakakainis na. Ang mga alam eh, Porsche, Ferarri, Lamborghini, Mercedes-benz etcetera! Jeep nalang hindi pa alam! buhay nga naman.

"Ahhhh! Ayun pala yung pampasaherong jeep. Yung sinasabi ni Aldren. Makikipagsiksikan tayo dun?"

"Kung ayaw mo di wag. Asa ka pang magbabati tayo."Sabi ko tapos ay lumayas sa room nya.

"Hey! S-Sasama na ko!"Tignan mo, sasama rin pala. Tssss.

7am na. Ganitong oras naman nagbubukas yung palengke na pupuntahan namin e.

--

"Tatlo pa! Tatlo pa!"Pagbaba namin ng kotse, may nakita agad akong jeep. Oo, gumamit rin kami ng kotse. Pero hanggang dito lang sa sakayan. May cap naman ako tsaka si Habagat. Ewan ko lang kung makilala pa kami. "Tatlo pa! Sakay na, Aalis na!"Hinila ko agad si habagat papunta sa jeep na yun. 

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon