Fifty

3.3K 69 2
                                    

Chapter 50: Truth and Lie

Rhianne POV

Ewan ko talaga dito kay Joshua at Shawn. Pumunta sa RK eh sa Royal Palace ang punta ng magkapatid.

(Mahal, tatawag ako sa'yo mamaya kapag pauwi na kami ah?)

Binaba ko na agad dahil naiinis ako sa kanya. Tss. Nakauwi na rin pala kami sa RYU. Nagtimpla ako ng juice at kumuha ng cookies na binake ni Lorena. Haay. Binuksan ko yung TV at nanuod. Nilipat ko sa ABS-GMA5. Ang boring talaga! Advertisement lang ang pinapanuod ko. Tinignan ko lang yung phone ko. Miss ko na agad si Joshua!

Nag-ring yung phone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag. Baliw talaga!

"Ikaw, Ang baliw mo talaga! Kakatawag mo lang kanina, tapos tatawag ka nanaman?"

(M-Mahal, si Q-Queen Katrina...)

Alliyah POV

Nandito kami sa harap ng office ni Queen Sofia dito sa Royal Palace. Binuksan ni kuya yung pinto kasabay ng pagkarinig namin ng malakas na sampal. Nakita namin ni kuya na nasa sahig si Ms. Santos at napatingin ako kay Queen Sofia.

"M-Mama?"Tawag ni Kuya sa kanya. Tumakbo ako papunta kay Ms. Santos at tinulungan sya tumayo.

"Ayos lang po ba kayo?"Tanong ko kay Ms. Santos. Tumango naman sya at umayos ng tayo. "Queen Sofia, hindi nyo ho dapat yun ginawa."

"M-Mama, what's going on?"Tanong ni Kuya sa kanya. Sana naman ay sagutin ni Queen Sofia.

"N-Napakasinungaling mo! At napakamakasarili mo! Sa palagay mo ba pag nalaman nila ang totoo, magiging maayos ang lahat? Ayoko na, Queen Katrina. Sawa na akong makipaglokohan sa inyo!"Sigaw ni Ms. Santos sa kanya. Hindi ko maintindihan.

"Ms. Santos, hindi ko kayo maintindihan. Wala naman dito si Queen Katrina eh. Ano po bang nangyayari?"Tanong ko at napatingin ako kay kuya.

"Ms. Santos, A-Ano po bang nangyari?"Tanong ni kuya. Pareho kaming walang alam. Naglakad palapit si Kuya papunta sa mama nya. "Hindi nyo rin dapat sigawan si Mama."

"Ewan ko lang kapag alaman nyo na ang totoo, sigawan mo na rin yang pinagtatanggol mong mama."Sabi ni Ms. Santos. "Queen Katrina! Ano na?! Tell them your lies. Sabihin mo na ang mga sikretong itinago mo sa loob ng mahabang panahon! Niloloko mo lang ang sarili mo. Sinasayang mo lang ang existence mo dito sa mundo kung gusto mo lang maging ibang tao!"Parang nagkakaroon na ng point ang sinasabi ni Ms. Santos. Pero hindi ko pa rin ma-figure out ang gusto nyang iparating.

Naguguluhan na talaga ako. Parang ang point nya, si Queen Sofia, gusto maging ibang tao. Eh ano bang ibig sabihin nun?

"A-Alliyah, A-Aldren, wag nyo syang pakinggan! She's lying. Hindi ko sinasayang ang existence ko Marivic. Kung sinasayang ko lang, di sana di na ko nagmakahirap na makapasok sa RYU. Na maging si Sofia kahit ayoko. Kasi gusto ko lang naman maranasan kung paano mahalin."Malungkot na pahayag ni Queen Sofia. A-Ano bang ibig nyang sabihin?

"Ikaw na mismo ang nagsabi nyan. You gave them a hint. Then, maybe it's time to tell them the truth. Ayaw mo silang masaktan? Sabihin mo sa kanila ang totoo. A truth may hurt them for a while, but a lie will hurt them.. Forever."Sabi ni Ms. Santos at naglakad na palayo pero napahinto sya sa sinabi ni Queen Sofia.

"You're fired, marivic."Sabi ni Queen Sofia. Sandaling natigilan si Ms. Santos at humarap muli sa amin at unti-unting tumaas ang isang gilid ng labi nito.

"No, I resign. I can't live like this anymore!"Iritang sabi ni Ms. Santos at saka tuluy-tuloy na naglakad palabas. Ngayon. Kaming tatlo nalang. Halata sa itsura ni Queen Sofia ang pagka-taranta at pagka-kaba. Bakit naman?

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon