Chapter 4: The Master and I
May kinuha si Ms. Santos sa labas ng office nya. Pagbalik nya, may kasama na sya na may mga bitbit. Pinasuot nya sa akin yun. Para akong suman sa pinasuot sa akin!
Tinignan ko lang sya. Tumayo sya at tumuntong sa isang bato. Tinuro nya yung bato sa harapan nya kaya dahan-dahan din akong tumuntong dun. Binabalanse ko pa yung sarili ko. Tumingin ako kay Ms. Santos. Nakatingin lang sya sa akin. Tinaas nya yung kamay nya, yung parang lilipad. Ginaya ko rin yun. Napatingin ako sa paa nya nung tinaas nya yung isa. Hindi ko alam kung paano ko yun gagawin.
-
Makalipas ang libong minuto, pinagpalit ako ni Ms. Santos ng damit, yung damit ko kanina. Tapos pinasuot nya sa akin yung 6inches na sapatos? Ay juice ko day! Nilagyan nya ako ng libro sa ulo. Tapos pinagawa nya sa akin yung ginawa namin kanina sa bato.
Bale naka 6inches ako na sapatos tapos naka-taas yung isa kong paa palikod at may libro ako sa ulo. Tumatagaktak ang malamig kong pawis at nangangalay ang paa ko. Shete. Madami pa syang ginawa. Sa garden pinaulit nya sa akin yun. Buti nalang wala na masyadong tao.
"Very Good, You have stayed like that for about 10 minutes!"Ngumiti na lang ako sa Tuwa. Pagod na pagod akong bumalik sa kwarto namin ni Lorena. Nandun sya, nakadapa sa kama nya habang nakasalpak yung earphone sa tenga nya.
"Anyare sa lakad nyo ni Ms. Santos?"tanong nya. Hindi nya ako nilingon, nakasalpak pa din yung earphone habang nakatutok sya sa laptop nya. Mahiram nga yun minsan!
"Pano mo nalaman yun?"Tanong ko. Ingat na ingat pa naman si Ms. Santos na walang makakita sa amin.
"Ehh usap-usapan kaya yun kanina. Ikaw talaga! Ininis mo nanaman si Princess Rhianne."
"Ininis ko?"Tanong ko. Biglang may kumatok kaya nagkatinginan kami ni Lorena.
"Expecting someone today?"Tanong ni Lorena na agad kong inilingan.
Lumapit sya sa pinto at binuksan. Tinignan ko muna yung laptop at kinalikot yung musics nya. Nakarinig akong mga madidiin na salita.
"Lorena,"Tawag ko sa kanya. Tumayo ako at tinungo yung pintuan.
"You."Nanlaki naman ang mata ko. Si Princess Rhianne! "You're irritating me. Can you just please get out of this Royal School!? You're... You're.. I don't want to see you anymore!"
Bakit ba sya galit na galit sa akin? Ano bang ginawa ko?
"Princess Rhianne, ano po bang ginawa ng kaibigan ko sa inyo? Kung tutuusin nga po kayo ang nanguna, nasaksihan ko kung ano ang ginawa mo sa kanya nung First day nya. As far as I remember, RYU promotes peace and not bullying. Alam ko rin po ang ginagawa mo sa pamilya nya! Mahiya ka naman po, kahit konti.. Konti lang.."Sabi ni Lorena. Hinawakan ko yung balikat nya. Bakit? Ano ginawa ni Princess Rhianne sa Pamilya ko? Kina Carmina at Mama Carmen?
Halata namang nagulat si Princess Rhianne. Ngumiti muna sya at saka lumapit kay Lorena.
"Wala akong paki kung nasaksihan mo. Tinulungan mo ba sya? Diba hindi? Isa ka rin sa mga nakitawa, duh."Sabi nya at lumapit naman sa akin. Tinignan nya ako sa mata kaya umiwas ako ng tingin. "Look. At. Me."Dahan-dahan akong tumingin sa mga mata nya. Nakita kong parang nag-aapoy iyon sa galit.
"Kapag nawala ang kompanya namin, ikaw ang unang-una sa hit list ko."Sabi nya at tinuro ang noo ko. "Kahit dyan ka pa tamaan, o kaya dito."Sabi nya at tinuro ang bandang puso ko. Tapos tumawa sya. Babarilin nya ako? "Tara na."Sabi nya at umalis na sila kasama ang minions nya. Sinarado ni Lorena yung pinto at hinila ako papasok.
"A-Ano yung Hitlist? Babarilin nya ako?"
"Nako, Iyah! Para yung Death threat. Ano ba kasing ginawa mo sa kompanya nila?"
BINABASA MO ANG
Nerd into a Princess 1 & 2
RomanceAlliyah is a girl who won to study at the most prestigious and an elite school, Royal University. It was one of the best school in the Philippines and luckily, she was able to study and stay there. She was crowned as the Princess of RYU and met the...