Fifty-Five

3.8K 62 2
                                    

Chapter 55: Our Ending (?)

Alliyah POV

This will be our last night. Bukas, aalis na kami at uuwi.

And I am so excited! Pagka-uwi, dadalhin kasi nila ako sa venue. Tapos practice daw. May naalala na ako sa 18 roses!

Andre, Kuya, Joshua, Steven, Raven, Hans, Sheen, Ryan, ERIC, Tristan, tapos meron pang iba. Tsaka si Shawn! Sya escort ko eh. Di ko tuloy mapigilan hindi ma-excite. I'm so excited! And I just can't hide it! Mwahahahahha.

"Alliyah.."Nagulat ako sa tumawag sa akin. Napabangon tuloy ako at nilingon kung sinong tumawag sa akin.

"S-Shawn?! Bakit?"Tanong ko sa kanya. Nakakagulat! Humiga sya sa kama ko at nagkumot. "Mr. Rivera! Makakaalis ka na dyan. Matutulog na ako."Sabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila kaya naman napahiga ako sa tabi nya. Bigla nya akong niyakap at hinalikan sa buhok.

"Matulog ka na, Mrs. Rivera."

-----

"Alliyah.... Wake up!"

"Mmmmmmmmmm.. 5 minutes...or just... Just leave...."

"You want me to leave? Okay. Goodbye."Ano? No! No! Hinawakan ko yung kamay nya at saka ako tumayo. Tss. "Sa kotse ka nalang ulit matulog. Maligo ka na at magbihis, ayos na lahat. Dumating tayo rito na walang dala edi babalik rin tayo dun na walang dala. Nyahahahah."Loko-loko talaga tong habagat na to.

--

"Mage-eighteen na ako. Hahahaha. Wait nga. Ilang months na tayo, Shawn?"Tanong ko. Biruin mo't nagkapanahon pa akong itanong yun sa kanya. Hahahah.

"Please. I don't want to talk about it. Just sleep."Psh. Bipolar.

Natulog na lang ako. Pero hindi ako makatulog. Yun bang, parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Leche. Hahaha. Zzzzz.

Umuulan. Tapos may naririnig akong umiiyak. Sino yun? "Please.. Don't leave me.."

"Alliyah!"Napadilat ako at napabangon. Sht lang, sino yung umiiyak? Bakit umuulan? Ang creepy naman nun! Napalingon ako sa paligid. Kumpleto ang buong holders.

"HAPPY BIRTHDAY!"Sigaw nilang lahat tapos may nagbagsakan na conffetti at may dalang cake si Kuya at lorena.

"Happy birthday to you~"

Bakit ba binigyan ako ni Lord na sobrang blessings? Hahaha.

"Happy birthday to you~"

Thank you, sa lahat, lahat ng blessings. Sa lahat po ng ibinagay ninyo sa akin. Kahit pa naka-disguise pa ito.

"Happy birthday, happy birthday~~"

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Napakasaya ko. Ito na ata ang magiging unforgettable event na mangyayari sa buhay ko.

"Happy birthday to you~ Happy happy birthday Alliyah!!"Sigaw nilang lahat. Pumalakpak ako kahit naiiyak ako at ngumiti. Ganito pala ang pakiramdam kapag sobrang daming nagmamahal sa iyo. Ang saya!

"Alliyah, magwish ka na. Yung wish mo?"Sabi ni Kuya.

"Oo nga! Sige na!"sabi naman ni Andre.

"Wish bago mo hipan yung candle."Sabi ni Rhianne.

"Uhmmm, wish?"Napangiti ako at napatingin sa cake.

Happy 18th birthday, Alliyah. fr: all the individuals who truly loves you

Napangiti ulit ako. Ano bang wish ko?

Wala na ata akong gusto pang hilingin eh. Siguro..

'Good health and happy life' nalang. Tapos hinipan ko na yung kandila at pumalakpak. Niyakap ako ni Lorena.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon