Twenty-Seven * O

4.4K 89 3
                                    

What does the Panda say?

Omnomnomnomnomno-nomno-nom!

----

Chapter 27: Pranks

Alliyah POV

Naglalakad na ako pabalik ng RoYal Building, Wala na masyadong tao. Dala dala ko yung libro na hiniram ko sa Library. Para naman may magawa ako sa kwarto ko. The Royals! Wahahahah. Seriously, para kaming maglalaro ng basketball, football, volleyball etc. bakit ba kasi kailangan ng groupname? Naalala ko nanaman yung Quiz ko kay Mury. Tutor ko sya at ang test ko mamaya is about policies, dynasty and history ng RoYal University/Palace. Wahahaha ang dami! T__T

Nandito na ako sa corridor ng floor naming mga holders. *lakad* parang may natapakan ako pagtingin ko, Y-Yung libro ko sa History! Pano napunta yan dyan? Sinubukan kong pulutin pero parang may humila kaya napunta yung libro sa harapan ko. Sinubukan ko ulit kunin pero may humila nanaman. Ano bang trip nila?! Tumalikod ako at naglakad pero tumalon ako pabalik kung nasaan yung libro pero nahila nanaman.

Ganun lang hanggang sa mapansin kong nasa tapat na kami ng Vacant Room. C-Creepy. Huminga ako ng malalim at binuksan yung pinto. At ang dating nagyari, nabuhusan nanaman ako. Pero malamig na tubig at may matitigas na bagay na siguro ay yelo. T_____T nag-step forward ako pero parang may tali kaya natapilok ako at parang mabuhangin yung nabagsakan ko. Tumayo ako at binuksan yung ilaw. Para akong binabangungot sa nakikita ko ngayon. May mga nakasulat sa dingding, salamin, sahig etc. gamit ang lipstick. Mga masasakit na salita ang natanggap ko sa RYUC pati ba naman rito? Tapos hindi buhangin kung hindi semento at yung tubig na malamig, may kulay sya at color red iyon.

Sino ang may gawa nito?! Nanlulumo akong lumabas at napaupo. Bakit nila yun ginawa? Para ba sa akin? Galit sila sa akin? Ano bang nagawa ko? Waaaaaaaaa! T_______T

"Oh my! Who are thou?"T___T Si Kathy yung nagsalita. T___T waaaaaaaaaa! Huhuhuh! Tumingala ako sa kanya.

"D-Duchess..,"sabi ko nalang T____T

"A-Alliyah?! Oh my Gosh! W-What happened to you?"Sabi ni Kathy at lumuhod sa harapan ko at niyuyugyug ako. T___T

"Y-Yung kwarto. T-Tignan mo.."Sabi ko. Agad naman tumayo si Kathy at binuksan yung pinto.

"Oh my gosh!"Sabi ni Kathy na napatakip pa sa bibig nya. "Ano bang nangyari? Tell me! Please."sabi nya.

"B-Babalik na sana ako sa kwarto ko....Tapos..T-Tapos nakita ko y-yung libro ko at kinuha ko yun pero parang may humihila t-tapos napahinto ako at yung libro dito sa h-harap nito at pagkabukas ko, nabuhusan ako ng Tubig na kulay--kulay.. Pula at napadapa ako sa buhanginan at n-nakita ko na y-yung mga nakasulat."T________T Naiiyak talaga ako. Waaaaaaaa! Sinarado nya yung pinto at Bumalik sa pwesto nya kanina. Which is, yung nakaluhod sya sa harap ko habang ako umiiyak at naka-upo sa sahig.

"Shhhh.. Malalaman rin natin kung sino ang may gawa nyan."tapos tumayo na kami at lumakad papunta sa kwarto ko. Ako na yung nagbukas kasi may tumawag sa phone ni kathy.

*pooooooooof*

"Achoo!"Napa-bahing ako sa dami ng harinang napaligo sa akin. Napalingon ako kay Kathy na may kausap. Hindi nya pa ako nakita kasi nakatalikod sya. Natapos na rin tapos hinarap na nya ako.

"Alli Sabi nga pa-- WHAT HAPPENED TO YOU?!"Pula, Semento, Harina, What's next? Ugh!

----

Kakatapos ko lang maligo at magpalit. Time check: 3:20pm.

"Sabi nga pala ni Muriel, bukas nalang daw Quiz nyo dahil may lakad ka daw."Sabi ni Kathy. Lakad? Saan naman ako pupunta?

"Saan naman?"Iniisip ko kung anong lakad ba yun--Ah sheez! Yung sa SEU! Kumuha tuloy ako ng bagong uniform at gaya ng sabi ni Steven, tanggalin ang glasses so, sinuot ko yung lens at nagtali ng buhok.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon