Three * R

12.2K 230 5
                                    

Chapter 3: The Prince of RoYal University

Alliyah POV

Naka-tulala ako ngayon sa kisame. First day, First enemy. At, ngayon pa ako naging alipin. Nag-inat ako at inayos ang salamin ko.

"Iyah!"Dahan-dahan akong lumingon kay Lorena na nakaupo sa isang upuan sa sulok at nagse-selfie. Nagugutom na ako, nagwawala na yung mga alaga ko sa tyan.

"Dinner na tayo, Iyah? Baba na tayo."Sabi naman ni Lorena. Buti at nakaramdam ito ng gutom. Kung hindi lang siguro ako kinakabahan ay bumaba na ako eh. Bakit? Eh kasi, alipin ako ng Emperurot na yon! Tsss.

Bumaba na kami ni Lorena pagkatapos naming mag-ayos. Marami kaming nakakasalubong pero hindi naman sila nagpapansinan. Siguro ganito nga talaga dito sa RYU, masasanay rin ako.

Cafeteria

"Ano bang bumabagabag sa iyong isip, Iyah?"Pagbibiro ni Lorena. Natawa naman ng kaunti si Lorena sa mga sinabi nya. Animo'y isang babaeng galing sa nakaraan.

"Ahhmm.... Sasabihin ko sa'yo pero please! Wag mong sabihin sa iba."Sabi ko. Hindi ko kayang kimkimin mag-isa 'to. Bahagyang lumapitsi Lorena sa akin.

"Handa akong makinig."Sabi nya. Nginitian ko naman sya. Pero bago ko pa masabi, biglang nag-ring ng malakas yung phone ko. Napatingin naman yung iba. Nanlilisik pa ang mga mata nila kaya tinignan ko agad ang phone ko.

Aswang calling......

"Hello, anong kailangan mo?"

(Nerd. Pangit.)

-end tone-

Gusto kong ibato yung phone sa mukha nya ngayon! Tsss. Hinayaan ko nalang tapos kumain ako ng maraming-marami. Natigil na lang sa ere yung kutsara ko at medyo nangawit yung panga ko nang naka-hinto lang si Lorena at parang may tinitignan. Kinain ko muna yun tapos inilapag yung kutsara at nilingon kung saan man sya nakatingin.

Halos maibuga ko yung laman ng bibig ko at muntik na akong mahulog sa upuan ko.

"UGH!"Sigaw nya. "Yuck. Yuck. Eww."Sabi ng Emperor Shawn na 'to. Maraming nakatingin pero nung tinignan ito ni Emperor Shawn ay nagsi-balikan rin naman sila sa pagkain.

"Kadiri kang Nerd ka!"Ani Emperor Shawn. Tsaka ko lang napansin yung tatlo nyang kasama. Sina Josua at Tristan pa rin kasama yung isa pa. Pagkaka-alam ko, Prince sya eh. Tumatawa na naman yung dalawa.

"Miss Pretty, pangalawang beses mo na kami pinatawa. Hahahaha!"Sabi ni Joshua habang natatawa. Miss Pretty? Eww.

"Alli, buti naman at nagagawa mong inisin yang si bro. Hahaha."Natatawang saad naman ni Tristan. Napalingon naman si Prince Aldren sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Whatever."Saad itong Emperor Shawn na 'to at umalis. Sumunod naman yung tatlo.

"Anong nangyayari, Alliyah? Can you please tell it to me? Now."

"So ang Nerd na 'to, ay sineseduce ang ating Royalties?"Napalingon naman kami sa nagsalita. Sina Rhianne na naman.

"Oo. Sya yung nabunot ni Riri pero, sinadya nya pang tapunan ng kape yung mamahaling damit ni Princess Rhianne."

"Hayaan nyo na. Let her be."

"Lorena, Pumayag kasi akong maging Alipin ni Emperor Shawn."Sincere kong sabi sa kanya.

"Bakit? Anong pinang-blackmail nya sa'yo?"

"Aalis ako ng RYU."Sagot ko sa kanya pero isang napakalakas na tawa lang ang sinatot nya sa akin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon