Seven * T

11.2K 208 4
                                        

Chapter 7: The other Guy

Abala ang lahat sa paghahanda para sa Coronation Night. Nagpaluto na ng pagkain si Queen Sofia ng tanghalian at si Ms. Santos naman ay abala sa pakikipagusap kay Ms. Rozeth, ang event planner. Samantalang ang mga Royal holders, Lady Royals and Escort ay naghahanda na.

Magkakasama sa isang kwarto sina Shawn, Andre at Aldren. Habang sa kabila naman ay si Kathy at Alliyah. At ang iba namang Lady Royal ay nasa Luxurious Spa, ganun din ang Escorts pero sa kabilang Luxurious Spa sila. Ang mga damit nila ay nakahanda na. Mga mamahalin at eleganteng Ball gowns na gawa ng mga tanyag at mga natatanging Designers.

Kinakabahan ang lahat dahil sa loob ng pitong oras ay magsisimula na ang Coronation Night.

Nagtatanghalian ang Buong Royal Holders kasama si Queen Sofia, Ms. Santos, Mr. School Director at si Mrs. Solivares kasama ang anak na si Rhianne. Yes, kasama si Rhianne.

Nandoon ang mag-ina dahil inimbitahan sila ni Queen Sofia.

"Bon Appetit." sabi ng Head Chef pagkatapos ilapag ng mga servant sa dining table ang sandamakmak na pagkain. Nginitian lamang ng Reyna ang Head Chef na sinagot nito ng tango. Pagkatapos ngitian ng Reyna ay nag-bow ang Head Chef pati na rin ang mga servant at tsaka sila umalis.

Kumakain na ang lahat at ni-isa ay hindi nagtangkang magsalita. Hanggang sa tuluyang basagin ng Reyna ang katahimikan nang kamustahin nya ang Prinsesa.

"So Princess, how are you?" tanong ng Reyna. Ngumiti si Rhianne at tumingin kay Queen Sofia only to realize na hindi aya ang tinutukoy nito. Tumingin sya kay Alliyah na umiwas ng tingin sa kanua.

"Okay...Okay naman po ako." sabi ni Alliyah at alangang ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.

"Good. Pasensya na kung iyan lang tanghalian mo." paumanhin ng areyna na ikinagulat naman ni Alliyah.

"Ahh ehh... Sobra-sobra pa nga po ito eh." at tsaka ngumiti ulit. "Sa amin po isa or dalawang ulam lang. Minsan hanggang hapunan na po yun. Pero si Mama naman po--" pagkukwento ni Alliyah. Napatigil naman sya sa pagsasalita ng marealize na nakatingin sa kanya ang lahat

"No one is interested," sabi ni Mrs. Solivares at nagpatuloy sa pagkain.

Napayuko naman si Alliyah. "Ah, pasensya na po."

"I am." napalingon si Alliyah sa Reyna. "Go on, please,"

"Ahh, ehh.."

"Come on, Princess?"

"Si mama naman po, nagluluto sya sa tanghali..." pagtuloy ni Alliyah sa kwento nya. "Tas pag may natira po, hapunan namin pag wala, nagluluto ako.."

Napatikhim naman si Ms. Santos, "Uhm, so you can cook?" tanong nya.

"Ah, opo.."

"You know, Ms. Santos, it runs in the blood." sabi ni Queen Sofia.

Pagkatapos non ay wala nang nagsalita ulit. Pero syempre, maliban kay Queen Sofia who likes breaking silence.

"So.. Mrs. Solivares, ngayong nagawa na ni Alliyah ang pinapagawa mo at ngayo'y Prinsesa na sya, makakabalik na ba sya sa klase mo?" nagulat naman ang lahat sa sinabi ng Reyna, lahat ay napatingin. Kahit si Ms. Santos ay nagulat dahil hindi sya nag-sasalita ng ganoon sa ibang tao lalo na kay Mrs. Solivares dahil nung Prinsesa pa lamang si Queen Sofia ay napili nyang Lady Royal si Mrs. Solivares.

"Mama..." sabi ni Aldren sa kanyang ina.

"Never mind. Please, just enjoy the food." sabi ng Reyna at tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon