Chapter 14: Bestfriends
Alliyah POV
Good moning to me! And to you too. Parang ayoko pa bumangon at gusto ko pang manatili sa aking malambot na kutson. Ang sakit ng katawan ko at medyo nahihilo ako.
Time check: 11:30
riiing riiing
"Hello?"
(Good Morning Alli!)
"Ohh, Hi Tristan, good morning."
(Nandito kaming lima sa Garden.)
"Okay."
(Punta ka na.)
"Ha? A-ano kasi eh.. Ano.. S-sige."
(Hmm?)
"Bye!"
-endtone-
Shet. Ano yun? Alliyah,umayos ka nga!
Okay. Okay.
"Yaaaaaa!" sigaw ko nang mapilit ko ang sarili ko na bumangon. Nakaupo na ako ngayon sa kama ko. Nag-inatinat muna ako bago tuluyang tumayo.
Nang makuntento na ako sa ritwal kong ito ay hinablot ko ang twalya na isinampay ko kagabi sa hawakan ng cabinet ko at naligo. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan habang nagshashampoo.
eeeeeckkk
"Sino yan!?" sigaw ko mula sa banyo na may bakas ng takot at irita. Well, uso ang katok?
"P-princess, pinapatawag po kayo ni Queen Sofia." sumagot ang isang boses na may halong kaba din gaya ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Baka isa lang ito sa mga servant.
Pero bakit naman ako ipapatawag ni Queen Sofia? Only one way to find out.
"Okay, salamat!" sigaw ko ulit tapos narinig kong sumarado yung pinto. Phew! Pero okay na rin, baka sakaling makahingi ako ng tulong sa kanya.
Nagisip muna ako ng kung anu-anong bagay habang naliligo. Naalala ko yung regalo.. Anong ibibigay ko sa kanya? Baka naman hindi nya magustuhan kung bibili lang ako.
Gusto nyo malaman kung sino nabunot ko?
Secret! Pero clue, lalaki sya. Someone I want to be close with. Someone nice.
Tama. Pupunta muna ako kay Queen Sofia tapos pupunta sa garden at tsaka pupunta sa Mall.
Yes! Great Idea. Naalala ko si Tristan, naghihintay pala sila. Kaya binilisan ko na maligo at pagkatapos ko ay tinext ko agad si Tristan.
Nagbihis ako at hinablot kung ano ang meron sa damitan ko, una kong nakita ang favorite kong blouse na color yellow na pinaresan ko ng pantalon at sysmpre ang favorite kong converse! Nilagay ko na rin yung contact lens ko dahil hindi pa rin sinasauli ni Ms. Santos ang salamin ko. Hmm, makabili na nga rin nun mamaya.
Lumabas ako ng kwarto at tinahak ko na ang daan patungo sa kwarto ni Queen Sofia.
eeeckk..
Pagdating ko sa harap ng kwarto ay sinalubong ako ng isang babae. Ito ata ang secretary ni Mama. Pumasok muna sya sa loob para yata ipaalam sa Reyna ang presensya ko sa haral ng pinto nya. Anyways, hindi naman ako ganun katagal na nasa labas dahil maya-maya ay lumabas ulit yung babae at pinapasok ako.
"Good morning po." bungad ko nang makita ko syang nakaupo at may hawak na mga papel sa kamay nya. Pagkakita sa akin ay bigla syang ngumiti at tumayo.
BINABASA MO ANG
Nerd into a Princess 1 & 2
RomanceAlliyah is a girl who won to study at the most prestigious and an elite school, Royal University. It was one of the best school in the Philippines and luckily, she was able to study and stay there. She was crowned as the Princess of RYU and met the...
