Two * E

14.5K 265 7
                                    

Dedicated to okayfinewhatever for making the book cover! Kamsa~~

Book cover ~~> right side

***

Chapter 2: The Project

Alliyah POV

Edi syempre, hinila na ako ni Lorena. Ang bilis nya tumakbo. Nag-ring naman kasi agad yung bell, nabigla pa nga ako ehh. Hahaha. Buti nalang tapos na ako mag-banlaw nun.

"L-Lorena, pwede bang tabi tayo?"Tanong ko sa kanya nung umupo sya sa isang upuan. Tumango naman sya at nginitian ako.

Nilibot ko yung paningin ko sa buong classroom. May parang maliit na stage sa unahan na pabilog. Tapos may mga hilera na ng upuan. Maluwag yung classroom pero 25-30 lang ata ang mga upuan na nandito.

Bumukas yung malaking pinto at napatingin naman ako dun. Yung nag-tour sa akin. Sino nga ba yun? "Good morning class. For those who don't know me, I'm Ms. Marivic Santos. The school Principal and President of the RFS or Royalties Federation System."Principal na President pa! Astig. Hahaha. "Now, since I have an urgent meeting, I want you to create a special presentation the lowest grade will be 60% and the highest will be 99%."Napatingin ako kay Lorena. Nakatuon ang pansin nya kay Ms. Santos.

"I'll group you in to two. I want you to explore the University while opening a conversation. Easy? I don't think so. Because you need to create a PRESENTATION. As I said. You need to create a poem, song, story, etc. About what your group did."

"Ms. Sanchez and Mr. Corevantes."Pahayag ni Ms. Santos. Napatingin naman sa akin si Lorena at bahagyang namula. Nge?

"Ms. Razon and Mr. Chua."Sabi ni Ms. Santos. Ngumiti naman yung dalawa, nagngitian pala. Heheh. Marami pa syang tinawag na pangalan pero wala pa yung akin.

"Mr. Tan and..."Napahinto si Ms. Santos at tumingin sa kwadernong hawak nya. Baka ako na!

"Mr. Tan and Ms. Solivares."Sinarado nito ang kwadernong hawak nya at isinuksok sa bag. Nalukot naman ang mukha ni Princess Rhianne. Bakit naman?

"May partners na ba ang lahat?"Tanong nya. Mag-taas kaya ako ng kamay? Oo nga tama! Wala pa akong partner.

Bumukas ulit yung pintuan. May lalaking pumasok at tinignan lang nito si Ms. Santos at umupo. Kilala ko yan ah! Huminga lang ng malalim si Ms. Santos.

"Sino ang wala pang partner?!"Tanong nya pero pasigaw. Napayuko ako at unti-unting nag-taas ng kamay. "Wait."Sabi ni Ms. Santos. Sinilip ko sya at nakita kong lumabas sya.

"Tinapon ko record mo. Sorry! Haha."Napalingon ako sa nagsalita. May sasabihin pa sana sya pero pumasok si Ms. Santos. Bakit naman tinapon ni Princess Rhianne yun?

"Kaya pala wala ka Class Record ko. Buti nalang may nakakita, Ms. Cruz."Napahagikhik naman sina Rhianne pati minions nya. Napasimangot nalang ako.

"Mr. Rivera, na-late ka kaya hindi ka natawag. Ms. Cruz, nawala ang record mo kaya hindi ka rin natawag. So, ang last group, Ms. Cruz at Mr. Rivera. Goodbye class."

O______________O

Nakaramdam ako ng tapik sa likod ko.

"Iyah, mabait naman si Emperor eh.. Pero Once in a blue moon lang hehehe. Babye."Sabi ni Lorena. Kinilabutan tuloy ako sa mga sinabi ni Lorena? Napayuko nalang ako. May 4 na oras pa naman eh. Kung tumakas na lang kaya ako? Hmmm.. Wala naman akong grade. Kung ako nalang gumawa tapos sabihin kong share pa rin kami sa grade? Hmm.. Unfair naman nun!

May kumalabit sa akin sa tagiliran ko. Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino yung nangalabit. Kinabahan akong bigla at nanlaki ang mata ko.

"D-D-Duchess? Duke Andre?"Tawag ko sa kanila. Naka-kapit si Duchess kay Duke at naka-ngiti. Ang ganda! *u*

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon