"I know you're doing your own investigation of this case, but don't you trust me that much that you need to hide things from me?"
Tinignan ko ang nagda-dramang si Apollo. Nakapako lang ang tingin nito sa daan.
I sighed and took my eyes away from him. Ibinalik ko ang tingin sa daan.
Kapag ba may inililihim ka sa isang tao, ibig sabihin na ba n'on wala kang tiwala sa taong 'yun? Hindi ba pwedeng pinag-aaralan ko muna 'yung mga nakuha kong ebidensiya bago ko ibabahagi sa kanya kapag may nabuo na akong conclusion?
"Ibalik mo na lang ako sa District Five. Wala ako sa mood pumunta ng university," utos ko. Ikinuyom ko ang kanang palad ko. Naramdaman ko ang maliit na nirolyong papel na nakasuksok sa suot kong singsing sa middle finger ko.
Nakuha ko iyon na nakaipit sa librong 'Inferno' ni Dante Alighieri. Malamang inilagay ni Justin bago siya mawala.
"I saw what you took from the book. Anong hindi niyo sinasabi sa akin ni Justin?" pagpipilit pa rin nito.
"You don't need to know yet."
"Why?" bahagya nang nagtaas ang boses nito na ikinagulat ko. Unang beses niya akong pinagtaasan ng boses sa ganoong pagkakataon. "I'm not a Novice Agent anymore, Nyx. Junior Agent na ako at for crying out loud, I'm your partner!" Hala. Galit na.
I looked at him, really looked at him and saw his anger, annoyance and...and disappointment. I just told him the other night that I trust him and then...
He pulled his car over on the side of the road. "Go wherever you wanted to go," anito at binuksan ang pinto sa tabi ko.
Really? Papalabasin niya ako ng sasakyan?
Tinignan ko lang siya. Magsasalita pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya.
"Para kanino 'yan?" tanong ko nang makita ko ang pagtataka sa mukha niya ng mabasa ang text message.
"Para sa 'yo."
"Akin na," sinubukan kong kunin ang cellphone mula sa kamay niya pero inilayo niya iyon. "Apollo, ano ba?"
He looked at me in the eyes. The dark color of his eyes turned even darker because of his anger.
"Hindi mo sasabihin sa akin ang mga nalaman niyo, hindi ko rin sasabihin sa 'yo ang nilalaman ng message na 'to."
"Bullshit, Apollo!" Bad trip na talaga ako. Ang isip-bata kasi ng taong 'to. "We don't have time for your dramas. Kaya pwede ba itigil mo 'to."
"Pwede ba, Nyx? Hindi ako nagda-drama. I'm stating the fact that you trust Justin more than me. Ako, na nakasama mo ng higit sa dalawang taon sa maraming panganib na sinuong mo. Tapos ito lang hindi mo pa magawang ipagkatiwala sa akin."
Padarag kong inalis ang seat belt ko at lumabas ng sasakyan. I hated this.
"Saan ka pupunta?" tanong ng loko. 'Di ba pinabababa niya ako?
"Sa impyerno!" sabi ko at pabalibag na isinara ang pinto. Bahala kang bwisit ka.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse niya.
"Nyx!" tawag niya sa akin, pero hindi ako nag-abalang lingunin siya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong pakialam kung may nagkalat na assassin na balak kaming patayin. Basta kumukulo ang dugo ko.
He grasped my arm and yanked me to face him.
"What?!"
Sa halip na sagutin ako, inilagay niya sa palad ko ang susi ng kotse niya tsaka pinara ang dumaang jeep. Iniwan ako nito nang wala man lang pasabi.
"Siraulo ka talaga!" Inis na sabi ko sa hangin. Wala rin naman akong magagawa kundi gamitin ang sasakyan niya pabalik sa Singko.
Sumakay na ako sa kotse ni Apollo, pero hindi ko muna pinaandar iyon. Kinuha ko ang papel sa singsing ko at binuklat iyon.
c.9 s.29 l.1
'Yon ang siyang nakasulat sa papel. I racked my brain for the ninth Canto of Inferno, but only remembered that it tells about Dante's walk through the sixth circle of hell. I even forgot what kind of sinners were there.
I decided to return to the mansion to look for a copy of Dante's Inferno. Hindi ko naman pwedeng kunin 'yung nasa bag kanina ni Justin at baka maghinala ang pulis kung bakit ko kailangan iyon.
Pagdating sa kwarto, naghalungkat agad ako sa mga cabinet na naroon. Subalit wala akong nahanap, then I remembered I had a .pdf copy of the English translation of the Divine Comedy in my laptop.
Canto IX, stanza 29, line one...
I counted twenty-nine stanzas, then stopped at the first line of the 29nth.
Well I perceived one sent from Heaven was he
Canto IX of the Inferno talks about the Heresiarchs that Dante and Virgil found in the Sixth Circle of Hell. Heresiarchs were those chief advocates of a belief that disagrees with the beliefs of a certain religion.
If I remembered it right, the one sent from Heaven Dante was talking about, was the Heavenly Messenger. An angel.
What does Justin mean?
I was concentrating really hard that I barely had time to save myself from another involuntary trance. Hindi naman gaano kalayo ang nilakbay ng isip ko. Hanggang sa opisina lang naman ni Senior Agent 7.
Naroon ang matandang agent sa kanyang mesa kausap ang isang hindi ko inaasahang bisita. Paano siya nakapasok sa headquarters?
Napansin kong napatigil ang dalawa sa pag-uusap. Lumingon ang bisita sa direksiyon ng pinto ganundin si Senior Agent 7. Pilit nilang inaaninag ang hindi makita.
Pinutol ko na ang malayuang pagmamasid bago pa man nila malamang pinapanuod ko sila.
Tumayo ako at agad na kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Sinubukan kong tawagan si Apollo ngunit nakakailang tawag na ako ay hindi pa rin ito sumasagot.
"Shit, Apollo! Ngayong kailangan kita, tsaka ka naman wala!" Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto at hindi mapalagay. Wala akong ibang maasahan sa pagkakataon 'yon kundi siya lang.
Sinubukan ko uli siyang i-contact nang may mapansin ako sa screen ng television na naroon sa tapat ng kama ko. Nilingon ko ang pinto ng terrace at nakita roon ang lalaking kanina lang ay nakita ko sa opisina ni Agent 7.
"Kamusta, classmate?
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...