Chapter 29 - The Justice's Instincts

85 4 0
                                    

Naputol ang pag-uusap namin ni Agent Zero nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Justin.

"Agent 3 called saying, 'the meeting's over'," aniyang idinirekta ang mensahe kay Agent Zero.

Tumango naman ito at muling ibinalik ang pansin sa akin. "I have to go back to Olympus. The Blacksmith will report to me there. Justin will escort you to District One where the new group is camped. Sila na ang magdaragdag ng impormasyong kailangan mo pang malaman." The stern look slipped back to her face. "As of now, you are the most valuable piece in this case. Only you could tell where the possible location of the diamond is."

I was taken aback. "How did you know about the diamond?"

"Your whole conversation was recorded. I wanted to know what it is for that they need to go this far just to look for it."

She was curious and she wanted to satisfy her curiousity by using me.

"And? What will we do if mahanap nga natin kung nasaan 'yung hinahanap nila? Hindi ba mas magandang hayaan lang itong nakatago? My parents died protecting it—whatever makes it special."

Umiling ito. "You don't understand. The members of the cult are being killed because of it."

"My mother was a member of that cult. Hindi ba't kaya niya nga isinugal ang buhay niya na protektahan 'yung diamond na 'yun dahil 'yun ang gusto ng kultong 'yon." Confusing. Really confusing. Something was off.

Hindi na siya sumagot pa. Sa halip, si Justin na ang binalingan nito. "Tell Veronica we will be going."

Sumunod naman si Justin.

Muli akong hinarap ni Agent Zero bago siya makalapit sa pinto. "I expect you to cooperate with your new team. No solo flights." 'Yun lang at nagtuluy-tuloy na itong lumabas ng silid.

Naiwan akong tigagal, hindi makapaniwala sa kinahantungan ng kasong ito.

Hindi nagtagal, pumasok muli ng silid si Justin. Wala 'yung usual na pagka-arogante sa tindig nito. Bagkus, seryoso itong nakatingin sa akin.

"What? No smart remarks?" I meant it to be a joke, but it came out sarcastic. Well, whatever. We were all on edge.

"I'm sensing something fishy," aniya.

That's Justin's instincts. I trusted it to be accurate.

Maingat akong tumayo. Bagaman nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, ininda ko lamang ito. Inalalayan ako ni Justin na hinayaan ko lang upang hindi maghinala ang mga nagmamatyag.

I saw security cameras in the corners of the ceiling and I had a feeling I was being spied.

Inalis ko ang dextrose na naka-inject sa likod ng kaliwang palad ko. Tinanggal ko na rin ang bendang nakapulupot sa ulo ko.

"Kaya mo na bang bumyahe sa lagay mong 'yan?" tanong ni Justin.

"Yeah." Maingat ang ginawa kong paglalakad patungo sa banyo. Tsaka ko lang napansin ang benda sa kanang paa ko. Hindi na masakit ang sugat sa talampakan ko bagaman automatikong maingat ang ginawa kong paghakbang. Nakaalalay pa rin si Justin.

Nang makapasok sa banyo, bahagya kong isinara ang pinto upang maharangan ang kuha ng CCTV sa isang sulok ng kisame.

"Paglilinaw lang, hindi kita type," ani Justin.

Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "Don't worry. Hindi tayo talo." Kinuha ko ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Pumalag pa ito, pero hinayaan ko lang. Sumandal ako sa lababo at nag-type sa cellphone niya.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon