"Nickie?"
Naikuyom ko ang mga kamao ko dala ng pinipigilang inis.
Lumapit sa amin si Apollo. I swear, kung hindi kami undercover agents sa mga oras na 'yon malamang nabugbog ka na ang lalaking 'yon. Siya ang maglalaglag sa amin, eh!
"Halika nga," I grabbed his right arm and tugged him to the stairs. Hindi naman pumalag ang loko. Natigilan kami pagdating namin sa second floor.
Puno ng mga naghihintay na mga estudyante ang corridor pag-sapit namin doon. Inilipat ko ang pagkakahawak ko kay Apollo sa kamay niya. I acted as if I was in love although I was really fuming out of rage inside. Magkahawak kamay naming binagtas ang corridor.
Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante kaya hindi ko masesermonan si Apollo. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"You're hurting me, sweetheart," matamis na bulong sa akin ni Apollo. Kung sa ibang pagkakataon siguro, natunaw na ako.
"Pagtiisan mo 'yan. May atraso ka sa akin," I hissed at him while smiling.
Napansin kong hindi na pala sumunod sa amin si Justin kaya tumuloy na kami sa room 211 kung saan ang sunod naming klase. Mangilan-ngilan palang ang nadatnan naming mga kaklase.
Katulad kanina, sa bandang hulihan kami naupo.
"Anong problema mo sa 'kin?" tanong ni Apollo pagkaupo namin.
"Problema ko? Muntik mo na akong ibuko kanina sa kuya ko." We were talking in whispers. Mabuti pang isipin ng mga estudyante roon na nag-i-LQ kaming dalawa dahil sa mga masasamang tinging ipinupukol ko sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay nito. Ay, oo nga pala. Hindi niya pa nakikita ang anghel kong nakatatandang kapatid.
"He's here, idiot. Nasa lobby siya kanina."
"Oh, you're other kuya. Right. Sorry, hindi ko alam." Sincere naman siyang humingi ng tawad.
Marahas akong bumuntong-hininga. I counted ten before talking again. Walang mapupuntahan ang paranoia ko. Haayyy...Ba't hindi man lang kasi ako nahawaan ng pagiging calm at level headed ng the Hunter.
"Forget it. We just need to be extra careful so we would not blow our cover."
"Pero anong ginagawa ni Dominic dito?"
I let myself relax. The case was stressing me out. "Working," tipid kong sagot. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.
Matagal-tagal din bago may muling nagsalita sa amin.
"So? Natawagan mo sa bahay?" I was referring to the headquarters.
Nag-relax din ang anyo nito. "Yeah. False alarm daw."
I sighed. False alarm. But my instincts were telling me it was not.
Nagsimula na ring magdatingan ang iba pang mga kaklase namin. Huling pumasok ang misteryosong lalaki, nahuli pa nga kesa sa professor. Hindi man lang ito lumingon sa pwesto namin, pero alam kong pinakikiramdaman niya kami.
Natapos ang klase. Hindi na ako inabala ng lalaki na napag-alaman kong Alexander Santiago ang pangalan.
Si Apollo ang kasabay kong umuwi. Dumaan muna kami sa isang tea house para bumili ng milk tea at pizza tsaka para na rin magpalit ng kotse bago kami dumiretso sa District Five.
Sinalubong agad kami ng guwardiya pagbaba namin ng sasakyan sa harap ng mansyon.
"Pinapasabi ni Agent Hunter na dumiretso daw kayo agad sa conference room pagdating niyo," sabi nito matapos i-check ang identity tattoo at dog tag namin.
Iniabot ni Apollo ang dalang pagkain sa guwardiya bago kami tumuloy sa ilalim ng magarang bahay.
Naabutan namin ang lahat ng miyembro ng The Argonauts sa conference room maliban kay Justin.
"Report," utos ni Xander nang wala man lang panimula. Tinignan ko ito. Para siyang tumanda ng sampung taon sa loob lang ng isang araw. Binabawi ko muna ang sinabi kong calm at level headed siya.
Nag-uumpisa pa lang kami, ganito na ang mga nangyayari sa amin—si Apollo, bigla na lang nataranta kanina; ako, nawawalan ng logical reasoning; si Xander, unang beses kong makita na medyo wala ang usual calmness; at si Justin...si Justin, wala pa rin. Saan pa ba nagsusuot yun?
"Nothing unusual—"
I interrupted Apollo's report because I knew something happened—something unusual. "A Psyche field agent was found dead near the university."
Natigilan lahat sila. Lahat nakapako sa akin ang tingin.
I tried to read Xander's face, but he gave no hint of what was going on inside his mind. "How did you know it's an agent of the organization?" tanong nito. Kahit ang tono ng boses nito ay walang ibinigay.
"The identity tattoo in her belly. And Agent 15 confirmed she was the District Seven's Queenbee."
I heard someone gasped, but I didn't took my gaze away from Xander. The Hunter sighed easing out all the stress in his body.
"I guess you also received the message this afternoon?" anito.
"I did," sagot ni Apollo.
I just realized, hindi ako nakatanggap ng message, then I remembered. Oo nga pala, I let Apollo receive my messages related to work.
Tumango si Xander. "It's a trap. The message was sent to all the Districts. At habang nag-papanic ang lahat, nilooban ang District Zero. Hindi nahuli ang mga nanloob kaya iniisip na baka nasa loob ng organisasyon ang salarin."
Nagtiim ang mga bagang ko. Sino ang traydor sa organisasyon lalong lalo na sa District Zero?
"May mga nawala ba?" tanong ni Apollo, malamang tinitimbang na kung sino sa mga itinuturing nyang kaibigan ang magta-traydor sa aming lahat.
"Meron."
"Ano?" tanong ko naman.
"A folder that contains the information of a Brown coded case."
Napakunot ang noo ko. Anong kailangan nila sa isang Brown coded na kaso? "Which case?"
Xander looked suddenly despondent. "Zero didn't tell us."
Dammit. Eh, 'di fine. I let it slide. "May iba pa bang nawala?"
It was Xander's turn to grit his teeth. "The database of all the organization's Junior Agents."
Bullshit! Our lives were put at risk. Would it be the fall of Olympus?
Xander's phone rang bago pa may magsalita sa amin. He answered the call and turned its loudspeaker.
"Kinse here," anang sa kabilang linya. May halong pagmamadali at pag-aalala sa tono nito. "Someone's following me."
Dinig ang pagharurot ng sasakyan ni Justin.
I tried to concentrate on finding where he was, but I just could't understand what I was seeing with my psychic eyes. If he was in danger like what he claimed and what we heard, why was I seeing a movie theatre?
"I just call to remind you about the ring Agent 13 found near a crime scene this afternoon," dagdag nito. Naputol ang konsentrasyon ko dahil sa sinabi niya. So he called, to make sure hindi ko sasarilinin ang tungkol sa singsing. Anong balak niya?
Then we heard a gunshot in the background and the screech of tires.
"Shit!" sigaw ni Justin. Then theline went dead.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...