Chapter 13 - The Heavenly Messenger

87 5 0
                                    

I parked my Ducati next to a white Tamaraw FX. Compared to all the cars there in the university parking lot, my motorcycle looks out of place.

It was already Wednesday, two days passed and we still had no lead of who the suspect or supects were on the killings. Even the combined forces of the best Junior Agents, deductive members and detectives of the organization seemed not enough for that case. It should have already been completed in just two days since the Hunter was there, but even he looked so strained. Idagdag pa ang pagkawala ni Justin sa unang araw pa lang. Tapos si Apollo hindi pa bumabalik ng headquarters. Balak ba nilang iwan ako sa ere?

I took my helmet off and went inside the college building. Buti na lang washday, meaning hindi required mag-uniform ang mga estudyante. At buti na lang wala si Apollo dahil walang mamemeste sa akin sa paggamit ko ng motor. Although, nag-aalala ako kung nasaan siya. Ni wala man lang text o tawag. Tinatawagan ko na siya kahapon simula pa nang umalis si Alexander, pero puro ring lang ang naririnig ko.

Pagpasok ko ng classroom, naabutan kong umiiyak ang isang estudyanteng babae. Inaalo ito ng ilan nitong kaklase samantalang may pagkabahala rin sa mga mukha ng ibang piniling manatili sa kani-kanilang upuan.

Inilibot ko ang tingin sa room, pero wala si Alexander.

Dumiretso ako sa upuan ko sa likuran. Dala ng pagtataka sa nangyayari, tinanong ko ang isang estudyanteng lalaki na nasa hanay namin.

"Anong nangyari dun?" tanong ko.

Pinasadahan muna ako nito ng tingin na parang unang beses niya palang akong nakita.

Hindi naman ako magtataka kung ganoon ang magiging reaksiyon niya sa hitsura ko. Malayo sa pa-demure na hitsura ko nung lunes to itim na fitted maong pants, white v-neck shirt, denim jacket at ankle-high boots. Buti na lang medyo malamig ang panahon dala ng low pressure area kaya may excuse ako para magsuot ng jacket maliban sa kailangan ko talaga para maitago ang baril ko at isang arm-length knife sa aking likod. Natatakpan ng makapal kong buhok ang hilt ng kutsilyo kaya hindi pansin.

Kailangan ko lang talagang mag-ingat dahil mahirap na. Mag-isa akong magtatrabaho pansamantala sa location namin.

"Nakita daw niya 'yung isa nating kaklase kanina sa may malapit sa parking lot," sagot nito.

Napakunot noo ako. Tapos? 'Yun lang umiyak na siya?

"Eh, patay na 'yun, eh. Kamamatay lang nung lunes."

Nagitla ako. Sana mali ang iniisip ko. Sana isa lang 'to sa mga ghost stories ng eskwelahan. "A-anong ikinamatay?"

"Pinatay ng bampira. Tapos natagpuan na lang dun sa may malapit sa tindahan ng isda sa tabi ng highway." May himig ng takot sa pananalita nito.

Letse! 'Yung undercover agent 'yun ng Psyche, ah. At kung hindi ako nagkakamali, pangatlong araw nun ngayon. At kung tama si Senior Agent 7, maaaring nabuhay nga ito ulit. Isn't that awesome? Awesome, but scary.

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Mukhang kailangan kong mag-cutting classes.

Palabas na ako ng building ng makasalubong ko ang hinahanap ko kanina. Hinarangan ako nito sa daraanan ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Alexander.

Itatanong ko sana kung paano niya nagawang umakyat at tumalon ng higit sampung talampakan, pero hindi ko na ginawa. Hindi na mahalaga 'yun ngayon.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon