Chapter 16 - Shooting Arrows

108 5 0
                                    

I was surprised to see Xander sitting on the couch in the living room. Unang beses ko siyang makita sa loob ng mansiyon at hindi sa ilalim nito.

May itinitipa siya sa laptop niya, pero agad siyang nag-angat ng tingin nang makita ako. I walked confidently toward him although it was awkward since I was hiding the brown envelope on my back.

"What's up?" tanong ko.

He eyed me warily. "What happened? Bakit tumawag ka raw ng back up?"

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. "Nag-attempt ng suicidal mission si Apollo. Tinawagan ako na humingi raw ako ng back up sa Singko. Anyway, it's okay now. Nasa ospital na siya."

"Sino?"

"Si Apollo." Pareho kaming tinitimbang ang isa't isa, pero wala sa amin ang gustong magpatalo.

Hindi tulad ng aso't pusa naming relasyon ni Justin, masyadong seryoso ang pakikitungo namin ni Xander sa isa't isa. Hindi nga kasi ito palaimik. Ngunit kung gaano ko naman pinagkakatiwalaan si Justin ay kabaliktaran naman sa tiwala ko kay Xander. Noon pa man, hindi na ako kumportable sa kanya. Para bang tuwing kasama ko siya, nalalantad ang mga pinakaiingatan kong sikreto.

"Ano namang heroic deed ang ginawa niya?"

Mabilis kong inisip ang sasabihin ko. "Just trailed some vampires." Wala ring patutunguhan kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo.

Inabangan ko ang magiging reaksyon niya, pero parang wala lang ang sinabi ko sa kanya. Para bang dogs ang sinabi ko instead of vampires.

"Nababaliw na ba 'yang kapareha mo?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Have you told the other members of the Argonauts?"

This time, nagbawi ito ng tingin at bumalik sa ginagawa. "About what?"

"About the theory of vampires in this case." It's the first time I got irritated with Xander.

Hindi agad ito sumagot. Malamang ay tinitimbang ang sasabihin. Kung kaya ko lang sanang bumasa ng isip ng tao. Haayyy...

Iniba ko ang usapan at piniling mag-focus sa trabaho. "Any updates?"

Bumuntong hininga siya at matamang tumingin sa akin. "Should I ask you that?"

Nagtiim-bagang ako at umiling-iling. Kahit pa napipikon na ako, sinubukan ko pa ring maging reasonable. "We thought the crime scene was staged, well, in the case of the dead girl na natagpuan sa oval. No witnesses. So it might be possible na itinapon na roon ang bangkay at ipinalabas na doon nangyari ang krimen."

The report caught his interest. Tumangu-tango siya at halatang napaisip. May kinuha siyang papel sa ilalim ng mga nakatambak na mga dokumento sa harap niya. "The autopsy report says the woman died between 9 to 10 pm. No other injury except for bruises on her upper arms, wrists – a sign na itinali ang mga kamay niya, and the punctured wounds. She died because of the God-knows-what bite. No marks that suggest she was gagged. So...no witness?"

"Yeah. And another thing."

He looked intently at me.

"A student saw the dead agent earlier in the university." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Baka delusional lang 'yung sinasabi mong nakakita."

Umiling ako, inaalala 'yung natagpuang eksena sa classroom kanina. "Hysterical siya hindi delusional. As far as I know, wala namang psychological illness 'yung estudyante. Mula sa may-kayang pamilya, may kasintahan at running for honors. So, as sane as she is, hindi siya maghi-hysteric kung hindi niya nga nakita ang dapat sana ay patay na."

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon