Chapter 7 - December 24, 1850

147 4 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin, hindi agad kami nakaalis ng classroom. Sasadyain sana naming magpahuli na lalabas tulad ng mga nakasanayan kaso inulan na agad kami ng interview ng mga kaklase namin.

Ang daming tanong—kesyo, saang school daw kami galing, bakit kami lumipat, gaano na katagal ang relasyon namin (na masayang sinagot ni Apollo ng dalawang taon), paano nanligaw sa akin si Apollo, anong pabangong gamit ko, paboritong ulam, pangalan ng aso ko, etcetera, etcetera, etcetera. May nag-imbita rin sa amin na umattend ng Acquaintance Party sa darating na byernes ng gabi.

Hinayaan ko na si Apollo na sumagot sa mga tanong nila. Matipid na ngiti, tango at iling lang ang isinasagot ko. Kahit na kating-kati na ako lumabas at sundan ang lalaki sa unahan ko, hindi ko na nagawa dahil mabilis pa sa alas-kwatro itong lumabas pagkasabing 'class dismiss' ng professor.

Paglabas namin ng room (sa wakas!) ay dumiretso kami sa canteen ng college para bumili ng makakain bago kami naglakad-lakad sa may oval. Sinadya naming magtungo roon dahil doon natagpuan ang bangkay ng isa sa mga napatay. Napapalibutan pa nga ng yellow line ang crime scene.

"I'm wondering..." turan ko. Saglit akong huminto habang nakalingon sa bahaging iyon ng damuhan. Kating-kati ako lumapit, pero pinigil ko ang sarili ko. Wala kasing naglalakad sa may oval, umiiwas sa crime scene kaya't kahina-hinala kung lalapit kami roon.

"What about?" tanong ni Apollo. Nakatingin din siya doon.

"The police report stated, the girl died where she was found. And she died sometime at nine o'clock in the evening according to her autopsy report. Nagtataka ako kung bakit walang witness. Nine p.m is still early right?"

Hindi agad sumagot ang kasama ko, halatang nag-iisip. "It's either, nine o'clock in the evening is already late for witnesses or the crime scene was staged." Aniya kapagdaka.

"What was she doing here kung masyado ng late ang alas nwebe para sa mga estudyante dito sa university?"

Nilingon niya ako, nakakunot ang noo. "Hindi mo pa ba binabasa 'yung mga files?"

I looked at him. "Binasa ko na. And the girl was a member of the student council. So what? She died on a Sunday. Siguro naman nagpapahinga rin ng linggo ang mga pulitiko ng university."

"Pulitiko?"

I rolled my eyes. "It's politics for me. Leadership is an elusion. Anyway, nakakapagtaka lang. Kung nagpunta siya rito at inabot ng alas nwebe dahil sa council-related activity, again, bakit walang witness? Siguro naman kasama nya 'yung mga co-officers niya, 'di ba?"

"Yeah. No witness. Which means nga, nagtungo siya rito on a Sunday, stayed until nine pm ng walang kasama or, again, the crime scene might be staged."

"Staged." I repeated the word like a magic spell. Sa salitang 'yon naalala ko ang nakita kanina. I had never seen a staged crime scene. 'Yung tipong aayusin ng criminal ang isang lugar at palalabasing doon nangyari ang krimen upang itago ang totoong mga nangyari.

I sighed and stopped thinking about what I learned earlier. Hindi ko rin naman iyon ire-report sa deductive members ng Argonauts. Kung tama si Justin at may itinatago nga ang Singko sa amin, patas lang na may itago ako sa kanila. Bahala si Justin kung sasabihin niya ang tungkol sa singsing. Basta ang tungkol sa burnt mark na nakita ko sa bangkay at sa lalaki kanina, sasarilinin ko muna habang wala pa kaming nakakalap na karagdagang impormasyon.

"Anong nangyari kanina? Bigla ka na lang nawala sa sarili mo," out-of-nowhere na tanong ni Apollo na bigla na lang kinalimutan ang pinag-uusapan namin. Apparently, he thought my trance was more important than thinking why the heck there was no witnesses.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon