Pagkatapos mag-almusal, nag check-out na kami ni Justin sa inn. Dumiretso kami sa St. Joseph Hospital upang dalawin si Tito Louie.
Pagdating sa labas ng kwarto kung nasaan si Tito Louie, hinarang kami ng dalawang pulis na hindi naka-uniporme at silang nagbabantay doon. Nalaman ko agad na mga pulis sila dahil kung tauhan sila ng Psyche, malamang nakasalampak na sila sa sahig dala ng walang ibang mauupuan sa hallway.
"Identification?" Maotoridad na sambit ng isa. Nakasuot ito ng polo shirt na green at maong pants. Matikas ang pangangatawan nito, mababa ng dalawang pulgada kesa kay Justin at marahil ay kasing edad din niya.
"Anicka Velchez," pakilala ko, pinipigil ang sarili na pagtaasan ito ng kilay. "And Justin dela Riva." Itinuro ko ang kasama ko.
Nagtinginan ang dalawa na ikinainis ko lang. Ayaw ko ang sinasayang ang oras ko ng ibang tao.
"I'm Anicka Velchez, the younger sister of Dominic Velchez and the patient is a friend of mine," paliwanag ko sa kanila.
"I.D?" inalahad ng isang naka-itim na t-shirt ang kanang kamay nito sa harap namin.
Bumuntong hininga ako at hindi na nakipagtalo pa. Wala rin naman akong magagawa. Mabuti na ang maingat sila.
Kinuha ko ang wallet mula sa back pocket ng suot kong pantalon. Naroon ang ilang mahalagang documents ko tulad ng ID ko sa kompanya, lisensiya, voter's ID, postal ID at ATM card. Wala kaming ID card sa PUGITA dahil naka-tattoo na nga sa mga katawan namin ang identification details namin. Parang bar code ang function ng identity tattoo namin.
Kinuha ko 'yung wallet mula sa compartment ng motor ko kanina bago kami pumasok ng ospital. Kapalit noon, iniwan namin sa sasakyan ni Justin ang mga armas namin dahil nga bawal sa loob ng ospital.
Ipinakita ko sa kanila 'yung ID na ginagamit ko sa trabaho ko kapag hindi ako si Agent Night. Nakumbinsi naman sila na hindi ko sila niloloko.
Ganun din ang ginawa ni Justin. Ipinakita niya ang ID niya sa dalawa, pero sa paraang hindi ko naman makikita. Lumalim lalo ang kunot ng noo ko dala ng reaksyon ng dalawang pulis. Parehong tila hindi makapaniwala ang dalawa na nagpalitan ng tinging siya-ba-talaga-'yun bago sabay na inilipat ang tingin kay Justin.
Nakangiti lang ang loko habang pinagmamasdan ang reaksyon ng dalawa. Mukhang nag-ienjoy sa ginagawa niya.
Lumingon siya sa akin at kumindat bago itinago ang wallet niya.
Tsaka ko lang na-realize. All those years na nasa iisang organisasyon kami at ilang beses nang nagkasama sa mga kaso, wala akong alam sa family background niya o kahit man lang 'yung regular job niya. Salungat naman dito, marami na siyang bagay na alam sa buhay ko.
Unfair.
Isinantabi ko muna iyon dahil pinahintulutan na kaming makapasok sa silid. Pagpasok, nabungaran naming masayang nagkukwentuhan si Tito Louie at ang bunso niyang anak na si Bianca.
"Ate Nicka!" Si Bianca ang unang nakapansin sa amin na sumalubong naman sa akin ng yakap.
Close kaming dalawa dala ng magkasundo kami pagdating sa photography.
Napansin naman nito si Justin. "Ate, boyfriend mo?" bulong niya sa akin na ikinalukot ng mukha ko.
Unang beses 'yon na mapagkamalan kaming magkasintahan ni Justin at...nakakakulo ng dugo.
"Hindi," sagot ko. "At hindi ko rin kaibigan. Ka-trabaho ko lang. Si Justin." Ang kasama ko naman ang binalingan ko. Nakangisi na naman siya. Bwisit talaga.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...