Chapter 17 - Alexander's Warning

104 5 0
                                    

Hindi na ako bumalik sa ospital pagkatapos kong makausap si Senior Agent 7. Nagkulong na lang ako sa kwarto para pag-aralan ang kaso. Bukas ko na lang pupuntahan si Apollo para tanungin sya kung anong nangyari.

Binasa ko ang iba pang laman ng envelope tulad ng mga information ng mga napatay na biktima, pwera doon sa politician. Mga record ng estudyante ang naroon pati na rin ang record ng Queenbee bilang estudyante kuno. Nauna lang pala siya ng ilang linggo sa amin.

Dahil sa mga impormasyong iyon, napagtibay ko ang hinuhang si Justin nga ang nagbigay ng mga impormasyong iyon. Pero kung bakit niya ginawa iyon—ang bigla na lang mawala at supplyan ako ng mga impormasyon, hindi ko alam.

Wait lang.

Inilatag ko sa ibabaw ng mesa ang mga dokumentong nasa loob ng envelope. Ang mga papel na 'yon (liban sa mga records ng mga estudyante) ay sapat na para bumuo ng isang record ng kaso—ang kaso ng pagkamatay nina Nicholas Soriano at ng kanyang asawa, ng mga magulang ko. It was the brown coded cases I'd been yearning to take and was now in my hand.

Sakto namang nawala ang files ng isang brown coded case noong araw na nawala si Justin.

Fudge. Hindi kaya...

I heard something landed on the terrace. Mabilis akong tumayo at kinuha ang baril ko sa ilalim ng mga inilatag kong mga papel tsaka tinutok iyon sa nakasaradong pinto ng terrace.

The intruder knocked on the door which was weird.

"Put that gun down and open the door," sabi ng akyat-bahay na may pamilyar na boses.

I did what I was told and Alexander came in.

Ganoon pa rin ang ayos niya nung huli ko siyang makita kanina. Ibig sabihin, kagagaling lang niya sa ospital.

"Anong ginagawa mo rito?"

Walang modong nahiga siya sa kama ko. "Hindi mo ba nabasa 'yung note? Sabi ko mag-uusap tayo."

"Why here?" bumalik ako sa upuan at inilapag sa mesa ang baril. Isinilid ko ang mga dokumento sa loob ng envelope. I still didn't trust Alexander no matter what Agent 7 said.

"Eh, hindi ka na bumalik sa ospital kaya ako na ang pumunta rito."

At ganoon pa rin ang pagka-arogante niya. Kay Justin 'ata ito may koneksiyon eh. Pareho sila ng ugali.

"May importante akong inasikaso."

"Importante pa sa kalagayan ngayon ni Apollo at sa sasabihin ko?"

Naitirik ko ang mga mata ko sa kisame. He was acting like a child.

"Ano bang sasabihin mo? Bilisan mo lang at may ginagawa ako."

He got up and sat on the vacant chair in front of me. "Ano ang nakalaban niyo dun sa warehouse?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi niya ba alam o nagmamaang-maangan lang siya? "Why didn't you ask Apollo? Siya ang unang naroon, humabol lang ako."

Sumeryoso ito. "Answer me now."

Tinignan ko siya ng masama. "Alam mo na 'yon ba't ka pa nagtatanong?"

Nagtiim ang mga bagang niya. Mukhang naiinis na sa akin. "Vampires, I assume."

"Anong kailangan nila sa inyo?" matapang kong tanong.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Si Apollo ang muntik na nilang makuha."

It was my turn to be annoyed. "You know what I mean. 'Wag ka na magtago."

"So you knew about the group."

"I knew it is called The Cult of Black Cloaks. Samahan ng Itim na Sutana." I said which tensed him.

"Did Apollo tell you that?"

Nagsalubong ang kilay ko. Who did tell me what? "Why would he tell me that?"

"If not him then, who?"

Hindi ko talaga siya maintindihan. O ayaw ko lang intindihin? "Anong ibig mong sabihin? Na alam ni Apollo ang tungkol sa kultong 'yon?"

He sighed and pulled his gaze away from me. Alexander was not telling me something. Something important.

"I ask you one more time: What do those fanged walking corpses want from your cult?" giit ko.

"It's nothing that concerns you."

"Of course, it concerns me!" And it concerned my parents' death, but I didn't tell him.

Bago pa siya sumagot, tumunog na ang cellphone kong nasa mesa. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Dominic.

The screen showed.

Napakunot ang noo ko. It was very rare for my brother to call me unless it concerns dad and mom. I picked the call and acted normal.

"What?" bungad ko. Ganoon ang normal sa aming dalawa.

"Where in the province are you?" tanong ng nasa kabilang linya.

So he knew. "In the capital city. Why?"

"Your godfather asked me to call you, say he's here. I didn't even know why I have to. Eh, may number mo naman siya. Tss." He was really irritated just because of that.

Huh? Nakakapagtaka. Nakakapagtaka talaga.

"Okay. I'll just call ninong Raphael." Sabi ko na lang. "Andito ka rin ba?"

"Paano mo nalaman?"

"I thought so. Bakit nga naman hindi ka nila i-assign sa patayang nangyayari rito, 'di ba?"

Na-imagine ko ang pag-usok ng mga tenga niya dala ng inis. "You're talking nonsense again." 'Yun lang at tinapos na nito ang tawag.

Haayy...Dear brother, sa'n ka ba pinaglihi?

Kunot ang noo na napatitig ako sa cellphone ko. May naalala kasi ako bigla. Two things. Two bloody important things.

Ibinalik ko ang tingin kay Alexander who was eyeing me warily.

"Raphael Vittorio..." sabi niyang nakatitig pa rin sa akin.

"How—"

"Look. You shall not trust anyone," biglang sabi nito.

"Kaya nga hindi kita pinagkakatiwalaan."

He sighed. "Fine. But even those who took you in."

Sandali nga...He was getting more and more suspicious. "Those who took me in? You know I was an orphan once?"

Tumayo na ito. "I know everything about you and the people around you. So believe me if I told you to be careful around those people." Lumabas na siya ng kwarto ko papunta sa terrace. Katulad ng una niyang pagpunta roon, tumalon siya mula sa terrace, but this time I barely cared kung magkalasog-lasog man ang mga buto niya.

Hejust warned me not to trust even the people who treat me as a family, why wouldI care about his stunt?

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon