Patungo sana ako sa opisina ni Agent 7 nang makasalubong ko sa hallway si Xander. Mukhang kagagaling lang din niya roon. Hindi ko siya binati at taas-noong nilagpasan lang, ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo mula sa kinatatayuan niya nang magsalita siya.
"May balak ka bang solohin ang kaso para maglihim ka sa grupo?"
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito. "Meron," diretsa kong sagot.
Bumuntong-hininga ito. "Is it about the ring?"
I gave him a blank stare. He must have sensed that I already knew what was inscribed in the ring.
"You're suspicious of me only because my surname was inscribed there."
Tama ang sinabi niya. Villanueva ang salitang nakaukit sa loob ng singsing. The ring was evidence. Of what, I hadn't yet known. May kutob lang akong may kinalaman iyon sa pagkamatay nung agent at sa boluntaryong pagpasok ni Xander sa kaso.
"And that means?" Maghuhulihan na naman ba kami?
"You are suspecting that I have something to do with the deaths of those six people," he accused without even flinching.
I laughed sarcastically. It was crazy. "And you're admitting it?"
Binigyan niya ako ng nagngangalit na tingin. If only one look could kill. "No. That's why I am happy to tell you that the other team investigating this case has already found a lead for a suspect or suspects, according to Senior Agent 7. Kaya kung maaari, itigil mo na ang pagsususpetsa mo sa akin at tumulong ka sa pagresolba ng kaso. Walang magagawa ang mga iniisip mo laban sa akin," sabi nito at tinalikuran na ako.
Saglit kong pinag-isipan ang mga sinabi niya, pero hindi pa rin maaalis sa akin ang hindi magtiwala. I decided to rest the issue for awhile and went to Agent 7's office.
He was talking to someone in a phone when I entered.
"Okay, thank you," anito sa kausap at tinapos na ang tawag. Ako naman ang binalingan nito ng pansin. "Yes, Agent 13?"
Naupo ako sa visitor's chair sa harap ng mesa niya. "Totoo ba 'yung sinabi ni Xander? Na may lead na ang kabilang team sa suspect?"
Tumango ito. "They'll be catching the culprit tomorrow night."
"At the Acquaintance Party?"
"Yes."
"Why tell us this?"
Awtomatikong tinignan niya ako sa mga mata. "Because I don't think you accomplished the same thing. Gusto ko lang na matulungan niyo ang kabilang grupo."
I sighed. Wala nga bang nagagawa ang grupo namin? "Ok. We'll help. I'll help. I'm not sure if it's okay for Apollo's condition to go tomorrow night. As for Justin," I shrugged. "Hindi pa rin siya makita ng mga pulis."
Tumango ito. Saglit na katahimikan ang dumaan.
"Anyway, nakalimutan ko ipaalam sa 'yo kahapon, a student saw the dead agent in the university's parking lot."
Bumuntong-hininga ito. "The morgue reported that the body of the Queenbee have gone missing two days after it was brought there. Ayon sa autopsy, pinatay ang biktima gabi ng lingo. Ibig sabihin, sa pangatlong araw ng pagkamatay ito nawala. Buti na lang at napag-aralan na ang bangkay bago nangyari 'yon."
"You didn't chain the corpse or something? Para nasiguro sana natin kung ano ang nangyayari sa mga bangkay na 'yon after three days of their death."
Umiling siya. "Iminungkahi rin nila 'yan, but I refused."
I shot him a questioning look.
"I put a tracker inside the corpse."
I grinned. That was a lot wiser than chaining the dead. "Wise. And?"
"It has been roaming the university until now. Searching a new victim perhaps." Inalis niya sa pagkakalilis ang manggas ng long-sleeves polo niya. I quickly noticed his identity tattoo on the bend of his elbow. I was sure it was a snake. They called him The Viper after all.
"Sino naman kaya ang sunod na bibiktimahin ng mga 'to?" wala sa sariling tanong ko. Then I remembered Alexander. He was a member of the cult which members were being killed. Siya na ba ang isusunod?
"We don't know for sure. Alexander never gave me the list of their cult members who are enrolled in the university."
"I forgot to ask, what are these people? Are they those who practice dark arts or black magic?" Kung iintindihin ang pangalan ng grupo, parang ganoon nga ang magiging impresiyon mo sa mga miyembro.
Nagkibit-balikat si Agent 7. He probably didn't know or he didn't just want to share. "Who knows? Ang alam ng marami, grupo lang sila ng mga albularyo at mangkukulam daw—kung meron man—na nagtitipun-tipon kapag mahal na araw sa Mt. Bandilaan para gumawa ng gamot o potion gamit ang mga ugat-ugat at dahon-dahon. But Alexander said they are more than that. It's like Psyche, more than an underground organization."
"I wanted to meet them." Sabi ko na ikinatigil niya. Napagdesisyunan ko 'yun kagabi. Kung gusto naming maresolba agad ang kaso, kailangan kong makausap ang mga miyembro ng kulto.
"You've met Alexander."
Pinigilan kong itirik ang mga mata ko at magsabing 'duh'.
"I wanted to meet a reasonable member na makakapagsabi sa akin kung bakit pinapatay ang mga miyembro ng grupo nila. That way we could pinpoint a solid suspect."
Umiling siya. "That's not possible."
"How are you so sure?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Anyway," pag-iiba niya ng usapan. "I already gave the plan to Agent 11. Baka magpatawag 'yun ng meeting anytime now, so you better go and tell Torralba."
Ilang minuto rin akong nakipagtagisan ng tingin sa kanya bago ako tumayo at walang sali-salitang lumabas ng opisina niya. It was unfair. They were accusing me of holding back information gayong sila iyong hindi sumasagot ng matino sa simpleng mga tanong ko. Dammit.
Isinara ko ang pinto at saglit na pinakatitigan ang pangalan niya sa dingding katabi ng pintuan. Senior Agent Leopoldo V. Rivera. May nakaguhit na ahas na nakapulupot sa middle initial.
Itlooked like a logo very familiar to me.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...