I watched the fire consumed every bit of the painting. Binasag ko muna ang salamin at inalis ang frame ng painting bago sinunog iyon upang mabilis maabo.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Paglingon ko, nakita kong nakatunghay din sa apoy si Apollo. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
Nilingon niya ako at saglit na naghinang ang mga mata namin. Something was disturbing him, I could see it through his eyes, but even before I could figure it out, he already torn his gaze from me. Mapait siyang ngumiti.
"Alexander is right eversince. You're an amazing woman," sabi na lang niya bigla. Ngayon niya lang ba nalaman 'yon?
"Inaasar mo ba ako?" 'yun na lang ang naitugon ko dahil sa totoo lang, hindi ko alam ang dapat isagot sa sinabi niya dala ng pagkabigla.
Ngumisi siya, pero hindi pa rin naalis 'yung kakaibang ekspresyon sa mga mata niya. The last time I saw that expression on his eyes was the moment before I lost consciousness during the operation in Singko a few days ago. That expression that meant he was afraid to lose something very important.
Muli siyang lumingon sa akin, pero sa pagkakataong iyon, hindi na niya binawi ang tingin niya. "I'm sorry I didn't tell you about the truth."
"What truth?"
He shrugged. "About me, Alexander, the cult..."
Umismid ako, sinusubukang pagaanin ang usapan. "No need. Alam ko naman na."
Umiling siya, seryoso pa rin ang ekspresyon. "No.Hindi pa lahat."
Hindi na ako sumagot. Hinintay ko na lamang magkwento siya ng gusto niyang i-kwento.
"It was supposed to be Alexander standing with you right now," aniyang nakatitig lang sa mga mata ko. "Siya dapat 'yung kasama mo sa lahat ng misyong kasama mo ako, but all because of my selfishness, my brother's life became miserable for him. I was the one who turned him into...what he is. And I really hate myself for that."
Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Veronica tungkol sa dalawa niyang kapatid. Na dapat daw sana si Alexander ang sasali sa PUGITA, pero naunahan siya ni Apollo. Na pakiramdam daw ni Alexander, trinaydor siya ng pinakanire-respeto niyang tao—ang kanyang nakatatandang kapatid. I still didn't understand why they had to ruin a good brother relationship just because of me.
"My brother loved you and I believe he still does. That time na niligtas mo siya mula sa pagkakalunod, he didn't actually want to be saved. He was about to end his life, but you saved him not only from drowning, but from himself. It's what made you his heroine."
Iniiwas ko sa kanya ang tingin ko. I knew the story sounds pathetic, but for both Alexander and Apollo, it might meant something. 'Yung ideya na may naimpluwensyahan ako sa ganoong paraan, hindi ko alam ang dapat maramdaman.
"Then, I fell in love with his life savior. Alam ko namang mali, pero wala eh. Hindi ko naman napigilang humanga dahil sa kwento ng kapatid ko. Humingi siya sa akin ng tulong para hanapin ka, um-oo ako. Pero nung nalaman kong nagtatrabaho ka sa Psyche bilang undercover agent, hindi ko sinabi kay Alexander. Instead, I joined PUGITA. My brother found out later about that at sumali rin siya, but I was physically better than him kaya nakapasok ako. Siya, hindi. Nagalit siya sa akin noon. Umalis siya, hindi ko siya hinanap. Then he came back..." Bumuntong hininga muna siya saglit. "...and he was changed. Veronica told me about what happened. At nagalit ako kay Alexander, sa gumawa noon sa kanya, sa sarili ko..."
Nayakap ko ang sarili ko. Parang may malamig na hangin ang lumukob sa akin dala ng mga sinabi ni Apollo. That explained his lost of focus noong nagti-training pa lang siya. All those years na inaasar-asar niya ako, may mabigat na problema pala siyang pinapasan. And si Alexander...he had been playing a very dangerous game.
Hinarap ako ni Apollo at bago ko pa man magawang mag-react, nahapit na niya ang bewang ko palapit sa kanya. He hugged me like he was afraid I was going away somewhere. Nakalapat ang tenga ko sa kanyang dibdib at naririnig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
"Hindi ko alam kung anong mga mangyayari sa mga susunod na araw, pero maaaring hindi na kita mapoprotektahan." I could feel the vibration from his vocal chords as well as the sad feeling his voice emanated. Gusto kong biruin siya, pero hindi ko magawa. "But I am sure Alexander could."
I felt his lips touched my temple before he released me. Pinakatitigan namin ang isa't isa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag, pero parang bigla akong natakot sa kung anumang gustong ipahiwatig ng mga sinabi niya.
"He's in Mount Bandilaan, our cult's own headquarter. Nakapag-usap na kami and he knows what to do."
Kumunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo?"
Ngumisi siya na ikinainis ko lalo. 'Pag siya nang-gu-good time lang, mababatukan ko talaga siya.
"Binabawi ko na 'yung sinabi kong amazing woman ka. Ang slow mo, eh!"
At binatukan ko nga. Gago, eh.
"Amasona ka. Hindi amazing. Tss!" Halatang napikon siya sa ginawa ko. Hinimas-himas pa nga niya 'yung batok niya bago muling sumeryoso.
May kinuha siya sa likuran niya at iniabot sa akin. Pagtingin ko, 'yung Beretta niya pala.
"Anong gagawin ko rito?" tanong ko pagkaabot ko sa paborito niyang baril. Ibinigay ko na 'yon kanina sa kanya tapos ibinalik niya sa akin. Problema niya?
Namulsa siya at nagkibit balikat. "Ikaw, bahala ka. Hindi ko naman na kailangan 'yan." Bumuntong-hininga siya at muling bumalik 'yung ekspresyon na 'yon sa gwapo niyang mukha. "Anyway, I have to leave now. I just...I just wanted to see you...for the last time...I think."
"Bakit? May pupuntahan ka? You're still part of the team." Kinakabahan talaga ako sa itinatakbo ng isip niya ngayon.
Mapait siyang ngumiti at napailing. "Basta."
"Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo, Apollo."
Ngumiti lang siya bilang tugon bago ako tinalikuran. Huminto siya nang medyo nakakalayo na siya sa akin tsaka muling humarap. He waved good-bye at me.
"Ang gago mo." Ang tanging nasabi ko na lang. Tila napako ako sa kinatatayuan, hindi alam ang gagawin, iisipin at mararamdaman. Basta ang alam ko lang parang gusto kong umiyak.
Tumingala siya sa madilim nang kalangitan tsaka sumigaw. "I love you too, Night!" And he looked at me again and smiled, that sincere warm smile that he once said was only meant for me.
Tumalikod na siya at tumakbo patungo sa mataas na bakuran at tumalon doon patawid sa kabila. Hindi ko napigilang mapasinghap dahil sa ginawa niya. That was one hell of a stunt!
I heard him land on the concreteground on the opposite side of the wall then, his fading footsteps and gone. Hewas gone and he left me nursing a strange feeling blossoming inside me.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...