Sakay ng mga habal-habal, dinala kami ng nagpakilalang Vincent sa baybayin sa kabilang bahagi ng isla. Walang katao-tao roon at tanging isang lumang bahay na gawa sa kahoy ang istrukturang naroon.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Vincent pagkababa ng motor.
"Teka, anong bundok ang makikita natin dito eh, nasa pampang tayo?" si Justin naman ang nagtanong na halatang naiinis.
Napansin kong paalis na 'yung tatlong habal-habal. Iiwan yata kami.
"Hoy! Saan kayo pupunta?!" Pipigilan ko pa sana sila kaso kumaripas na sila ng alis. Alikabok na lang tumugon sa akin.
Bwisit. 'Yung Vincent naman ang binalingan ko.
"Hindi kami nakikipaglokohan. Hindi naman kami magsasayang ng oras na pupunta rito kung hindi mahalaga 'yung rason." Sabi ko sa kanya.
"Sa loob tayo mag-usap," 'yun lang ang itinugon niya sa amin at nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay na kahoy.
Nagkatinginan kami ni Justin. Pareho pa kaming nakakunot ang noo at nakapamewang. Napa-tsk na lang siya at sumunod na rin sa loob. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod na rin.
Sira-sira na ang bahay. Puro agiw na rin ang kisame at mga kasangkapan sa loob. Wala namang kakaiba sa bahay bukod sa mga malalaking larawan ng mga kung sino na nakahilera sa mga dingding. Nakaramdam kasi ako ng kung anong kilabot habang tinitignan ang mga nasa larawan. They seemed alive.
Inalok kami ni Vincent na umupo, pero hindi namin ginawa ni Justin. Napabuntong hininga na lang si Vincent. Napansin kong nag-iba na naman ang ekspresyon at pustura niya. Animo'y nagkaroon siya bigla ng mabigat na pasanin at medyo umamo 'yung ekspresyon ng mukha niya. Taliwas sa una naming pagkikita.
"Anong gusto niyong malaman?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Akala ko ba nababasa mo ang isip namin?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Wala akong sinabing nababasa ko ang isip niyo. Hinuhulaan ko lang base sa ekspresyon at mga galaw niyo."
Just like Agent Zero.
"Pero nung hinawakan mo ako..."
"'Yung mga nakita mo sa isip mo, pag-aari ko 'yun. Kapalit ng nakita ko rin 'yung laman ng isip mo. Hindi ko inaasahang may kakayahan ka rin kaya't hindi rin ako nakapaghanda ng sarili ko. Parehong nakabukas ang mga isip natin at sa sitwasyon mo, malamang hindi mo alam kung paano isasara 'yon. Isang dahilan kung bakit hindi ko kayo pinahintulutang tumuloy sa Bandilaan."
Ibig sabihin parang nag-clash 'yung mga isip namin nung mga oras na 'yun. Geez. Dapat pala sinunod ko na 'yung payo sa akin ni Apollo dati na kumunsulta sa isang psychic tungkol sa pagbukas at pagsara ng isip.
"Nyx, anong pinagsasasabi niyan?" walang malay na tanong ni Justin.
Napangiti na lang ako. At least, may isang bagay na hindi alam si Justin tungkol sa akin.
Hinayaan ko na lamang siyang mabagabag at tumungo na sa usapang sinadya talaga namin doon.
"I'd like to start with the easiest," panimula ko. "Kaanu-ano mo si Leopoldo Rivera?"
Again, his demeanor changed. Kumunot ang noo niya. Itinukod niya ang mga kamay sa sandalan ng sofang katapat namin ni Justin at saglit na nag-isip. Hindi nagtagal, tumitig siya sa amin at nagsalita.
"Tiyuhin ko. Dati rin siyang miyembro ng kulto."
Nagkatinginan kami ni Justin. So kaya siguro kilala niya si Alexander. Eh 'di, kilala nya rin si Apollo noon pa man?
"Umalis sya sa kulto ilang linggo matapos naming kupkupin si Helena. Pero bago 'yun, napansin ko na ang ilang pagbabago sa ugali niya. Balisa...wala sa sarili...para siyang kahong walang laman. At hindi ko makakalimutan 'yung sinabi niya sa akin noong gabi bago siya umalis, 'Sya ang puno't dulo ng lahat'."
Helena...Agent Zero.
Ibig sabihin, kilala rin ni Senior Agent 7 si Agent Zero? I mean, kilala niya si Agent Zero bilang si Helena. Ugh!
Nilingon ko ang katabi kong si Justin. Ang lalim din ng kunot ng noo niya.
"Justin, bilang marami kang alam sa mga agents ng PUGITA, ilang taon na sa serbisyo si Senior Agent 7?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin, pero hindi agad siya sumagot.
"So?"
"Fifteen years. What are you getting at?" tanong naman niya.
Fifteen years. Kasabay ng pagkawala ni Agent Zero, lumutang si Helena sa kulto. Then umalis si Leopoldo Rivera at naging si Agent 7. And the question was...Ugh! I had many questions! Tss. It was getting much complicated.
"I think I'm getting at something, but I'm not sure yet. I still need another one or two things before I could conclude," sabi ko na lamang na napalingon sa saradong bintana sa kanang direksyon ko. "But I'm positive we're slowly going away from nowhere."
That feeling... Parang may nagmamasid sa amin. Hindi lang isa, mukhang marami sila.
"Hindi kaya—"
"Dapa!" I acted on gut feeling which was good because arrows came zooming past us. Basag 'yung bintanang kapis na tinitignan ko kanina.
I let minutes pass bago ako nag-angat ng ulo. Nakita kong nakabaon sa dingding ang ilang pana na muntik ng tumapos sa mga buhay namin. Nang masiguro naming wala ng kasunod ang atakeng 'yon, dahan-dahan na kaming tumayo ni Justin.
Si Vincent nama'y nauna ng tumayo sa amin. Sa bahagi ng dingding na malapit sa kanya, may isang naligaw na pana. May isang maliit na puting tela na nakapulupot doon na kinuha naman niya.
"Isang imbitasyon mula sa punong babaylan," aniyang nakatitig sa telang hawak niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya bagaman tila may bahid ng pag-aalala ang boses niya.
Nilingon ko muli ang mga panang bumaon sa parte ng dingding malapit sa amin ni Justin. Pitong pana na nakaposisyon na hugis 'C'.
"Eh 'di, wala naman silang masamang intensyon sa amin?" tanong ko, malalim ang pagkakakunot ng noo.
Hindi sumagot si Vincent. Marahil ay hindi rin siya sigurado.
Narinig kong umismid si Justin. "Sweet. Better yet we shall accept their invitation. Baka kung hindi na lang fast zooming arrows ang ipaulan nila sa atin kapag tumanggi tayo. Mahirap na."
With that being said, nagtungo nakami sa kinaroroonan ng kulto.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...