Chapter 20 - The Cat's Out of the Bag

90 4 0
                                    

I left the Harlequin and went out to the parking lot. Balak ko sanang puntahan sa ospital si Apollo to confirm my thought. Ang kaso, hindi sinasadyang mag-krus ang mga landas namin ng dalawa sa pinakaiiwasan kong makatagpo sa mga undercover missions ko.

Huli na para tumalikod at umalis palayo sa lugar dahil nakita na nila ako. Parehong nagtatakang tingin ang ipinukol nila sa akin bagaman may halong mabigat na suspetsa ang sa isa.

"Anicka?" hindi makapaniwalang bulalas ni Ninong Raphael. Pinasadahan niya ako ng tingin. Bakit naman hindi sila magtataka eh, naka-uniform ako gayong alam naman nilang graduate na ako ng kolehiyo.

"What's with that uniform?" tanong naman ni Kuya Dominic.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Itinuloy ko ang paglalakad palapit sa kanila.

"Hi, ninong," bati ko kay Ninong Raphael at hindi pinansin ang kapatid ko. "Nakakahiya naman, nakita niyo akong naka-ganito. May ano...may shooting kasi kami," kunwaring nahihiyang sabi ko. Siguro naman naikwento sa kanya ni Daddy 'yung tungkol sa pelikula na ginamit kong palusot.

"Shooting?" Amuse na hindi inaalis ni Ninong ang tingin sa akin.

Tumango ako. "Hindi ba naikwento ni Daddy? May mga kakilala akong videographers na inalok ako gumawa ng pelikula para sa film festival next year. Ayun. Eh, kulang kami ng artista dahil maliit lang ang budget namin, pinilit nila ako. 'Yun. Nakakahiya tuloy."

Natutuwang tumawa si Ninong samantalang lumukot lang ang mukha ng kapatid kong tinamaan ng magaling. Narinig ko pa ang sinabi niyang, "Ridiculous," na halatang ipinarinig talaga niya sa akin.

"That's good. That's good," sabi ni Ninong. "Hmm...Tutal, andito na kayong dalawa, bakit hindi niyo ako samahang mananghalian. Minsan na lang 'to na magkakasama tayo, ha."

Sumang-ayon naman ako. Mas magtataka lang siya kung tatanggi ako.

"Kayo na lang," sabi ni Dominic. "May trabaho pa ako. Kailangan kong bumalik sa istasyon ngayon."

Inirapan ko siya. Palibhasa ayaw niya akong makasama kumain.

"Maiintindihan naman siguro ng suspect na kailangan mo din magrelax paminsan-minsan, 'no," biro ni Ninong.

Hindi na lang sumagot si Kuya at iniwan na lang kaming walang paalam. Lumulan na ito sa itim niyang BMW na nakapark katabi ng sasakyan ni Apollo.

"Tss. Tss." Umiling-iling si Ninong. "Kahit kelan talaga kayong dalawa."

"Bakit? Wala naman akong ginawa, ah?" defensive kong sabi. Alam niya ang hidwaan naming magkapatid na hindi niya ipinapaalam sa mga magulang namin.

Ngumiti lang siya. "Tara na at pasado tanghali na. Baka nalilipasan ka ng gutom sa trabaho mo."

Hindi ko alam, pero parang may halong akusasyon ang tono niya. Hinayaan ko na lang at sumama na sa kanya.

Kunwaring tinawagan ko ang mga kasamahan ko sa "shooting" na mauuna na kuno ako mag-lunch sa kanila kahit wala naman talaga akong kausap sa kabilang linya.

Nagtungo kami sa malapit na restaurant at doon nagpasyang mananghalian. Pagkababa ng sasakyan, tsaka ko naalala ang nakitang pulang Porsche sa labas ng Angel's Tea and Pastries nung miyerkules. Ang kotseng 'yun ang sinakyan namin, kotse ni Ninong Raphael. But it didn't explain why I didn't see him in the tea house that day.

Sa gitna ng aming pagkain, kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin hanggang sa hindi sinasadyang madako ang usapan sa mga totoo kong magulang.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon