Chapter 36 - There and Back Again

67 3 0
                                    

"Aray naman!"

Mukhang napalakas ang sipa ko dahil lalong namilipit sa sakit ang mukha niya. Nanggigil lang kasi ako. Bigla na lang kasi nagpakita. Aalis nang walang paalam, tapos susulpot na lang basta-basta. Nagkataon pang hinahabol kami.

"If this is how I get paid after saving your assess, I should've let them have you." Pagtatalak pa niya.

"Eh, gago ka kasi."

Nilingon ko si Justin na papalapit na sa amin bago ko muling binalingan si Apollo. Yes, si Apollo: ang nagbabalik. I offered him my left hand to help him stand, pero kahit pala hindi ko na siya tulungan, kaya niya naman. He stood up gracefully and a bit faster than a normal person could.

I finally saw the reason for his pained expression: a slice wound on his left upper arm.

"Oy, Dracula!" pang-aasar ni Justin dahilan para bigyan siya ng matatalim na tingin ni Apollo. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin.

"Shut up, Kinse! Hindi ko kayo tinulungan para tumanggap ng sipa at insulto sa inyong dalawa," himutok ng isa.

Tinapunan ni Justin ng tingin ang isang malapit na building kung saan maraming nakatunghay sa pangyayari. Papalapit na rin ang naririnig naming sirena ng pulis.

"Kailangan na nating umalis dito," suhestiyon ko. "Baka maabutan pa tayo ng mga pulis."

No one argued. Si Justin ang nagmaneho ng sasakyan samantalang sa likuran kami naupo ni Apollo.

I checked Apollo's wound. "Blade. A swiss knife maybe." I recited. "It's not really deep, but you might get infection."

"I won't get infection...anymore." There was a hint of bitterness in his voice, dahilan kung bakit bigla akong napatingin sa kanya.

Oo nga pala, I forgot. Hindi na siya ordinaryong tao.

Inalis ko ang panyo sa mukha ko at ipinulupot sa sugat niya. Hindi ko na tinanong, pero may hinala akong silver ang patalim na sumugat sa kanya.

My phone rang which I immediately picked up.

"Lawin." Bungad ng tumawag. It was Senior Agent 5. Naririnig ko mula sa background ang sirena ng mga pulis. Maaaring naroon na siya sa pinangyarihan ng insidente. I asked for back up, pero siya na mismo 'yung pumunta roon.

"Night speaking," sagot ko.

"Nasaan kayo?"

"We're already heading somewhere."

"Sasakyan niyo 'tong tadtad ng tama ng baril?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah. Kay Hustisya."

"Ang pangalawang sasakyan ko na tinadtad ng bala." Narinig kong komento ni Justin. Oo nga. Ganoon din 'yung kinahinatnan ng isa niyang kotse noong 'nawala' siya. Puno ng dent marks, pero dahil bulletproof, hindi naman napasok ng bala ang loob ng kotse. The first time that happened, though, was intentional. Dahil mayaman siya, he went to the extent na rinatrat niya ng bala 'yung sasakyan niya para lang mapalabas na nawawala siya. Which in reality, eh, nagso-solo mission.

But now it was also intentional—intentional to either kill us or just scare us.

"At 'yung tatlong itim na sasakyan ang sumusunod sa inyo kanina," Agent 5 made it a statement.

"Yes. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nila ginawa 'yun in broad daylight and in the middle of the highway kung saan maraming nakakakitang sibilyan."

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon