Justin and I left early at dawn the next day. Since Apollo left the car, 'yun na 'yung ginamit namin patungong airport.
He had booked us the earliest flight to Dumaguete. Sinabi ko kasi sa kanya 'yung sinabi sa akin ni Apollo the night before particularly 'yung about sa pugad ng kulto sa Mt. Bandilaan at sa bilin niyang puntahan namin doon si Alexander.
We also informed Xander of our plan and he said naroon daw ang Ulfric at Minstrel. He also found out through Criselle that Vincent was actually a member of the cult, pero hindi sinabi ni Xander kay Agent Yu na iniwan sa kanya ni dating Senior Agent Seven ang note na may coded message. Kaming tatlo lang daw ang nakakaalam. At oo nga pala, pati rin si Agent 2. Xander told him and I didn't understand why. Hindi ko pa rin pinagkakatiwalaan si Dos.
Hindi ko maiwasang isipin 'yung mga sinabi ni Apollo habang nasa byahe. Napansin naman ni Justin 'yung pananahimik ko kaya't sinimulan niya akong pestehin.
"Hindi ba sinabi sa'yo ni Apollo kung saan siya pupunta?"
Umiling lang ako bilang tugon. I knew something was bothering my partner, but I could not point it out. He was acting too strange that night.
"Is the Night finally falling in love with the Day?"
Nagulat at napikon ako sa tinurang iyon ni Justin. But actually, bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang ka-abnormalan ang nangyayari sa akin?
"Pinagsasasabi mo?" tanong ko sa kanya. Shit. Pati ba naman boses ko abnormal din?
Justin whistled quietly, then smirked at me. Bully. "Your heartbeat quickened, your voice quivered and you're staring at me like someone caught red-handed. Thus, I might be correct." He and his instincts.
Iniiwas ko sa kanya ang tingin ko. "Shut up, dela Riva."
Mahina siyang tumawa. "In denial stage, Nyx."
Tss. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Ang lakas mang-asar. Tumahimik na lang ako para hindi na humaba ang pang-aasar ni Justin. Hindi rin naman kami makakapag-usap ng tungkol sa kaso dahil nasa isang commercial flight kami at may mga kasama kaming ibang pasahero. Mahirap na.
Umaambon nang nakarating kami sa Dumaguete. Mula sa airport, sumakay kami ng tricycle patungong seaport para naman sumakay sa fastcraft na magdadala samin sa isla ng Siquijor, kung nasaan ang Mt. Bandilaan.
Wala kaming dalang bagahe ni Justin. Wala rin kaming dalang armas dahil nga hindi makakalusot sa airport. Hindi naman siguro kami mapapaaway.
Dark clouds hung above us on our travel to the island. Mas nakakakilabot tignan 'yung isla na napapalibutan ng low-lying gray clouds. The scene was mystical, but scary as well. Dagdag pa ang nararamdaman kong tila may nagmamasid sa amin, sa akin. Hindi ako mapalagay.
"You're agitated." Narinig kong bulong sa akin ni Justin sa kabila ng ugong ng fastcraft.
Nilingon ko siya. He didn't seem disturbed himself, pero malalim ang pagkakakunot ng noo niya.
Bumuntong-hininga ako at pinigil ang sarili ko na lumingon sa likuran ko. Mailang beses ko na yata ginawa 'yun mula pa nang umalis 'yung sasakyan sa port.
Nagulat pa ako nang hawakan ni Justin ang mga kamay ko at inalis sa pagkakakuyom ang mga palad ko. "Nagiging magugulatin ka na rin, Nyx."
Bumuntong hininga uli ako. "Someone is observing us, I guess."
It was his turn to look around our co-passengers. "I don't see anyone suspicious."
I did the same. I scanned everyone. May ilang nakapansin sa ginagawa namin at sinalubong ang mga tingin namin, but the strange vibe didn't come from them.
My anxiety lasted until we docked and we climbed out of the sea vehicle.
Justin asked around how to get to Mt. Bandilaan while I was left on one side still feeling uneasy. I was reaching for my phone when someone approached me.
"Mawalang galang na po," pasintabi ng lalaking lumapit sa akin.
Agad ko siyang kinilatis. He was maybe the same age as me, standing at 5'9 maybe. He had fair complexion, jet black hair, thin lips, fine nose and...I looked immediately away. Something told me not to look at his eyes for too long.
"Ano 'yun?" I asked, looking at anywhere, but his eyes.
"May hinahanap po ba kayo?"
"A—" napapikit ako ng mariin. Shit! Someone's really messing with my mind. I almost revealed our agenda to a stranger. Dammit really.
Then realization hit me.
Matapang kong sinalubong ang mga mata ng estranghero. "You were travelling with us in the boat. Ikaw 'yung kanina pang literal na gumugulo sa isip ko."
And his demeanour changed. Para siyang binalot ng kung anong madilim na aura. And his eyes...pakiramdam ko, nahulog ako sa napakadilim na lugar kasama ang mga bangungot ko.
I instinctively took a step backwards. I knew he was dangerous.
"Hindi ko kayo sasaktan ng kasama mo. Gusto ko lang malaman kung anong kailangan niyo sa amin." Aniya sa baritonong boses.
He was from the cult then. At mukhang hindi lang siya isang keeper tulad nina Apollo at Alexander.
"May hinahanap kaming isang tao." Sagot ko naman.
Bahagya niyang ikiniling ang ulo nang hindi ako nilulubayan ng tingin. "Kilala ko ang hinahanap niyo, pero hindi ko kayo hahayaang makarating sa pupuntahan niyo nang hindi ko nalalaman kung bakit niyo siya hinahanap."
Sa sinabi niya, agad kong napagtanto na nababasa niya ang isip ko. "If you really knew kung sinong hinahanap namin, dapat alam mo ring hindi rin malinaw sa akin kung bakit namin siya hinahanap."
Saglit siyang tumahimik, nag-iisip o marahil nagbabasa ng isip ng iba. "Maaaring nagsasabi ka ng totoo. Pero sapat na ang dalawang agents para mag-imbestiga sa mga miyembro ng kulto namin. Pwede na kayong bumalik kung saan man kayo nanggaling."
I sighed exasperatedly. "Hindi mo naiintidihan. We need to go there."
"Anong problema rito?"
Napalingon ako kay Justin. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa amin. Nakakunot ang noo niya at matamang nakatingin sa estranghero. Sa likuran niya, may napansin akong dalawang lalaki na nagpark ng kani-kanilang motorsiklo sa tabi ng kalsada.
"Habal-habal. Sila maghahatid sa'tin sa paanan ng bundok." Sabi ni Justin bilang sagot sa pagtataka ko.
Goodness gracious. Sasakay ako ng habal-habal. I suddenly wished I had my Ducati.
"Tara na." Tinalikuran ko na ang kaninang kausap ko dahil alam kong wala akong mapapala sa kanya. Hahakbang na sana ako palayo nang hinigit niya ang braso ko.
In one quick pulse, strange scenes ran through my head. The shuffling was too quick, they barely registered in my mind.
I quickly pulled my arm from the stranger and threw him a very sharp look.
"Ikaw ang nag-iisang anak ni Marilyn." The man stated it as a fact.
"Oo. Valid reason na ba 'yun para tantanan mo kami?" It came out sharp.
"Higit na maiging hindi kayo pumunta sa patutunguhan niyo." Aniya na bahagyang nag-iba na naman ang aura. "Sumama kayo sa akin." Nagpatiuna na siyang naglakad patungo sa nakaparadang habal-habal, ngunit saglit siyang tumigil sa paglalakad at muling humarap sa akin.
"Siya nga pala, ako si Vincent. Atikinagagalak ko kayong makilala."
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...