The meeting didn't last long. Xander just discussed what had been included in the folder, but he didn't mention about the ridiculous theory. It was either he didn't know or he didn't want to share it with the rest of the team. Like I said, trust no one.
After the meeting, Senior Agent 7 led us to our office. Nasa iisang opisina lang kaming apat which was irritating. Buti na lang hindi namin kailangan araw-araw magkita...or so I thought.
I checked myself in the mirror one last time before grabbing my handbag and a brown envelope containing my school documents. I was a college student again.
Dumiretso na ako sa parking lot kung saan naabutan ko si Apollo na naghihintay. Tulad ko, naka-school uniform din siya. White polo, dark blue slacks at black shoes ang suot niya. Ganoon din ang kulay ng suot ko: white blouse, dark blue pants at black shoes. May idinagdag silang palda sa 'costume' ko pero ayokong gamitin 'yon.
Apollo smiled, amused of me. Sinimangutan ko naman siya.
"First day of school, nakasimangot ka? First day jitter?" biro nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha kang driver," komento ko naman.
As expected, natawa ito sa sinabi ko.
"It's my first time seeing you in a college uniform. Dapat pala nagtagpo na ang mga landas natin kahit noong college pa lang tayo, 'no."
"Eh, 'di sana noon pa man sira na ang araw-araw ko," iritableng supla ko.
Lumapit ang unggoy sa akin at umakbay. Namimihasa na siya sa kaaakbay sa akin, ha. Palibhasa matangkad siya sa akin ng isang dangkal.
"Don't worry. We'll enjoy being students now."
"If you call it enjoying, I call it working. And while I'm asking nicely, will you take your arm off my shoulder?"
Inialis nito ang braso sa balikat ko at itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. "Hey, bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Ah, wait. Scratch that. Bakit ang init lagi ng ulo mo sa akin? The better question."
"Dahil ang sarap mong pagbuntunan ng init ng ulo?" birada ko. Pagdating talaga kay Apollo, naha-high blood ako.
Ngumisi ito. "Ooohkaaay. At least hindi ako ang rason ng init ng ulo mo."
"Oh! You are. Always."
"Hey, love birds. Nagliligawan na naman kayo diyan," pagsisimula ng gulo ni Justin. Unlike us, naka polo shirt lang ito at maong pants. Hindi naman kasi niya kailangan mag-uniform ng pang-professor. Si Xander naman na kasabay ni Justin lumabas ay naka t-shirt at pantalon din. The guy would be working in the city hall.
"Are you concealing any weapon in those shirts and pants?" tanong ko sa dalawa.
"So 'yun pala ang problema mo," narinig kong sabi ni Apollo, pero binalewala ko lang.
Oo, 'yun ang problema ko. Wala akong suot na armas ni isa. Ni kutsilyong maliit wala. Kahit man lang balisong. I felt vulnerable without a weapon. Marunong ako ng hand-to-hand combat and I knew how to kill with my bare hands, but I still depended more on my weapons.
Pareho namang natawa sina Justin at Xander sa tinuran ko. I was not being funny! Dammit!
"We won't need weapons yet," sagot ni Xander.
"I always need weapons lalo na kapag kasama ko 'tong unggoy na 'to," itinuro ko si Apollo. "At lalo na ngayong dumagdag pa 'yang isang 'yan." At itinuro ko naman si Justin. We never knew kung kailan namin maisipan na totohanan ang mga empty threat namin ni Justin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...