Chapter 4 - The Argonauts

194 7 0
                                    

The next morning, we went underground after eating breakfast. Kasabay ko si Apollo samantalang nauna na daw si Justin sa amin.

Dumiretso kami sa conference room tulad ng bilin ng guwardyang sumalubong sa amin sa labas ng elevator. Wala pa masyadong tao sa building sapagkat maaga pa naman, pero may mga mangilan-ngilan na abala na sa kanya-kanyang opisina at halata mong wala pang mga tulog.

Resident agents of every district could go in and out of the establishment depending on them. Minsan may mga field agents na pumapasok lang para magreport ng mga nakukuha nilang impormasyon tungkol sa kasong hinahawakan nila. May iba naman na magre-report lang sa opisina kapag tapos na nila ang kaso. Ang mahalaga matapos nila ang kaso base sa timeframe na inilaan dito.

Agents were classified based on their experience. It was not based on age or sa kung gaano ka na katagal sa organisasyon. New recruits were called Novice Agents. Sa kanila ibinibigay ang White coded cases o kaya ay isinasama sa mga teams na nakatoka sa Grey, Brown o Black coded cases upang maging deductive members. Sila yung mag-iimbestiga ng kaso habang nasa loob ng opisina.

And, speaking of Novice Agents, may naalala ako.

"When will the old men promote you to a Junior Agent?" tanong ko sa kasama ko. As far as I knew, Apollo was still a Novice Agent. Una siyang ipinareha sa akin nung hawakan ko ang isang Grey coded case sa District Three. Simula noon, hindi na kami pinaghiwalay labag man sa kalooban ko.

Apollo smiled like he knew something I don't. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"They already did. Three days before we travelled here."

Sumimangot ako. Kaya pala ang lakas ng loob na sigaw-sigawan at utusan ako.

Field Agents naman kaming Junior Agents. Kami ang isinasabak para mag-imbestiga ng isang kaso habang nagbabalatkayo. Isang taon lang akong naging Novice at na-promote agad bilang Junior Agent. At two years bago kami ipareha ni Apollo, sinosolo ko madalas ang mga kasong ibinibigay sa akin. Marami na akong White and Grey coded cases na nahawakan, pero unang beses ko iyong hahawak ng Black coded at umaasang makakahawak ng Brown coded. Kahit noong Novice pa ako ay field agent na ako. Isang beses lang akong naging deductive member kung saan una kong nakasama sina Justin at ang the Hunter. Ang kasong 'yun ang nakapagpromote sa amin bilang Junior Agents dahil natapos namin ang isang Grey coded ng tatlong araw lang.

Umakbay sa akin si Apollo. "The Seniors are afraid na baka kung anong katangahan ang gawin mo kaya prinomote na nila ako nang hindi mo masabing nakakataas ka sa akin para utus-utusan kita."

I sighed frustratedly. They still doubted my skills as an agent. But why would they even consider me as the second best Junior Agent kung ganoon lang din naman at hindi nila ako pagkakatiwalaan?

Umaga pa lang, pero sira na ang araw ko.

"Tuwang-tuwa ka naman," inis kong sabi.

"Of course. Para naman hindi mo na ako binabalewala. We're on the same level now, sweetheart. And we're partners for more than two years already. Baka gusto mong i-promote na rin natin ang relationship natin. What do you think?"

"Idiot," sabi ko at marahas na inalis ang braso niya sa balikat ko. Mas lalo pa niya akong inaasar simula nga nung huling kasong hinawakan namin ng magkasama.

Tungkol kasi iyon sa isang foreign syndicate na ang modus ay gumawa ng pornographic videos. At ang loko-loko naman naming District Head at mga kapwa agents, kami ang pinagpustahang isabak sa trabaho. I blew our cover bago pa man umabot sa sukdulan ang love scene namin ni Apollo which was I knew, a bad move, pero I wouldn't be considered as one of the best Junior Agents kung hindi ko magagawan ng paraan na mahuli ang buong miyembro ng sindikato.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon