Chapter 24 - Save the Cross

91 4 0
                                    

I flinched, not because of the name, but because of the wound. Ang kirot.

Naghanap ako sa glove compartment ng gasa o kahit anong tela, pero puro papel lang ang naroon.

"Anong hinahanap mo?" tanong niya.

"Anything to ease the damn pain." I put the revolver on the dashboard, then put my right foot on my left knee. Hindi masyadong dumudugo ang sugat, pero masakit.

Justin saw the wound. "F*ck! Mamamaga 'yan. Buhusan mo ng alcohol. Meron diyan sa glove compartment."

Kinuha ko ang mga papel doon at tinapon sa backseat. May alcohol nga. Kinuha ko iyon at binuhusan ang sugat. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagdaing. Bwisit! Ang sakit!

Inalis ko ang suot kong mga gwantes at pinunit ang dulo ng damit ko. Ipinulupot ko ang punit na tela sa aking paa upang maprotektahan ang sugat.

Hingal na umayos ako ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan. Hindi ko napansing tagatak na pala ang pawis ko at may butil ng luhang tumulo sa magkabila kong pisngi.

"Ang ganda mo palang tignan 'pag nahihirapan," pang-aasar ni Justin. Nasa gitna kami ng delikadaong sitwasyon, nakukuha niya pang magbiro.

"Shut up." Madiin kong sabi. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at sinubukang hanapin si Salve gamit ang isip ko, subalit sa iisang lugar lang ako dinala ng konsentrasyon ko—sa Headquarters ng District Five.

Something was wrong. The offices were empty. The doors were shut. Walang mga agents kahit saan. Kahit ang mga guards, wala. But the most unusual thing was, I could smell blood. The smell of violent Death.

I woke up from the trance. Unang beses iyon na pati ang sense of smell ko ay gumana habang nagre-remote viewing ako. Wala akong naririnig na kahit anong tunog o nararamdaman kapag ganoon. Kaya nga remote viewing, hindi astral projection.

Nararamdaman ko ang mabilis na pagharurot ng sasakyan. Nauunahan na namin si Dominic samantalang kagitgitan na namin ang pamilyar na sasakyan ni Apollo.

"What happened?" nakakunot ang noo ni Justin bagaman nakatutok ang atensiyon niya sa daan. Natatanaw ko ang isang itim na van na nauuna sa aming lahat.

"May rifle ka?" tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong.

"Meron sa backseat, pero hindi ko ipapahiram sa'yo. Silver ang mga bala nyan."

Napamaang ako. Seryoso?!

Ang revolver na lang ang kinuha ko sa dashboard bago binuksan ang bintana sa tabi ko. Sinalubong ako ng malamig at nagngangalit na hangin.

"Anong gagawin mo?" narinig kong tanong ni Justin.

"I'm taking a good aim!" sigaw ko. Lumuhod ako sa upuan. Makirot ang sugat ko, pero ininda ko lang. Bahagya kong inilabas ang katawan ko at iniumang ang baril. I fired at the car's wheel, but missed.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nagbaba ng bintana si Apollo.

"I think it's heading to District Five!" sigaw nito. Wala siyang kasama sa sasakyan.

I didn't think it was heading to District Five because it really was.

I fired another shot and hit the side mirror. Mukhang alam ng mga sakay nito ang binabalak ko.

"Itigil mo nga 'yan!" utos ni Justin. "We need them to lead us to their den."

Bumalik ako sa pagkakaupo, pero hindi ibig sabihin no'n na tatantanan ko ang itim na kotse. Bibigyan ko lang si Justin ng magandang rason para 'wag akong pigilan sa pinaplano ko.

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon