Chapter 12 - Alexander Santiago

106 4 0
                                    

Mabilis kong kinuha ang unang baril na nakita ko sa loob ng aking bag, pero bago ko pa iyon maitutok sa kanya, naipangko na niya ako sa pader.

Pinilit kong kumawala, pero sadyang mas malakas siya sa akin. Hawak niya ang dalawa kong kamay sa itaas ng aking ulo gamit lamang ang kanan niyang kamay. Inagaw naman ng kaliwa niya ang baril na hawak-hawak ko pa rin.

Sinuri niya ang baril. Tsaka ko lang napansin na ang Berettang ipinahiram sa akin ni Apollo ang nakuha ko.

"Bitiwan mo ako," mariin kong sabi.

"At ano? Sisigaw ka? Walang Apollo na magliligtas sa 'yo."

Nagtiim ang mga bagang ko. Sa kamay ba ng lalaking 'yon ang magiging katapusan ko?

Matagal ito bago nagsalita. Pinakatitigan lang ako nito. Ganundin ang ginawa ko.

Ang mga mata niya...katulad na katulad ng mga mata ni Apollo. At...hindi man mahahalata sa unang tingin, pero sa malapitan mapapansin ang pagkakahawig ng dalawang lalaki. Hindi kaya...

Umismid ito. "Ano bang nakita sa'yo ni Apollo at patay na patay sa'yo ang taong 'yun? Sabihin mo nga."

Sinagot ko siya ng sarili kong katanungan. "Sino ka ba talaga, Alexander Santiago?"

Pilit itong tumawa. "Yeah. That's my name. Santiago," sabi nito tapos nakangising umiling.

Problema nito?

"Alam mo bang ako dapat ang kasama mo ngayon sa kasong ito at sa marami pang kasong kasama mo ang mayabang mong partner?"

Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi ito sumagot sa halip, siniil ako ng isang halik sa labi.

Tigagal lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa ilayo niya ang mukha niya sa akin.

"Noon ko pa sana nagawa 'yan, eh kung hindi lang sinira ng magaling kong kapatid ang diskarte kong makapasok sa PUGITA," anas nito.

Segundo ang lumipas bago ko naproseso ang sinabi niya. Sinong kapatid ang tinutukoy niya?

"Sino ka ba talaga at ano ang kinalaman mo sa mga nangyayari sa lugar na 'to?"

Sumeryoso ang mukha nito. "'Yun ba ang iniisip mo?"

Nang hindi ako sumagot, binitiwan na rin niya ako. Tinalikuran niya ako at humakbang palayo sa akin. Agad kong kinuha ang baril ko sa loob ng bag at itinutok ito sa kanya. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko dala ng pagkakangalay dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.

"And now, you're pointing a gun at me," sabi nitong huminto sa paglalakad. Humarap ito sa akin at ibinalik ang Beretta sa akin.

Kinuha ko iyon nang hindi ibinababa ang hawak kong baril.

"You should see your face right now. It can hardly be read," sabi nito at tinalikuran na muli ako. "Hindi mo na sana tinanggap ang kaso. Masyadong delikado para sa 'yo." Narating nya ang railings ng terrace at sumampa roon.

Sandali...'wag niyang sabihing tatalon siya doon?!

Saglit niya akong nilingon. "Pero dahil andito ka na lang din naman, mabuti pang bayaran ko na ang matagal ko nang utang na loob sa 'yo." 'Yun lang at tumalon na ito.

"Shit!" mabilis kong tinakbo ang terrace at sumilip sa baba. Nasa 2nd floor ang kwarto ko for Christ's sake! Ten feet din 'yon!

And unbelievably, Alexander landed safe in the ground. I saw him ran to the mansion's front yard.

Isighed. Alexander Santiago, sino ka ba talaga?

Agent Night (Tagalog |  Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon