Inihatid kami ni Ben sa isang kubo kung saan pinatuloy kami ni Sara. Maliit lang ang kubo. Tamang-tama para sa tatlo hanggang limang katao. Wala rin masyadong kasangkapan bukod sa isang mahabang upuang kawayan at mesang gawa sa kahoy.
"Pasensiya na at maliit lamang ang bahay naming magkapatid," bungad nito na ni hindi man lang ngumingiti. "Ben, ihanda mo ang kwarto mo at doon matutulog itong si...Anong pangalan mo?" tanong ni Sara kay Justin.
"Justin." Matipid na sagot naman ng kasama ko.
"Ako naman si Anicka," pagpapakilala ko naman, subalit hindi ko inaasahan ang isinagot niya.
"Kilala na kita. Madalas kang mabanggit ng magkapatid noon," sabi nito at pumasok sa isang kwarto. "Dito ka sa kwarto ko."
Nilingon ko si Justin na nagkibit-balikat lang. Pareho naming alam kung sinong magkapatid ang tinutukoy niya.
Ilang oras muna kaming nagpahinga bago kami muling tinawag ni Sara para kumain. May mga ipinahatid daw na pagkain ang kanilang Amang para sa amin. Sa muli, hindi naming maiwasang hindi magtiwala. Pero wala rin naman kaming nagawa kundi ang punuan ang kumakalam naming mga sikmura.
Pagkatapos kumain, sinubukan kong tawagan si Xander para makibalita, pero walang signal sa cellphone ko. Sinubukan ko pa ngang lumabas para magbakasakali, pero wala, eh.
Pabalik na sana ako sa kubo ng may biglang humigit sa akin. Hindi na ako nakasigaw dahil tinakpan ng pangahas ang bibig ko. Nung binuhat ako ng walang'ya at mabilis na naidala sa malayo, tsaka ko lang na-realize na si Alexander ang tumangay sa akin. Which turned out, I was correct.
"Gago ka ba?!" singhal ko sa kanya nang bitawan niya na ako. "Bigla-bigla ka na lang nangingidnap!"
"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Bakit naparusahan ng ganoon si Vincent?"
Bagaman hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa dilim, alam ko namang bad trip na naman siya dahil sa tono ng pananalita niya.
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Eh, hindi naman ako ang bumugbog sa kanya." Asik ko rin.
"Kayo ang dahilan kung bakit siya naparusahan. Ano bang kailangan niyo sa kanya?"
"Siya ang huling taong hinanap ni Senior Agent 7 bago mamatay. Is that good enough answer for you?" Bwisit 'tong lalaking 'to.
"Senior Agent 7," pag-uulit pa niya na parang nambubwisit pa lalo. "He betrayed you, pero ganoon mo pa rin siya igalang."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "And I cannot make up my mind how to treat you: friend or foe?"
Narinig kong umismid siya. "Matapos ko kayong tulungan?"
"Yeah, yeah. Magbilangan tayo ng mga nagawa natin." I said sarcastically.
Marahas siyang bumuntong-hininga. "Okay, makinig ka sa akin. Hindi kayo makaaalis dito hangga't hindi niyo malalagpasan ang pagsubok na inihanda sa inyo ni Amang."
"Pagsubok? Anong pagsubok?"
"Hindi ko pwedeng sabihin. Ang mahalaga kailangan niyo lang magkaroon ng bukas na isip at matatag na loob. You're brave, Anicka, but we'll see how much." He said before I heard fast retreating movements. 'Yun pala, iniwan na ako.
I came back just in time papasok si Sara. Napansin ako nito na ipinagtaka niya.
"Saan ka galing?" tanong nito.
"Ah, naghanap ng signal. Kaso wala, eh." Sagot ko. Well, totoo naman.
"Hindi umaabot ang signal ng cellphone dito," aniya at nauna ng pumasok sa bahay.
I was anxious that night, thinking about what the challenge would be as according to Alexander. Hindi ako mapalagay sa kaiisip eh, baka ginu-good time lang ako nun.
Pabaling-baling ako sa papag. Buti na lang at hindi nagigising si Sara sa galaw ko. Nagdesisyon akong bumangon at lumabas para sana magpahangin, pero nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Tumambad sa akin ang isang lumang panaginip.
Lumabas ako ng kwarto patungo sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy at semento. Lumingon ako sa likuran ko, pero wala na 'yung pinto ng kwarto ni Sara. Sigurado rin akong wala na ako sa kubo.
Inilibot ko ang aking paningin. Maganda ang bahay. Kumpleto sa mga kasangkapan. Sa isang bahagi, kapansin-pansin ang isang estatwa ng babae. Helen of Troy.
Isa lang ang pumasok sa isip ko sa pagkakataong 'yun: naroon ako sa bahay namin bago pa man ito nasunog.
Hindi nagtagal, nakarinig ako ng mga boses na nagtatalo mula sa ikalawang palapag ng bahay. Mabibilis ang mga hakbang na pinanhik ko ang hagdan. Hindi pa man ako nakakarating sa pinakaitaas na baitang, nakarinig na ako ng malakas na putok ng baril. Natigilan ako.
Dahan-dahan kong binagtas ang huling baitang ng hagdan. Maingat akong naglakad patungo sa isang kwartong nakasiwang ng bahagya ang pinto.
Sumilip ako sa pinto at bumungad sa akin ang isang hindi inaasahang pangyayari.
Sa isang malaking kama, nakahandusay ang wala ng malay na isang lalaki. May tama ito ng bala ng baril sa dibdib. Sa paanan niya ay isang babae, umiiyak at may tangan-tangan na sanggol. Sa kabila ng mga luhang namimilibis sa mga pisngi niya, may kung anong tapang ang nabasa ko sa mga mata niya. Sa kanyang harapan, nakatayo ang dalawang lalaki. Ang isa ay hawak ang baril na kumitil sa buhay ng lalaking nasa kama. Ang isa nama'y marahas na inagaw ang hawak na sanggol ng babae. Sa pagkakataong iyon, mula sa tapang ay naging pagmamakaawa ang mababasa sa mga mata ng babae.
Bagaman wala akong naririnig na anuman, nababasa ko naman sa kumpas ng mga kamay ng babae maging sa pagbukas-sara ng kanyang mga labi ang labis na pagmamakaawa upang huwag idamay ang kanyang anak. Tinupad naman ng dalawang lalaki ang hiling nito bagaman kapalit naman noon ang buhay niya.
The woman died thinking about the safety of her child.
Hindi ko namalayan ang pag-agos ngmga luha mula sa mga mata ko. It was my mother. The mother who died thinkingabout my safety on the mercy of their killers.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...