Hindi madali ang bumyahe nang naka-motor lang lalo na't higit na malayo ang District One mula sa District Zero kumpara sa District Five. Makailang beses akong nag-stop over para magpa-full tank ng motor ko at magpahinga na rin. Kung maaari, tuluy-tuloy lang ang pagbyahe ko dahil mahirap nang ma-ambush. Hindi pa man din ako mapalagay at tila may sumusunod sa akin. Sinusubukan kong hanapin kung sino 'yon tuwing humihinto ako, pero wala akong matyempuhan.
Alas nwebe na ng gabi, nasa kalsada pa ako. Dalawang siyudad na lang sana ay nasa St. Joseph Hospital na ako, pero nagpasya na akong huminto at mag-check in sa isang inn. Hindi ko na kasi matiis ang pagod dala ng mahabang byahe. Nakakaramdam na rin ako ng pananakit ng ulo dala pa rin marahil ng nakaraang insidente.
Hindi naman kalakihan ang inn na pinag-check in-an ko. Tama lang sa apat na palapag na building, parking space at maliit na garden sa likuran ng building.
Pagpasok ng silid, agad kong inilibot ang paningin sa paligid. Ang single-size bed ay nasa kanang bahagi ng silid at nakasagad sa sulok. Mayroong maliit na drawer na maaaring paglagyan ng mga gamit. Ang CR ay nasa kaliwang bahagi ng silid. Nasa tabi ng pinto nito nakasabit ang isang salamin. Mayroon ding pinto na magbubukas sa terrace na tumatanaw sa garden. Hinayaan ko lang na nakasara iyon.
Inilapag ko sa ibabaw ng drawer ang tanging mga gamit na dala ko—helmet, susi at mga armas—tsaka pabagsak na nahiga sa kama.
Haaayyy. Insanity. My life was.
Bumangon din ako agad nang maaalala ang binigay sa akin ni Dominic noong umaga. Kinuha ko iyon sa bulsa sa loob ng denim jacket ko. Inilatag ko iyon sa kama at kinuha ang isa sa mga kutsilyo. Ibinalanse ko iyon sa kanang palad ko.
Hmm. May kagaanan. Gawa sa silver ang mga kutsilyo. Matatalim din ang mga ito na parang kahahasa lang.
Inilibot ko muli ang tingin, pero walang nakitang dart board sana para malaman kung gaano katatalim ang mga iyon.
Then I noticed a shadow casted beneath the door. Nagbilang ako ng sampu at hinintay na kumatok ang nagmamay-ari ng aninong 'yon, pero walang kumatok. Mukhang may paggagamitan ako ng mga armas ko.
I dropped the knife and took the Browning on the drawer, clicked off the safety and chambered a round. Dahan-dahan akong lumapit sa kaliwang panig ng pinto at isinandal ang aking likod sa dingding. Habang nakaambang ang baril, pinakikiramdaman ko ang paligid. Tila nagta-type sa cellphone ang kung sinumang nasa labas.
Hawak ang baril sa kanan kong kamay, mabilis na pinihit ng aking kaliwa ang seradura at binuksan ang pinto. Still behind the safety of the wall, I pointed the gun to whoever was outside.
"Hey!" Nagulat na sambit ng kung sino.
Lumabas na ako mula sa likod ng dingding nang hindi ibinababa ang baril. Justin was there, raising an eyebrow at me while his hands were up.
I rolled my eyes and put the gun down.
"Should you point a gun at me at short range, inform me next time." Ibinaba na rin niya ang mga kamay at dire-diretsong pumasok sa kwarto.
"Ikaw 'yung kanina pang bumubuntot sa 'kin." I made it a statement. Isinarado ko na ang pinto at nakapamewang na hinarap ang aking bisita.
"Yeah. I thought your incredible senses failed to notice." Hindi niya inaalis sa cellphone ang tingin. Nagta-type lang ito.
"Who sent you? Xander?"
Tinapos niya muna ang pagti-text at kapagdaka'y ibinulsa na ang cellphone at tumingin sa akin.
"No," sagot niya.
"Dominic?"
Umiling siya habang nakangisi. Mukhang pinagti-tripan na naman ako ng kumag.
"Sasabihin mo o kakaladkarin kita palabas dito?" banta ko na ikinatawa lang niya.
"Ang init ng ulo mo," komento pa niya. Bwisit lang. "Dos sent me."
Pinagkunutan ko siya ng noo. "Dos?"
Ano namang kailangan sa akin ng matandang 'yon?
"Yep. He told me to tail you. Hindi raw safe na lalakad ka lang mag-isa."
I thought, seriously?
"But I already told you if ever I found the location of that goddamn diamond, I won't share it to anyone. The information will die with me if necessary."
Bumuntong hininga siya. "Si Dos ang senior sa inyong dalawa. Natural siya ang susundin ko hindi ikaw."
Nahilot ko ang sentido ko sa unti-unting pananakit ng ulo. Parang kailangan ko na talaga magpahinga.
"Fine. Do everything he tells you. Just go out. Kailangan ko na magpahinga. I'll deal with you tomorrow." Taboy ko sa kanya.
"Besides, you will need my car. Sinabi rin sa akin ni Dos na nilagyan ng tracker ang motor mo. Meaning PUGITA is monitoring the places you will go to and that means blowing up your plan."
I sighed exasperatedly. Agent Zero was getting into my nerves.
Lumabas na si Justin at mukhang nakapag-check in ito malapit sa kwartong tinutuluyan ko. Paglabas niya, ni-lock ko na ang pinto. Inalis ko na ang suot kong jacket pati na rin sapatos. Ini-off ko ang ilaw bago nahiga. Hindi ako sanay matulog nang may ilaw.
Katabi ang Browning na ini-on ko ang safety, pinikit ko na ang aking mga mata at hiniling na makatulog ng mahimbing.
Nanaginip ako. Nasa District Five na naman daw ako at tinatanong ni former Agent 7 tungkol sa painting—ang ika-labintatlong painting ng tatay ko. Then pumasok daw sa silid si Apollo. Hindi na raw siya ang Apollo na kilala ko. Isa na siya sa kanila, bampira. Tinatawag daw niya ako. Hindi siya makalapit sa akin sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa mapunta raw ako sa inn na pinag-check in-an ko. Lumabas raw ako sa may terrace at dumungaw roon. Tsaka ko lang na-realize na hindi na pala ako nananaginip.
Nag-re-remote viewing na naman pala ako, hindi ko namalayan.
Pinilit kong magising na nagawa ko naman. Bumangon ako at kinuha ang baril sa ibabaw ng drawer. Naka-off ang lahat ng ilaw maging ang bedside lamp kaya't madilim sa loob ng kwarto, subalit hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw, salamat sa matalas na night vision ko.
Tinungo ko ang pinto palabas ng terrace at binuksan iyon. Lumabas ako at dumungaw mula roon. Something or someone was hiding behind the shadows of the big mango tree in the garden. Hindi ko man maaninag, malakas naman ang pakiramdam ko na mayroon ngang nakatago roon at marahil ay nakamasid sa akin.
Humawak ako sa railings habang pilit na inaaninag ang bahaging iyon ng garden. Nabawi ang atensiyon ko ng nakapa kong papel.
Sticky note. How romantic.
Hindi naman mahirap basahin ang nakasulat sa sticky note dala ng liwanag na nagmumula sa isang kalapit na silid.
How's the Night?
The note said. At hindi palaisipan sa akin kung sino ang nagpadala nun.
Ibinalik ko ang pansin sa kaninang inaaninag kong bahagi ng garden. Gusto kong ngumisi, pero pinigil ko ang sarili ko.
The Day was near.
BINABASA MO ANG
Agent Night (Tagalog | Complete)
ParanormalFour dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt mark in each dead missing body. With a trusted team member missing, a partner who nearly died because...