Austin's POV
6:30 ng umaga nang matapos akong kumain at magbihis. Pahirapan pa 'kong sundin ang nakitang tulorial sa You Tube kung pano magtali ng necktie. Ang hirap namang kasi ng gawin 'pag suot ko, nakakalito kong saan ang iikutin at alin sa dalawa ang bubuhulin. Nakatatlong beses din akong umulit dahil kung hindi maiksi ay hindi ko naman mahila para sikipan. Hindi kasing linis at ganda tignan ng huling ginawa ko, tulad ng napanood-pero ayos na 'to! Ayoko na, ang sakit na ng batok ko kaka-yuko.
Minasahe ko ang nangalay na batok habang naglalakad papuntang main door. Nagulat ako sa lalaking bumungad sa'kin pagbukas ko ng pinto.
Si Dos! May dalang bulaklak! O_O
Teka nanaginip ba ko?! Ilusyon? Sakto naman ang tulog ko kagabi ah, ba't parang bangag pa ata ako ngayon?!
"Good morning.", medyo alanganing bati n'ya sa'kin.
"G-good morning din.", gulat na gulat na bati ko naman sa kanya, hindi maalis ang paningin sa dalang malaking boquet ng mapupulang rosas na may mga bilugang ginto sa gitna.
Chocolate ba yun?
"For you.", hindi ko napigilan ang tumakas na ngiti nang I-abot n'ya sa'kin ang hawak na boquet.
Ay, shuta ka!
Umawang ang mga labi n'ya, hindi pa rin inaalis ang paningin sa'kin. Agad naman akong napakunot nang mapagtanto ang katangahang nagawa. Klinaro ang boses habang tinatanggap ang inabot na bulaklak.
"A-anong meron? Ba't maypa-ganito?", kunwaring hindi interesado kong tanong. Isinukbit n'ya ang magkabilang kamay sa bulsa.
"Unang araw bilang manliligaw mo.", biglang sumilay ang pilyong ngiti n'ya dahilan para maghurnamentado nanaman ang puso ko.
Susko! Ang aga-aga eto nanaman po tayo! >~<
Manligaw daw, tinagalog! Tagalog na s'ya bhie! 'Nu gagawen?
"Tara?", Aya n'ya, napakunot naman ako.
"Sa'n tayo pupunta?", wala sa sariling tanong ko nang bigla naman s'yang matawa. Napaatras ako nang ipatong n'ya ang kabilang kamay sa may frame ng pinto at yumuko para ilapit ang mukha sa'kin.
"Bakit, sa'n mo ba gustong pumunta?", may halong panunukso na tanong n'ya gamit ang malalim na boses. Napalunok ako.
Himala, napapadami ang tagalog n'ya ngayon ah. Bwan ng wika ba ngayon?
"W-wala! Sa room, may pasok kaya!", naiilang na sagot ko, hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Ngumisi s'ya. "Akala ko may iba kang gustong puntahan eh. Sinusundo lang naman kita."
Suskopo ba't ang gwapo ng tagalog n'ya?! Hindi na makatarungan 'to! Nasa'n ang hustisya?! >-<
"H-hindi ah! Papasok ako!", Dinakma ko ang mukha n'ya at mabilis na nilayo sa'kin.
Hindi ko na talaga kaya! Ikamamatay ko talaga ang lalaking 'to! >///<
"T-teka, iwan ko lang muna 'to sa loob.", nagmamadaling paalam ko saka dali-daling pumasok sa loob. Mukhang may balak pa sana s'yang sumunod nang bigla ko s'yang pagsarahan ng pinto.

BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...