Chapter 3

83 2 0
                                    

A/N Yes, I also updated this part and made some changes, 😊 Continue reading guys!

********************************

Nagiwas ako ng tingin ng mapansin kong nagawi ang tingin nila sa pwesto namin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Bee.

"Hey, something wrong? Bakit bigla kang namutla? Gutom ka na ba talaga? If you want sa restaurant na tayo kumain?" Umiling na lang ako sa tanong nya kung alam mo lang Vinn nawala ang gutom ko dahil binalot ako ng kaba..

"I'm okay bee... Hindi sa unit na tayo kumain." then I smile

Agad ko namang nilibot ang paningin ko pagkatapos naming magbayad. Mabuti nalang at wala na sila hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan after what happened.

Nakarating kami sa unit ni bee ng matiwasay. Inilapag nya ang pinamili namin at agad naman akong dumiretso sa kwarto nya may mga damit na din kasi ako dito dahil madalas akong magstay dito. Agad naman akong pumasok sa CR para magayos. Binuksan ko ang gripo at dinama ang malamig na tubig na umaagos sa aking katawan then memories flashback in my mind...

[Flashback]
"I love you to infinity and beyond, You will always be my girl Fatima Sheyn Bautista" I smile with those sweet words. The first man who makes me feel how special I am.

"Happy 2nd Anniversary babe" then I kissed him, with this man beside me everything seems so perfect. Until the day he left me... Broken...

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Vinn sa labas..

"Di ka pa ba tapos? Masyado ka ng matagal dyan sa loob. Sabi ko sayo magpahinga ka muna bago ka maligo wag mong sanayin na laging ganyan."

Hayy... Bakit kailangan ko pang bumalik sa nakaraan... Tapos na.. Wala ng kami...

"Bee malapit na akong matapos dito antayin mo nalang ako sa baba" I replied back,

"Okay bilisan mo ha?" at narinig ko ang pagsarado ng pinto. Ano bang nagyayari sa akin? Parte na sya ng nakaaraan, parte na sila ng nakaraan... Mabilisang pagkilos ang ginawa ko sinuot ko ang oversized shirt ni Vinn at isang shorts.

Pagkababa ko agad kong naamoy ang niluluto ni Bee. Pagkapasok ko sa kusina ay tumambad sa akin ang nakatalikod na shirtless na katawan ni Vinn.

I cleared my throat to get his attention: "Sabi ko sayo lagi kang magdadamit kahit sando lang di porket biniyayaan ka ng ganyang katawan e ibabalandra mo na yan dito.. Kahit papaano may kasama ka pa ding babae" lumingon naman sa akin si Vinn habang kumakamot sa kanyang batok.

"E ang init kasi e di ko nabuksan agad ung aircon pagpasok at tsaka naka-apron naman ako e... Parang di ka naman nasanay sa akin lagi naman akong nakatopless kapag nandito e at tsaka tayong dalawa lang naman nandito e. YOU and ME, ALONE" then he smirked naramdaman ko ang pagakyat ng dugo sa aking mukha ano ba naman tong lalaki na to!

"Ewan ko sayo mister! Basta magdamit ka bago tayo kumain kailangan nakabihis ka na" narinig ko ang kanyang pagtawa.

Kumuha ako ng kubyertos pati baso at softdrinks. Si Vinn naman ay naghanda ng lalagyan para sa kanyang specialty na bibimbap at spicy chicken parehas kaming mahilig sa maanghang at pagkain talaga ang una naming napagkakasunduan. Pagkatapos naming ibless ang pagkain ay sinalinan ko ng softdrinks ang baso nya at magsisimula na sanang kumain ng maramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Vinn.

"Baka malusaw naman ako sa mga titig mo mister dy" sabay ngiti ko sa kanya.

"Ang sarap mo lang tignan lalo na kapag malapitan. Suot mo pa yung damit ko at pinagsisilbihan mo pa ako. One week ko din na di naranasan to, lagi kasi tayong sa labas kumakain e. I just realized how lucky I am to have you"

I smiled at him, "Ano bang nakain mo at sobrang sweet mo ngayon?" Then I look at him intently "Don't tell me may ginawa kang kasalanan at ganyan ka na naman kasweet sa akin?"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko, "Kapag sweet may kasalanan agad di ba pwedeng natural lang na sweet ako sayo?"

I shake my head from left to right "Last time that you've been like this ay dahil di mo nasabi sakin na umalis kayo nila Marcus, what it is this time?"

He just laughed: "I never see that coming, yung kay Marcus last time nagkataon lang talaga un. Tsaka diba nga sabi ko sayo biglaan un? Kinidnap nila ako sa office tapos naiwanan ko phone ko nun. I swear I didn't do anything, di ko lang kasi masabi sayo in full detail kung ano ginawa namin kasi nasa brotherhood code namin un. Malalaman mo din at the right time." Pageexplain nya sakin,

"Osya sige na kumain ka na mister alam kong gutom ka na" I saw him na napailing nalang dahil nagchange topic ako kaagad, ewan ko ba sa mga brotherhood code code na nya loyalty talaga sa friendship nila e, pagkatapos nun ay wala ng nagsalita sa amin at nabalot ng katahimikan ang unit ni Vinn tanging kubyertos nalang ang naririnig ng biglang magsalita si Bee.

"Oo nga pala kanina sa supermarket parang may napansin ako..." I automatically look at him

"A-ano bee?" nauutal kong tanong, Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong dapat ikatakot hindi ba?

"Nah! Nevermind baka nagkakamali lang ako." sabay subo nya ng kanin at ngiti sa akin.

"Naku ha! Baka naglilibot lang yang mata mo sa supermarket kanina! Sinasabi ko sayo mafifirst class ka sakin" Sabay tingin ko sa kanya ng masama. Tawa lang ang sinagot nya sa akin. Hayyy I am definitely inlove with this man.

But something's bothering me...

Please sana hindi mangyari ang kinakakatakutan ko... Wag naman sana ngayon di pa ko handa na harapin sya at kahit sino sa pamilya nya.

--

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon