Chapter 6

66 1 0
                                        


Flashback

"Hey babe let me help you with that"

"Chanz I can do this okay? Gusto ko ako maglagay ng mga kitchen utensils dito sa unit mo dahil ako din naman ang gagamit ng mga ito." he suddenly pinched my nose

"Sige na nga Fatima ikaw ang bahala. Ikaw lang ang may karapatang magluto dito sa area na to at ang living room sa akin! Hahaha" akmang tatakbo na sya papunta sa living room ng pingutin ko naman sya agad.

"Hey! Chanz Timothy.." pagbabanta ko sa kanya "No more video games tulungan mo muna akong magayos kakalipat mo lang yan agad aatupagin mo, kung di mo piniling humiwalay kila Tita Estrell e di sana pwede kang maglaro anytime." Sumimangot naman agad sya

"I told you gusto kong maging independent masyado na akong nakukumpara kay Kuya Tom."

"Bata ka pa kasi kaya mas nakukumpara ka sa kanya e kasi diba yung kuya mo 18 palang nung sinubukan na nyang itake over yung company nyo?" tanging tango lang ang sinagot nya sa akin. Hayys kahit kailan talaga lakas ng epekto nya sakin lalo na kapag ganyang para syang kawawang tuta.

"Alam mo talaga kung paano mo ako mapapapayag sa mga bagay bagay. Oh sya sige pagkatapos natin dito pwede ka ng maglaro ng video games habang ako e magbabake para sa meryenda natin? Okay ba yun?" Agad naman syang ngumiti ng pagkatamis tamis at hinalikan ako sa pisngi sabay bulong ng "Iloveyou Fatima Sheyn Bautista-Sanchez, Iloveyou babe"

Isang malalim na buntung hininga ang nailabas ko dahil sa pait ng nakaraan. Lagi ko na namang naaalala ang mga bagay bagay na di na dapat inaalala pa. It's been one week ng makita ko sya at laking pasasalamat ko at di na muling nagkrus ang landas naming dalawa. Exactly 8 in the evening at kakauwi ko lang galing office agad kong binuksan ang skype ko para antayin ang pagonline ni Bee. Nandito ako sa study table ko sa loob ng kwarto hindi naman ako nabigo ng mga ilang minuto lang ay nagrequest ng.video call si Bee agad ko naman itong inaccept.

Tumambad sa akin ang topless na si Vinn with his morning face na tayo tayo pa ang copper brown nyang buhok. Bakit ganun? Ang gwapo nya pa rin kahit bagong gising sya.

Nakahiga pa sya sa kama nya at nakapikit ang isang mata. Agad namang nagreact ang buo kong katawan ng magsalita sya. "Hi beautiful, good morning" Oh em G! Bakit ka ganyan? Bakit mo ako pinapahirapan Vinn Lorenzo Dy!

"Ha-Hi good morning handsome" sabay pagakyat ng dugo sa aking mukha.

"Hey you're blushing boo, enjoying the view?" agad naman akong umiling at umirap sa kanya

"Tse! Magsuot ka nga ng pantaas mo mister! Alam mo namang kakausapin mo ako hindi ka man lang nagdamit!" tanging pagtawa nalang ang sinagot nya sa akin

"Hey, I love seeing you like that, You really miss me don't you?" then he smirked.

"Too much confidence huh?" nginitian lang ako ng mokong! Pero ang mga sumunod nyang sinabi ang syang nagpaalburoto ng buo kong sistema

"Cause you know what? I miss you so damn much baby, I really am" with a sad face. Agad naman akong napatayo sa upuan at pumasok sa banyo. Nagtatatalon ako at nagsisisigaw para mailabas ko lahat ng kakiligan dito sa katawan ko the way he say those words damn!

Nakakaasar miss na miss ko na rin sya! Pagkabalik ko sa study table ay.nakita ko na syang nakaupo sa kama nya wearing a worried face "Hey baby are you okay? Bakit bigla kang tumakbo sa banyo mo? Masama ba pakiramdam mo? I guess you need to take a rest masyado mo na atang pinapagod ang sarili mo" sunod sunod nyang sabi sa akin naku kung alam mo lang dahil sa kilig kaya ako pumunta sa banyo.

Iniling ko ang aking ulo bilang hindi pagsang ayon sa sinabi nya "Are you sure? Naku wala pa naman ako dyan para alagaan ka" Napangiti naman ako sa inasta nya.

"Baby I'm okay, wag mo akong alalahanin basta ang intindihin mo ay yang negosyo nyo dyan para matapos mo na agad at makabalik ka na dito." Nakita ko naman kung paano sya sumaya sa mga sinabi ko.

"Baby... Iloveyou malapit na kaming matapos dito dahil isang boss nalang ang kailangan para maisagawa na namin ang plan. After ng meeting mamaya pupunta kami sa oklahoma to visit some sites. At sana magustuhan na nila yun then maybe the day after tomorrow e nandyan na ako para ipower hug ka!" at umakto pa syang ihuhug ako.

Akmang gagayahin ko sya ng biglang may kumatok sa pintuan. "Baby buksan mo." pagkatayo ko ay binuksan ko ang pintuan at bumalik sa study table sumilip naman ang ulo ng napakagaling kong kapatid na si Kuya Elton.

"Hey lil sis, are you busy?" istorbo naman si kuya e nagmomoment ako kay bee e.

"No kuya, I'm just talking with Vinn why?" Pumasok naman si kuya at binati si Vinn "Yow bro! Musta San Francisco? Balita ko maraming chickas dyan ha? Naku uso one night stand dyan! Uwian mo ako ng foreigner para may maka-date naman ako!" Binatukan ko naman agad si kuya dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Kuya! Wag mong itulad si Bee sayo! Good Boy yan di tulad mo!" Agad naman nabaling ang tingin ko kay Vinn at pinanglakihan ko sya ng mata. Tanging tango lang ang sinagot nya with his famous smirk. Aba!

"Hoy Vinn Lorenzo Dy! Subukan mong mambabae dyan may mapuputol talaga ako sayo!" Narinig ko naman ang pagtawa ni kuya sa tabi ko agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Grabe ka bunso inaunder mo yang si Vinn? Naku ayaw pa naman din naming mga lalaki yung mga babaeng ganyan kasi natatapakan yung ego namin."

Hayy naku nagdrama pa si kuya. "Alam mo Kuya Elton hindi ko sya inaunder pinapaalalahanan ko lang naman sya at ikaw kaya walang sumeseryoso sayo e kasi panay monitor ang kaharap mo. Kung mambabae ka naman e akala ko bagong software na tinetesting mo pa? Tapos gagamitan mo ng pagiging IT mo? Alam na nating nasa modern world na tayo at karamihan sa atin e alam na ang basic when it comes to.computer e ikaw gagamitan mo pa ng binary codes at kung ano ano pang formula habang kinakausap mo yung babae malamang sa computer lang din bagsak mo kasi kayo lang magkakaintindihan nun!" then I cross my arms. Narinig ko ang sabay na pagtawa ni Vinn at Kuya Elton.

"Hayy naku little sister kita mo yan? Sa sobrang pagbabantay mo sa akin e halos vocabulary na ng IT yung mga pinagsasabi mo. Kitams! Makakahanap din ako ng kamatch ko hindi pa nga lang sa ngayon."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni kuya. "Hayy naku kuya e paano nasa tabi mo na binabalewala mo pa." Sabay tingin ko kay Vinn.

May bestfriend kasi yang si kuya na halos lagi nya ng kasama mukhang tinamaan na sa kanya si Ate Kiel kaso itong kuya ko frini-friendzone lang naku baka pakawalan nya pa yun? Konting make over lang kay Ate Kiel e gaganda na yun. Paano naman kasi ang suot na eyeglasses makapal pa sa pwet ng baso.

"At teka nga kuya, bakit ka ba nandito? Humahaba na ang paguusap natin e ano bang mission mo at pumunta ka dito sa kwarto ko?" At isang nakakamatay na tawa lang ang sinagot sa akin ng magaling kong kapatid.

"Di pa ba obvious little sister? Nandito ako para sirain ang moment nyo ni Vinn. Paano narinig ko yung pagtili mo sa banyo kanina." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya, Oo nga pala magkatabi kami ng banyo ni kuya. Napatingin ako sa monitor ng desktop ko at nakita ko sa mukha ni Vinn ang pagkagulat at the same time pagkamangha sa rebelasyon ni kuya. Naramdaman ko ang pagiinit ng buo kong mukha. Sh*t ka Kuya Elton!

"Boo, now I know... Mukhang kailangang sound proof ang magiging banyo natin para sa tuwing kikiligin ka e makakatakbo ka agad sa banyo." Sabay tawa ng malakas.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Vinn at kasabay nun ang pagtulak ko kay Kuya Elton palabas ng kwarto ko. Akmang isasarado ko na ang pintuan ng biglang may sabihin si Kuya na syang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Oo nga pala gustong makipagkita nila Charms. Nakabalik na sila, nandito na ulit sya.

AN: David Elton Bautista in the Multimedia

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon