Chapter 8

51 1 0
                                        

Totoo nga? Marami na ang nakakakita sa kanila. Sa supermarket si Ate Charms at ang pamilya nya akala ko sila lang pero nung nasa eastwood ako alam kong si Chanz yung lalaking nakita ko na may kausap na babae at nung isang gabi si Kuya Elton na ang mismong nakausap ni Ate Charms at ngayon si Ren na alam ko namang dakilang tsismosa na kaibigan ko.

Unti unti ng lumalapit sa akin ang pinakatatakutan ko.

"Okay" kaswal na sagot ko kay Ren na kasalukuyang umiinom sa kanyang tasa.

"Okay lang? As in? Okay? Nakamove on ka na? Wala ng bitterness? Pwede na kayong magusap? Yan ba ang ibig sabihin mo ng O K A Y?" at matalim nya akong pinagmasdan.

Okay nga lang ba na magusap kami? Magkita? Siguro? Nakamove on na nga ba ako? Oo? Hayys ano ba yan! Ang gulo!

"Alam mo ren everything happens for a reason e di bahala na si batman, superman, lastikman at sino pa man, kung sakaling magkita kami o magkrus ang landas naming dalawa." Taas noo kong sinabi sa kanya.

"Okay Fatima Sheyn Bautista, Isang tanong Isang Sagot..."

"Ano?!"

"Mahal mo pa ba si Chanz?" and BOOM! She hit the button! That's the question, Mahal ko pa ba sya?? Nanlaki ang aking mata at umiwas ng tingin kay ren bago ko sagutin ang tanong nya.

"Hi-hindi na!" isang nakakamatay na tingin naman ang sinagot sa akin ni Ren.

"Siguraduhin mo lang Fatima at pagnagkataon papaano na si Vinn?" agad akong napatingin sa kanya.

"A-anong meron kay Bee?" utal na tanong ko sa kanya.

"Paano na sya kung sakaling makapagusap na kayo ni Chanz? Paano na si Vinn?" Natulala ako sa kanya, bakit? Ano bang mangyayari? Bakit may ganitong follow up question?

"Walang mangyayari sa amin ni Bee, wala... Kung sakali man na makapagusap kami ni Chanz si Vinn pa din ang pipiliin ko..." Si Vinn pa din diretso kong sinabi kay ren, agad naman ngumiti si ren at binago yung topic na pinaguusapan namin.

Ngunit di parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Ren sa akin. Alam ko mahal ko si Bee wala akong duda doon ang syang kinakatakot ko ay kung ano ang magiging reaksyon ko kung sakali ngang magkrus ang landas namin ni Chanz?

Pagkatapos naming tumambay sa tea house ay dumiretso kami ng mall to pamper ourselves. Di na namin namalayan ang oras at pasado alas otso na ng gabi.

Hinatid ako ni Ren sa bahay at binilinan na magkita nalang kami sa The Dark Room ang pagmamay-ari na bar ni Alex na syang matalik na kaibigan ni Vinn. Pagkauwi ko sa bahay ay nagonline muna ako sa skype to check kung online na si Bee pero wala pa din kaya nagpasya nalang ako na maligo muna at gawin ang rituals ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa desktop ko... I missed a call from Bee at offline na sya kaya naisipan ko nalang na magiwan ng message para mabasa nya.

Vinn Lorenzo Dy

Hey baby, sorry I missed your call I'm in the bathroom kasi e. Alam mo naman na may girls night out kami nila ren sa The Dark Room. Anyways I'll send some photos later. Try ko din magonline mamaya kapag nasa bar na ako. Iloveyou so much! Imissyou! Kumain on time kaaay? :* :* XOXO

10:28PM Sent

Pagkatapos kong maglog-out sa skype ay inayos ko na ang dadalhin ko na pouch. Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko na agad ang tawanan at kwentuhan nila daddy at mommy.

Nang makita ako ni mommy ay agad itong nagtanong "Anak, saan ang lakad mo? Wala naman si Vinn at alam kong out of the country sya ngayon ha?"

Humalik muna ako kay mommy at daddy bago ko sya sinagot "Yes ma, I'm with Rean dun lang kami sa bar ni Alex" agad naman sumingit ang napakagaling kong kuya

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon