Chapter 15

58 1 2
                                    

Vinn's POV

After my conversation kay boo ay biglang may pumasok sa opisina ko. Hindi na ako magtataka pa kung bakit nandito ang napakagaling kong kaibigan.

"Zup Man! Ano wala ka talagang balak magpakita sa amin? Puro nalang si Fatima pare! Nakakatampo kana" sabay hawak nya sa dibdib nya na akala mo nasasaktan talaga.

Sumandal ako sa swivel chair ko at tinignan sya. Takte mukhang may problema tong kaibigan ko ha? Nakashorts and t-shirt? Seriously???

"Pare, I have my company's dress code and I noticed na bawal yang suot mo." tumingin naman sya sa kabuuan nya.

"Tss.. di mo ako empleyado pare." Pinaningkitan ko sya ng mata. Aba! sira talaga ulo nito e.

"Business Etiquette pare, Di naman palengke ang company namin para.ganyan ang suotin mo." sabay baling ko sa hawak ko na papers.

"E pinapasok naman ako e, yaan mo na at tsaka nandito ako para yayain kang magdinner, may iooffer ako sayo." Napaangat naman ako ng ulo ko at tinignan sya, mukhang seryoso ang lalaki na to ha??

"Sorry I have an appointment for tonight" diretsa kong sinabi sa knya.

"Hoy wag mo ko pinagloloko! chineck ko sched mo sa secretary mo at ang sabi nya you're free for tonight."

Aba loko to ha ginamitan pa ng karisma ang secretary ko. "Aba malupit ka ha? Kailan ka pa nagkaroon ng access dito sa kompanya namin?" He crossed his arms and looked directly at me.

"Tang-*na pare para ka namang chicks e, syempre bestfriend mo ako. Yung girlfriend mo nga may oras pa sa bff nya samantalang ikaw heto at nagpapalilim ng itlog sa opisina mo."

Ibinato ko naman sa kanya yung folder na hawak ko.

"G*go! nagtratrabaho ako dito para may masahod mga empleyado ko. Palibhasa kasi easy go lucky ka lang boy!" Tumawa naman sya ng malakas at umupo sa sofa.

"You know what? You sounded like my father! oh come on dude! let's have dinner. Ano ba naman yung isang gabi na ako ang kasama mo at hindi si Fatima?" Napapailing nalang ako marunong talagang mangbrainwash ang loko.

"Tawagan mo nalang si Fatima sabihin mo kumain nalang sya sa labas." Siraulo talaga to igaya ba naman ako sa kanya na ganyan ang ginagawa sa mga girlfriends nya?

"Wag mo ako igaya sayo. Iba si fatima at tsaka may dinner meeting sya tonight." Napansin ko naman ang pagngiti ni Alex, sh*t wrong answer!

"O ayun naman pala e! Saktong sakto tara na kumain na tayo sa labas pare! No malice! Walang bromance bro!" Natawa nalang ako at inayos ang gamit ko.

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon