Pagkasarado ko ng pintuan ay para akong natuyuan ng lalamunan. Ibig bang sabihin e nagkausap na si kuya at Ate Charms? Lumiliit na naman ang mundong ginagalawan namin. Handa na ba akong makita sya muli? Oo? Kasama ko na si Vinn bakit pa nga ba ako natatakot? Masaya na ako hindi ba? Agad akong nabalik sa malalim na pagiisip ng biglang magsalita si Bee.
"You never fail to amuse me boo. So kinilig ka lang pala kaya ka nagpunta sa CR kung hindi pa pumunta si kuya elton di ko pa malalaman" Nag-init ang aking mga pisngi sa sinabi ni Bee.
"Ho-hoy! Nagkakamali lang si Ku-kuya Elton hindi ako yung narinig nya!" Pagsisinungaling ko sa kanya pero mukhang hindi naniwala ang mokong dahil tumango lang ito at may pilyong ngiti sa labi.
Magsasalita sana ako ng biglang mag-ring ang phone nya. Halatang hindi nagustuhan ni Bee ang nangyari kaya tumingin muna ito sa akin tanda na humihingi sya ng permiso kung sasagutin nya ba yung phone.
"Go ahead bee, I'll be waiting" he grab his phone and he check the caller ID before answering the call, mukhang hindi ata register ung number base sa naging reaksyon ni Bee.
"Hello, Good Morning Vinn Lorenzo Dy here. Who's on the line?"
"Oh Ms. Glaiza Tanner, how may I help you?" Agad namang nagsalubong ang mga kilay ko? At bakit sa personal number nya ito tumatawag e may secretary sya na syang tumatanggap ng calls when it's about the business. Napansin naman ni Vinn ang naging reaksyon ko kaya bigla itong ngumiti sa akin.
"...Okay Ms. Glaiza I'll be sending some files so that you can review it."
"Okay goodbye, you too have a nice day" then he ended the call I cross my arms and waited for his explanation.
"Erhm.. baby it's not what you think. Di ko alam kung paano nya nakuha ang personal number ko. Alam mo naman na kay Sec. Perez ko pinapasagot yun. Believe me it's all about business nothing more nothing less." Sunod sunod na pagpapaliwanag nya sa akin. Naiintindihan ko naman sya e, nag-aadjust sya para di ako magselos yung pagpalit nya palang ng secretary na lalake sobrang pinatunayan nya na hindi nya kayang magloko.
Nginitian ko sya at sinabing "I trust you bee and I believe you." then he smile at me nagusap pa kami ng halos 30 mins ng bigla na syang magpaalam dahil babyahe pa daw sila at kailangan nya ng mag-ayos samantalang ako e dinalaw na ng antok kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.
Sa mga sandaling kausap ko si Bee ay nawala ang aking mga pangamba. Ngayon alam ko na... Si Vinn Lorenzo Dy lang.
Kinaumagahan pagkagising ko ay ginawa ko lang ang daily ritual ko. Dahil it's saturday morning napagplanuhan ko na magexercise niyaya ko ang bestfriend ko na si Rean Sheila Banze she's been my friend since elementary at madalang nalang kaming magkita dahil narin sa hectic sched mabuti na nga lang at may free time sya ngayon at nasingit nya ako ngayon sa sched nya.
Isa syang fashion designer na kadalasang out of the country sa kanya ako nagpapagawa ng mga dress and gowns dahil hindi lang sa kaibigan ko sya sadyang napakaganda ng mga designs nya.
Habang gumagawa ako ng oatmeal ay kausap ko si Bee thru skype kaya kitang kita ko ang haggard na itsura nya. Madilim na sa suit nya at tanging bedside lamp nalang ang bukas at nakatopless na ang mokong.
"Boo after mo magexercise saan na kayo ni Ren pupunta?"
"Mag girls night out kami later kasi aalis na naman sya the next day papuntang Paris. Pero baka mamayang hapon e mag-malling lang kami." Agad nagkasalubong ang kilay ni Vinn.
"Girls Night Out? Saang bar? Kila alex ba?" Naku alam ko na naman ang gagawin nito ipapabantay na naman ako sa bouncer ng bar nila alex just like the old time.
"Bee wag mo ng istorbohin yung mga bouncer nila alex trabaho nila ang magbantay sa loob ng bar ni alex hindi yung ako ang babantayan nila tsaka si Ren ang kasama ko alam mo naman na reporter mo yun e." Umayos ng higa si Bee at ngayon ay nakaside view na habang nakapikit ang isang mata.
"Okay if you say so, wag masyado uminom. Stand by ko si Mang Bert para if ever na maglasing si Ren e maihahatid parin kayo ng maayos. Papahanda ko na din yung VIP lounge kila alex dun ba sa favorite spot mo? Yung overlooking?" Hindi ka talaga pumapalya Mr. Dy..
"Yes mister same spot, kung saan kita sinagot" sabay kindat ko sa kanya. Yung bar na pagmamay-ari ni alex ay may dalawang part sa ibaba ay club type while yung sa taas ay VIP lounge at kapag lumabas ka ay overlooking na may al fresco set up. I remember that day na ipasara ni Vinn ang bar ni alex para lang idate ako at tanungin kung handa na ba akong maging girlfriend nya, di ko makakalimutan lahat ng effort na ginawa nila para sa amin ni Vinn.
I saw how Bee smile from ear to ear na parang binalikan nya din yung tagpo na iyon. "Alright lover boy, get some sleep I know you're tired. Iloveyou so much and Imissyou! Power hug and kiss!" sabay lapit ko ng lips ko sa front cam ng phone ko. Narinig ko ang pagayos ni Vinn na senyales na nilapit din nya sa screen ang mukha nya.
*Beep! Beep!*
"Hey bee, gotta go nandyan na si Ren naku ayaw pa naman din nun ang pinagaantay Time Is Gold para sa babae na yun. Bye!"
"Iloveyou boo take care! Regards mo ako kay Rean!" then I ended our conversation and grab my things. Agad naman akong sumakay sa red na chevy ni ren at bineso sya.
"Hoy bakla! Ang tagal mong lumabas halos ugatin na ako dito kakantay sayo!' Panenermon sa akin ni Ren, napatingin ako sa relo ko at napagtanto ko na halos 3 minutes lang nung pumasok sya sa gate namin. Nagkibit balikat nalang ako at umayos ng upo dahil hindi naman ako mananalo sa kanya at sesermunan lang ako at ieexplain nya na naman sa akin ang Filipino Time kuno.
Dumiretso kami sa yoga class namin. Namiss ko ito. Sobra! Ilang months na ba ng huli akong magYoga masyado ng maraming stress ang katawan ko na kailangan ng mailabas. Hindi naman nagtagal ay dumating din yung instructor namin. After our yoga class ay pumunta naman kami ni Ren sa pinakalapit na tea house para magpahimasmas.
Naghanap ako ng mauupuan namin ni ren sa labas ng tea shop dahil alam kong magssmoke ang babae na ito. Habang nagaantay ako kay ren na ngayon ay umoorder ay chineck ko muna ang e-mails ko gamit ang phone ko.
Ilang sandali pa ay dumating na din si ren kasunod ang isang crew na bitbit ang order namin. Pagkaupo ni ren ay bigla itong nagsalita.
"So, alam mo na ang latest chika?" napaangat ako ng tingin sa kanya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata.
"Anong tsismis na naman yan?" Halatang nagulat sya sa naging reaksyon ko.
"So hindi mo pa alam?" May kutob na ako pero ayokong magpahalata sa kanya na alam ko na ang sasabihin nya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko na?" walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Okay fine, wag mo akong daanin sa katarayan mo bruha! Di lang ako makapaniwala na kung sino pa ang naglalagi dito sa manila e sya pang walang alam sa hot issue."
I just rolled my eyes "Do you have a plan to tell me or you don't? dami pang explanation e." Nagcross arms lang sya sa akin at tinignan ako sa mata.
"You're unbelivable Fatima Sheyn, your ex is back or should I say Chanz Timothy Sanchez is back."
AN: Rean Sheila Banze in the multimedia
BINABASA MO ANG
The Past or The Present?
Roman d'amourSeven years of our life. Seven years full of memories. Seven years of happiness and sadness. Is time really that important in finding your true love? Maybe... Because sometimes people found their true love at the right place but at the wrong time. H...
