Chapter 26

34 0 0
                                        

Weeks after ng pagbalik namin from vacation ay eto at nakatambak na naman ang gagawin ko. From the sales report up to the guest complains and suggestions, naloloka na ako.

I was reading the monthly report ng biglang may pumasok sa opisina ko.

"Hey, care to take some lunch?" Chanz asked me, I looked at him and showed all the things that I need to finish.

"You better eat Fatima. Don't stress yourself too much. I am here, I can help you. Just tell me what to do." He sincerely told me while walking in my direction.

"Chanz ang dami mo ng natulong sa akin. Napapabayaan mo na nga ata yung The Carribean e." I explained to him.

"Anong madaming natulong? E halos palakad-lakad nga lang ako dun sa baba e. Samantalang ikaw eto at namomoblema. Didn't I tell you that we're a team? Wag mo kasing sarilinin. Kaya ko naman." Chanz told me.

"Chanz, di pa natin sure kung kaya mo na talaga. Ayoko naman na mapagod ka." I reasoned out.

"Yan ka na naman ako ang nakakaramdam kung kaya ko na o hindi." He even use a puppy eyes on me.

"I don't want to take a risk Chanz lalo.na at kalusugan mo na ang involve."

"Ayy Fatima ang OA na ha? Sige para di ka na mamoblema pa sa kalusugan ko kahit sa akin mo na ibigay yung sa inventory natin? Ayan ha patas na okay na po ba?" He asked me with his famous smile.

"Fine. Sige na po." then I gave to him the files for the inventories, agad naman syang puwesto sa katabing lamesa ko when I heared his stomach growls.

"Ahh Fatima, kaya nga pala ako umakyat dito para yayain kang kumain nagugutom na kasi mga alaga ko sa tyan e." sabay kamot nya sa batok nya.

I smiled at him.

"Let's go Mr. Sanchez." then I stand up

Akmang uupo na ako sa isang available table ng bigla akong pigilan ni Chanz.

"Seriously Fatima? Sa sarili mong restaurant kana nga nagbreakfast pati ba naman lunch?"

"Nagsasawa kana ba sa food namin.dito?" I asked him, curious lang ako dahil lagi naman kaming kumakain dito e ngayon lang sya umangal.

"Fatima, It's been weeks at lagi nalang tayo rito kumakain. Halos makabisado ko na ang lasa ng gusto mong kainin e." He reasoned out, hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil panigurado naman na matatalo lang rin ako.

We ride on his car at hinayaan ko nalang syang mamili ng kakainan namin.

He brought me here at SM Mall of Asia mainly sa seaside, mabuti na nga lang at di gaanong mainit at sakto naman na mahangin pa. Maganda din ang makikita mo na view dahil maulap naman at parang sumisilip lang ang haring araw.

Chanz went inside para mag-order ng kakainin namin dinala nya ako sa isang Authentic Japanese Restaurant.

While waiting for him ay napagpasyahan ko munang buksan yung mga social accounts ko.

Sinimulan ko sa facebook, there's 45 new friend request, 105 notifications and 5 new messages. Ilang araw lang ba akong hindi nakapagbukas at ganito na agad kadami? I checked all the friend request at karamihan naman sa kanila ay di ko kilala, then on my notifications ay puro lang likes at comments nila Alex and the gang with of course Rean.

After that ay chineck ko naman ang Instagram Account ko 265 likes and 98 comments puro dun sa photos namin ni Chanz while he's in the hospital...

205 likes

"God really has a plan, Thank God he's safe."

Load previous comment...

FabulousRean So, You're back together? We really need to talk.

AlexValdez Sooooo....

HeyItsMeMarcus What's going on?

FabulousRean It's been months! Where the hell are you? I can't contact your phone!

And so on na puro sila alex lang... Wala pa silang alam siguro nga kailangan ko silang makausap.

I just took a photo of the seaside and post it in my Instagram.

"Good to be back. Hello Manila. Hello Reality."

Agad naman akong nakatanggap ng notification.

FabulousRean left a comment in your photo.

I click the notification.

FabulousRean Hoy bruha! Pagbalik ko dyan sa Manila magtutuos tayo. You better have a good explanation about this. Puro photos nalang walang comment.

Napangiti nalang ako sa inasta ni Rean kaya agad naman akong nagcomment.

FatimaSheynBautista Aye! Aye! Captain :)

I click the home button at agad ko namang napansin ang isang post na syang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

VinnTimothy "Watching her from a far"

It's a photo of me taken just a minute ago. Agad naman akong napatingin sa paligid ko. Hoping that I will see him pero nabigo ako.

"Fatima? Bakit?" Chanz asked me he's with a crew na hawak ang order namin.

"Ah- ah wa-wala.." I told him,

"Are you sure? You look pale? Para kang nakakita ng multo. Sorry natagalan ako ha? Kasi naman biglang tumawag si Kuya Tom." he explained to me.

"Hi-hindi okay lang un." I smiled at him.

He gestured the crew na ilagay nalang yung order namin sa table. Agad naman kaming umupo ni Chanz.

"Fatima, are you really okay?"

"Si- si Vinn nandito sya." I told him honestly.

Nagpalinga-linga naman ng tingin si Chanz.

"Are you sure? E wala naman e." I showed him the photo.

"E bakit di ka nya nilapitan?"

"Hindi ko din alam e... Pero bumalik na sya. Nagbalik na sya Chanz!" I told him. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Basta ihanda mo lang ang puso mo Fatima. Always remember nandito lang ako." then he held my hands.

A/N :D Another update yiiiii... Thanks much silent readers and of course Thank you sa votes!!! XOXO Happy 1.04k reads!!! :)

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon