Chapter 10

56 1 0
                                    

AN: Hi kaway-kaway! Kung nakaabot ka sa chapter na to salamat sa patuloy mo na pagbabasa :) Vote and Comment. I love to read some opinions! :) Here is my update for today hope you'll like it! :* XOXO

-PrincessApsalya

******************************

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako sa CR. I need a cold shower. Bawat pag-agos ng tubig sa aking katawan ay kasabay ang pagtulo ng aking mga luha.

Bakit kailangan ko pa itong maramdaman ulit? Akala ko ba okay na sa akin ang lahat? Nakamove-on na ako hindi ba? Pero bakit ang sakit sakit pa rin? Diti oh.. Dito sa dibdib ko...

Parang milyon milyong karayom ang tumutusok sa akin... Si Chanz bakit kailangan nyang ipakita na mas nasasaktan sya? Diba ako ang MAS nasaktan? Ako ang iniwan nya... Bakit kailangan nya pang bumalik? Para saan pa??

Madaming katanungan sa aking isipan at alam kong sya lang ang may alam ng kasagutan. Ngayon alam ko na.. Hindi pa tuluyang naghilom ang mga sugat, panandaliang panahon ko lang syang nakalimutan dahil ng makita ko sya bumalik ang lahat ng mapapait na alaala...

--

"Chanz bakit? Bakit kailangan mo akong iwan?" direkta ko syang tinignan sa kanyang mga mata, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko hindi nya gusto ang nangyayari pero agad din nyang naitago ang kanyang emosyon at tumalikod sa akin.

"Hindi na kita mahal. Just le-leave at wag ka ng bumalik pa dito sa unit ko." alam kong may problema lang.. Maayos namin ito.. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha... Hinawakan ko ang braso nya at pinaharap sa akin, nahihirapan sya, nakikita kong mahal nya ako.

"Chanz nagbibiro ka lang hindi ba? Wag ka namang ganyan.. Bati na tayo, okay lang kahit maglaro ka maghapon ng video games hindi kita papagalitan.. Lilipat na din ako ng school para di ka na magselos pa... Wala na akong rules... Just ple-please bati na tayo." then I hugged him... Tight... Pero ang mga sumunod na pangyayari ang hindi ko inaasahan... Tinulak nya ako na naging sanhi ng pagbagsak ko. Masakit... Oo, pero hindi dahil sa pagtulak nyang iyon dahil ...nandito sa dibdib ko ang sakit at hindi ko na kinaya ang huling mga salitang binitiwan nya...

The Past or The Present?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon