Chapter 43

288 7 4
                                    

Chapter 43: HER POV

Punong-puno ng pananabik 'yung puso ko na ngayon na magkalapat ang aming mga labi. 'Yung pangungulila ko sa kanya noong mga nakaraang araw biglang nawala dahil sa isang halik niya. Siya lang talaga 'yung kayang gawing ganito ang sistema ng buong katawan ko.

Ayokong bumitiw, ayokong huminto. Natatakot ako na baka kapag initigil ko 'to, ito na ang maging huli.

Mas nilaliman ko ang halik, ako ang nag-simula, ginusto ko 'to. Ayoko na ulit maulit 'yung sakit na naranasan ko. Gusto ko ganito na lang, 'yung malapit kami sa isa't-isa. Masaya ako, dahil hindi siya umaapila. Sinusundan lang din niya ang halik ko, mas sabik nga lang ako. Paanong hindi? E, mahal ko 'to.

Sa bawat pagtama ng aming mga labi, kasabay noon ang dahang-dahang pagtulo ng luha ko. Naiiyak ako sa tuwa. Masaya ako na kasama ko siya ngayon matapos ng ilang araw kong pangungulila. Naiiyak ako kasi, he's kissing me back too. Does it mean that he still loves me?

I realized we're kissing under the rain. Isn't it amazing?

I was about to put my hands on his neck so that I can have a support when he stopped.

Magkadikit ang aming mga noo. Ramdam ko ang malalim na paghinga naming dalawa. Nakapikit ako, ayokong dumilat. Natatakot ako na baka kapag nakita ko ang mga mata niya, iba na naman ito. We stood there for a few more minutes. Nang makakalma na kami pareho, doon na ako naglakas ng loob na buksan ang mga mata ko.

And there I met his eyes who captured my eyes.

But this time, it's rare. It's very strange.

Naiiyak na naman ako. Nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari ulit.

"Thun?" I murmured. Tumingin sa ibang direksyon ang kanyang mga mata pero magkalapit pa rin ang aming mga mukha. "Thun? Can... you... Thun?" I felt myself tremble. I was crying already. Humagulhol na ako sa harapan niya kasi hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung paano ako magtatanong. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. I just cried. Bigla siyang lumingon sa akin. Alam kong nag-aalala siya pero bakit parang ang tapang-tapang ng mukha niya. Kilala ko 'to, masyado siyang obvious sa expressions niya. But I know, behind those expressions was a good heart.

"Winter." Again? Winter ulit? Wala ng ibang sweet names? Ipinagwalang-bahala ko na lang, nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. Nangungusap na 'wag na niya akong sasaktan kasi hindi ko na kaya.

I took a deep breath. Ano ba ang dapat kong itanong? Ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong gustong isumbat sa kanya pero ayokong gawin kasi baka magbago ang isip niya at iwanan na naman ako.

"Thun, do you... still... do you still love me?" I asked as I stared as his eyes. Pumikit siya at binuksan muli ang kanyang mga mata pero nakatingin na ulit ito sa langit. "Because you know? I don't want to love another because you'll always be my Thunder." I added as my heart beats fast. Gusto ko na 'tong sabihin sa kanya lahat. Gusto kong ilabas pero natatakot ako.

"Don't kiss me if you're afraid of Thunder. My life is a storm." I blinked. Does it make sense? Naguluhan ako pero sinaksak ko sa utak ko ang sinabi niya.

"No, I'm not afraid of you."

"I'm afraid for you." Sabi niya bago niya inilayo ang mukha niya sa akin. Ayoko siyang lumayo, gusto ko siyang makausap ng malapitan. Gusto kong hatakin na lang ulit ang mukha niya at halikan ito pero may nag-uutos sa akin na 'wag kong gawin 'yon at kausapin na lang siya.

"Why are you afraid for me?" I asked and he shook his head. "Thunder!" Tumulo na naman muli ang luha ko kasabay nang pag-ulan. Mas lumakas, mas maingay ang kulog, mas dumarami ang kidlat. Ano ba, nakikisabay ba sila sa pighati ko? "What happened to us?"

Weather You Like It Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon