Chapter 13
Sigurado akong mas mapula pa sa kamatis ang palad at mukha ko dahil sa pagkakasampal ko sa kanya. Namumula ako hindi dahil kinikilig ako, naiinis ako. Galit na galit ako.
“Anong karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan, ha?!” Kaunti na lang at lalabas na ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit. “How dare you to tell me like that?! How dare you to tell me what to do?” I spitted on him.
Napaatras siya sa ginawa ko at galit na tinignan ako. Wala akong pakialam kung saktan niya man ako ngayon. Tinitigan niya lang ako at parang hinihintay na kumalma ako. As if naman na kakalma ako?
“Sinasabi ko lang ang dapat mong gawin! Hangga’t maaga pa----“
“Shut up! Shut up! You shut up!” Dinuro-duro ko pa siya gamit ang hintuturo ko at nangangati ako dahil gusto ko pa siyang bigyan ng sapak. “I don’t want to hear any fucking explanations from you!”
He stopped my hand and held it tight. “You shut up! Listen to me! At least ako, nagpapakatotoo! Fuck!” He let go of my hand and tugged his hair. “I just don’t want you to get in hurt. I’m just concerned, Winter! Niloloko ka lang niya! Break up-----“
Napahawak ako sa dibdib ni Thun nang biglang bumukas ang pinto sa likod ko. Iniluwa noon si Summer at halatang galit na galit ito dahil hindi na ako nakahawak kay Thun. Binubugbog na ngayon ni Summer si Thun at binibigyan niya ito ng solid na mga sapak. Naguguluhan ako at naiiyak dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Thun at naiiyak ako dahil nakakabawi na si Thun kay Summer. He’s my boyfriend and I should stop them as soon as possible.
“Anong ginawa mo sa girlfriend ko? Ha?!” Sigaw ni Summer at bumawi na naman siya ng sapak sa mukha kay Thun. Hindi halata kay Thun na nasasaktan siya, malamang sanay na sanay. Pero ang boyfriend ko, hindi.
“Wala! Kinakausap ko lang naman siya tungkol sa mga gagawin namin! Bakit ba kailangan mong mangialam ha? Manloloko ka naman!?” Thun shouted back and punched Summer on his right cheek. Shit, lagot na naman ako sa mommy nito.
I brushed my hair up in anger and frustration . Nakakainis! “Summer! Thun! Stop!” I shouted. Nandito na ang mga kaklase ko at malamang maya-maya lamang ay darating na ang Principal, Guidance Counselor at Adviser namin. “Please, tumigil na kayo!” Mas lalong sumasakit ang lalamunan ko sa dalawang ‘to.
“Umamin ka na kasi, Summer! Huwag kang magpakitang-tao sa girlfriend kuno mo! Huwag mo siyang saktan!” At sinapak na naman ni Thun si Summer sa tiyan. Napaupo si Summer at hindi ko na kaya ang nakakikita ko. Nasasaktan na ang boyfriend ko. Akmang tatadyakan na ni Thun si Summer pero tumakbo ako sa pwesto ni Summer para harangan siya. Patalikod kong hinarangan si Summer at naramdaman ko na lang ang isang malakas na sipa ang lumapat sa likod ko.
“Shit! I’m sorry!” I heard Thun’s voice behind me as he try to pull me up.
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomanceWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)